Episode 55

2.3K 202 30
                                    

"Hoy kanina mo pa ako hindi kinikibo, may problema ba?" Tanong ni Edward kay Marydale. Nasa classroom nila sila ngayon dahil inatasan si Marydale na idistribute ang mga clearance sa mga kaklase.

Umiling lang at bahagyang ngumiti si Marydale sa naging tanong ni Edward.

Edward sighed. "Wala daw pero 'di mo ako kinakausap." Pagbulong niya. Nasa gilid lang si Edward ni Marydale at naghihintay sa dalaga.

Walang imikan ang dalawa dahil busy na rin si Edward kakalaro ng cellphone nito.

"Miridil!" Si Donato at ngising ngisi itong tumungo kay Marydale, "Game ko mamaya ha? Kailangan ko ng support galing sa number one cheerer ko eh!"

Natawa naman si Marydale, "Oo ba! Hindi pwedeng wala ako sa game mo mamaya! Ako pa naman ang lucky charm mo!" Malawak na ngiti ang pinakita ni Marydale kay Donato.

"Oo naman!" Malawak muli ang ngisi ni Donato, "Miridil pag nanalo kami mamaya, sabay tayo mag dinner ah? Tsaka, pag nagchampion kami, sasama ka sa trip to Palawan namin diba?"

Napatingin naman si Edward kay Donato sa narinig pero agad rin naman niyang iniwas ito. Parang hindi niya mawari ang narinig.

"Miss Entrata, tara na. Ubos na clearance diba?" Biglaang singit ni Edward sa pag-uusap ni Marydale at Donato.

"M--may pupuntahan kayo?" Tanong ni Donato.

"Ah--oo, magpapasama lang si Edward sa mall, pero babalik naman kami agad," paliwanag ni Marydale at ngumiti ito

"Bakit kailangan mo pa samahan. Hindi niya ba alam san ang mall?!"

"Anong pakialam mo?! Ikaw nga diyan eh! Hindi ka ba nakakapaglaro kung wala siya? Korni mo!"

Napapikit nalang si Marydale habang napapagitnaan ng dalawa na unti-unti nang nagbabangayan. Naiinis na naman siya.

"Paghindi kayo tumigil na dalawa, hindi niyo na ako makakausap kailanman!" Sigaw niya sa nagtatalong Edward at Donato.

Natahimik ang dalawa at tumigil na sa pagbabangayan.

"Tara na Miss Entrata," si Edward

"Mag'ingat ka sa kanya Miridil ah." Si Donato na halatadong nag-aalala ang pananalita.

Walang imik si Marydale kay Edward dahil sa hindi niya rin alam ang sasabihin niya dito. Hindi niya alam kung bakit pero hindi niya na rin maintindihan ang inaasta ni Edward. Ayaw niyang maging assuming kahit na nakailang beses na siyang sinabihan ni Donato tungkol sa mga inaasta ni Edward. Na sabi nito, may gusto daw si Edward sa kanya base sa mga inaasta nito sa kanya.

Ayaw niyang maniwala pero ngayong mas pinapansin niya na ang mga inaasta ni Edward sa kanya ay hindi niya na maiwasang mailang at matakot. Lalo na ngayong araw, nakakaramdam siya ng ilang sa binata.

"Erase, erase!"

"Ang alin? Are you hallucinating, Miss Entrata? Are you seeing something that I don't see?" Si Edward dahil sa narinig nitong pagsasalita ni Marydale sa sarili.

Nasa food court sila at umorder ng meryenda si Edward para sa kanila.

"W--wala." Agad palingo-lingo niyang sabi, "Woah! Ang daming pagkain!" Paglihis ni Marydale ng topic, pero totoo rin naman na nabigla siya sa dami ng order ni Edward.

"Eat as much as you can! I want you to eat all your stress away! Tsaka, alam kong nastress ka rin dahil sa akin, at least, makabawi man lang ako." Tugon niya

Napangiti si Marydale. "Salamat Edward, kakain talaga ako ng marami!" Masayang tugon ng dalaga at agad kumain.

Pakiramdam niya'y hindi naman totoo ang mga inaasta ni Edward sa kanya. Ano ba naman ang gugustuhin ni Edward sa kanya?

Between Us  (Us series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon