Episode 46

2.4K 214 55
                                    

September 16, 2017
6:35am

September 16, 20176:35am

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

7:03am

"Good morning, Miss Entrata!" pagbati ni Edward.

Nasa labas ito ng karenderyang pinagtatrabahuan ni Marydale.

"E---Edward?!" gulat na sambit ni Marydale, "A-anong ginagawa mo dito?"

Natawa ito. "Sasama ako sainyo,"

Halos mapanganga si Marydale sa narinig mula kay Edward. Pinagmasdan niya ang suot ni Edward, nakaputing plain tshirt ito at itim na slocks na siyang uniporme sa karenderya sa mga lalaki na mag c-cater.

"A---anong nangyayari?"

"Oh andito kana pala Maymay, sige na. Ipasok niyo na sa sasakyan ang mga putahe at nang makaalis na tayo! Marami pa tayong gagawin!" si Aling Merly, tita ni Donato na siyang may-ari ng karenderya.

Hindi makapaniwala si Marydale sa pinasok ni Edward. Hindi niya maintindihan kung bakit nandito ito na tila magtatrabaho na rin.

"Ah, onga pala! Si Edward at si Rona," si Aling Merly, "Bagong kasamahan natin dito sa karenderya!"

Sobrang nagulat si Marydale sa nakumpirma. Totoo nga ang hinala nito, magtatrabaho si Edward kasama niya!

-
"Edward, Anong nangyayari?! Bakit kasama ka namin? Bakit andito ka?"

"Hindi mo ba narinig si Aling Merly?" simpleng tugon ni Edward, "I'm working here!" nakangising tugon ni Edward na may nalalaman pang pataas at baba ng kilay

"P-pero bakit? Ang yaman niyo na ah!"

"Sus! Ano ba? Eh sa bored ako eh!"

"Bored? Diba may game ka ngayon?"

Napatingin na ng masama si Edward sa pangungulit nito habang nag-aayos sila ng gamit nila.

"Ano bang problema mo?! Kailangan makialam, Miss Entrata?!" pagsusungit ni Edward, "Mag trabaho kana lang kaya! Sumbong kita sa may-ari eh! Di porket jowa mo pamangkin nun, hayahay kana!"

"Kailangan talaga ipag-diinan 'yan?! Baka mamaya marinig ka ng ibang trabahante diyan sa fake news mo! Tara na daw!" si Marydale at hinila niya na lamang si Edward pabalik sa mga kasamahan nila.

Dumating sila sa Venue at wala pang mga bisita dahil sa nasa eskwelahan pa sila para sa programa. Nag-ayos na muna sila ng mga kakailanganin.

"Hoy Miss Entrata, sino ba iyang kausap mo?" si Edward

Isinuksok ni Marydale ang cellphone niya sa kanyang bulsa at hinarap si Edward, "si Donat. Nagtatanong lang siya kung nandito na tayo." ngumiti ito.

"Geez. Ang sabihin mo, sinumbong mo lang sa kanya na andito ako. Do you even know the proper etiquette of workers Miss Entrata? Kung trabaho, trabaho! You're not paid for that!" pagsusungit nito

"Nagtatrabaho naman ako ah! Tsaka pwede ba! Doon kana, lagi ka nakabantay! Gusto mo ata mawalan ako ng trabaho eh!"

"Exactly."

"Anong sabi mo?!" salubong ang kilay na pagtatanong ni Marydale.

"Wala! Mag trabaho kana nga!"

Nakangusong tumungo si Marydale sa ibang kasamahan nila sa trabaho. Hirap pa rin niyang matanggap na kasama niya ngayon si Edward na nagtatrabaho. Nagmula sa mayamang pamilya si Edward pero andito siya ngayon at nagpapakahirap mag buhat ng kung anu-ano at mamaya'y mag-seserve sa mga bisita ng event.

Bored? Pagalala ni Marydale sa naging rason ni Edward. Siguro nga dapat niyang paniwalaan ito dahil wala na rin naman siyang makitang dahilan pa. Bumalik na lamang ang dalaga sa trabaho.

"Miridil!" si Donato na masayang pinuntahan si  Marydale

"Donat!" masayang salubong ni Marydale

"Okay ka lang ba? H'wag ka masyadong mag pagod ha? Sabi ko naman sa'yo h'wag kana sumali eh, maging guest ka nalang din." ani Donato

"Ngeh, nakakahiya kaya! Tsaka, mas okay na ganito! Nakaattend na nga ako sa graduation celebration ni Hannah ay may sweldo pa akong aabangan! oh diba?" natatawang tugon ng dalaga.

"Grabeh ka talaga! Eh paano kita mapapakilalang girlfriend ko eh ang busy mo?"

"Girlfriend? Girlfriend mo ako?"

"Joke lang!" pagbawi ni Donato, "Pagkatapos mo diyan, sabay ka sa'kin mamaya ha." sabay pagkindat ni Donato sa kanya

"Eh? M-may trabaho ako diba?"

"Basta. Akong bahala sa'yo!"

"Entrata!" si Edward na halos sabay ang naging paglingon ni Donato at Marydale sa kanya, "Tawag ka ni Aling Merly." dagdag nito

"A-anong ginagawa ng isang 'to dito?" si Donato

"Pakialam mo?"

"Edward?!" pag-alma ni Marydale, "Donat, ito nga pala iyong gusto kong sabihin. Nag apply si Edward sa karenderya ngayon kaya andito siya." tugon nito.

"May lahing aso na ba 'to ngayon at sunod nang sunod sa'yo?"

"Donat, please? Sige na bumalik kana sa mga bisita niyo at baka hanapin ka!" pagsusumamo ni Marydale kay Donato.

"Tara na nga!" si Donat at hinila nito si Marydale palayo kay Edward at wala na lamang nagawa si Edward para pigilan ang dalawa.

Between Us  (Us series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon