September 18, 2017 (Monday)
6:20am**Marydale was active 9 hours ago**
Edward: Nasa convenience na. Saan kana?
6:26am
Edward: Hoy! Di ka pa ba gising?!
6:36am
Edward: ano ba? mag 7am na ah! Saan kana? Hinihintay kita! Sabay tayo mag breakfast oy!
6:39am
Edward: Miss Entrata?
6:42am
Edward: Lunes na lunes, umiinit ulo ko sa'yo! Final rehearsal today diba?!
**Marydale is active now**
Seen
6:47amMarydale: Edward!!
Marydale: Nasa school na ako 😭 Sorry ngayon lang kita nainform 😭
Seen
6:51amMarydale: Edward? Nasa may gate ako, hintayin ba kita? Sorry talaga!
Marydale: 🙏😭😭😭😭😭😭
Seen
6:57amEdward: You could have at least told me nauna kana hindi iyong mukha akong tanga dito
Marydale: Hoy Edward, hindi naman sa ganun. Grabeh bai 😭
Marydale: Sinundo kasi ako ni Donat sa bahay, I mean, sa labas ng bahay! Sabay kami pumuntang school 😭
Edward: Ah ok sorry naman
Marydale: Hindi ako nag expect talaga na pupunta siya dahil wala naman siyang sinabi sa akin na pupuntahan niya ako
Seen
7:01am**Marydale is typing**
Marydale: Sinurprise niya ako kaninang umaga sa labas ng bahay at sabi niya sabay na kami sa school. Sorry talaga.
Edward: And then you keep on denying na hindi mo siya jowa. kingna
Marydale: dahil iyon naman talaga ang totoo! Kaibigan ko lang siya!
Edward: Edi wow magic!
Marydale: 😭😭😭😭
Marydale: Nasaan ka? Pupuntahan nalang kita diyan
Edward: Forget it.
Marydale: Edward naman! Hindi ko sinasadya 😭
Edward: Ayaw ko na makihati sa time mo at sa jowa mo! Lol Nagmukha pa akong thirdwheel, kadiri! Bahala kana nga!
Marydale: Edward naman :(
Marydale: Bakit ba pinagdidiinan mong jowa ko si Donato eh hindi naman talaga! Sa tingin mo sa hirap kong ito, naisin ko pang makipag jowa?!!!
Edward: aba malay ko
Marydale: Nasaan ka? Pupuntahan kita
Edward: Wag na. kahiya naman sayo! Sorry nag demand ako ng oras mo ah! 😒
Marydale: Donat
Marydale: Este Edward naman! 😭
Marydale: Pumasok ka ngayon ha? Final rehearsal ngayon tapos sa wednesday na ang play
Edward: After the play I'll cut business with you
Edward: tandaan mo iyan!
Marydale: Edward naman 😭 Kung ano na naman naiisip mong sabihin eh alam ko naman galit ka lang!
Edward: Stop acting like you understand a thing Marydale! Stop bugging me or I'll never show up again!
Marydale: Hihintayin kita dito sa school! Hindi ako aalis dito sa entrance!
Seen
7:13amEdward: I'm few more steps. Umalis ka sa dadaanan ko, understand?! H'wag ka lumapit sa'kin!
Marydale: Nakakasakit kana 💔
Edward: Damn it and that broken heart emoji of yours!
Edward: Umalis ka diyan sa gate if you want that fucking play to happen!
Marydale: 😭 Sige.
-
Dumiretso si Marydale sa rehearsal room nila at binaha lang siya ng tanong ng mga kasamahan niya kung nasaan na si Edward at malapit na silang magsimula."P-papunta na 'yon," pagsagot na lamang ni Marydale
Maya-maya't tama naman ang naging sagot niya. Dumating si Edward at nakasuksok lang ang mga kamay niya sa magkabilang bulsa habang ngumunguya ito ng bubble gum.
Napatingin si Marydale sa kanya pero umiwas lang ng tingin si Edward sa kanya.
Nagsimulang mag rehearsal ang lahat at paulit-ulit sa pagkakakamali si Marydale sa kanyang mga linya.
"Ano ba iyan! Malapit na tayong mag tanghal tapos ganyan ka pa rin Class Rep?" isang kaklase nila
Tumango ang isa nilang kasamahan, "Oo nga! Feelingerang frog kasi eh! Akala mo naman!"
"A-aayusin ko na lang. Sorry!" si Marydale na nahihiya na sa paulit-ulit nilang mag ensayo.
Inaayos niya ang pag akting ngunit may pagkakataong sumasablay pa rin ito
"Cut!" pag sigaw ng kaklase nila na magiging direktor nila sa play, "Pwede ba Class Rep?!" Muling pag sigaw nito kay Marydale! "Break time na muna! Mag ensayo ka muna Class rep, wag puro landi inuuna!" dagdag nito.
"Eh paano, sa oras ng ensayo kung hindi kay Edward, kay Donato naman nakiki-ride! Ganyang na talaga siguro kadesperada ang mahirap na katulad niya! Bakit? Kailangan mo for College? Gold Digger?!" si Devina at natawa lang ito.
"That's enough!" pag sigaw ni Edward sa mga taong tumatawa kay Marydale.
Naiyak na si Marydale ng tuluyan pero agad naman niyang pinahid ang mga luhang dumaloy sa kanyang mga pisngi. "Kukuha lang ako ng tubig!" Natatawang tugon ni Marydale na kunyare wala lang sa kanya ang mga narinig.
Patakbong umalis si Marydale sa rehearsal room nila at kahit nagpipigil man si Edward dahil sa tampo niya kanina kay Marydale ay wala na siyang nagawa pa kundi sundan ito sa kanyang pagtakbo.
Nakita ng mga mata niyang pumasok si Marydale sa CR ng mga babae kaya't hindi na niya nagawang sundan pa ito lalo na at sunod-sunod rin ang pag pasok ng mga babae sa loob nito.
Maya't-maya pa ay patakbong dumating si Donato sa tapat ng CR at hinihingal pa ito.
"Nasa labas na ako," sabi nito na may kausap sa cellphone niya.
Nakita ni Edward ang paglabas ni Marydale sa CR na gusto niya na rin sanang lapitan ngunit nauna na si Donato. Napagtanto niyang tinawagan pala ito ni Marydale kaya napakaripas sa pag punta si Donato kung nasaan siya. Ilang metro lang ang layo niya sa dalawa pero napabuntong hininga na lamang siya't tumalikod.
Nakailang hakbang na siya palayo kaso, "Edward!" may tumawag sa kanya kaya nilingon niya ito. Si Donato pala.
"What?!" maangas na tanong niya
"May gusto ka ba kay Marydale?" tanong nito at bahagya siyang nagulat
"What?!" tanging salita'ng lumabas sa bibig ni Edward sa aktong iyon.
"Stay away from her! Lahat nalang ba, susulutin mo sa'kin?! Stop messing up somebody else' life and get a life of your own!" bahagyang sigaw ni Donato sa kanya bago ito tumalikod at umalis.
Hindi man lang siya nakasagot.
--
Ps: Aminan time na ba? o sabong time na? 😂 Maraming salamat sa pagmamahal sa istoryang ito. Pa-teens lang 'to, wag masyadong damhin. 😁 Salamat po! ❤