Episode 70

3.2K 220 75
                                    

Kinabukasan ay walang pasok sila Marydale, ito ay araw para sa paghahanda para sa kanilang graduation day. Napatingin si Marydale sa kanyang cellphone at wala man lang text sa kanya si Edward, anong oras na.

September 29, 2010

9:09am

*Edward was online 8 hours ago*

Marydale: Pssssst. Good morning ♪♥

Marydale: Walang pasok ngayon at pahinga day para bukas kaya sana nagpapahinga ka ngayon hehehehe excited na ako sa graduation. hehe. H'wag mo kalimutan kumain ha? 😊 Ingat ka today. Tulog ka pa ata. hihi

-
Inilapag na muna ni Marydale ang kanyang cellphone at nagsimulang mag linis ng bahay ng kanyang tita. Gusto niyang sulitin ang araw na ito para magpahinga para sa sarili.

"Hoy Marydale, may naitatabi ka ba riyang pera at kailangan ko nang panghanda sa graduation ni Bentot? Ang daming bayarin dito sa bahay, ako lang isa kumakayod. Ang dami ko pang pinapalamon! Meron ka ba diyan?" ang tita niya'y ang lakas pa ng boses.

"Naku tita, w-wala na po. Dalawang daan na lang po iyong pera ko. Maghahanap po akong raket mamaya sa balutan. Iyon nalang po." sabi ni Marydale at napangiti siya ng kaunti.

"Buhay nga naman oh! Akin na lang iyong dalawang daan mo! Maghahanap na lang akong mauutangan!" Sabay pabahis bahis na lakad ng tita niya sa sala, "Pesteng buhay 'to! Ni hindi na nga pinapabayad ng renta!" rinig niyang mahinang tugon ng Tita niya pero rinig na rinig niya pa rin.

Napayuko na lamang si Marydale at napabuntong hininga, "Kukunin ko lang po iyong dalawang daan sa kwarto ko at maghahanap po akong raket, mag aabot po ako." sabi niya na lang at pumasok na siya ng kwarto niya.

Napabuntong hininga ulit si Marydale habang binubuksan niya ang kanyang alkansyang may laman na tig bebente na dalawang daan ang kabuohan. Papasira na sana siya ng cabinet ng may napapansin siyang nawawala sa gamit niya...ang cellphone na binili ni Donato para sa kanya na hindi niya ginagamit.

"Nasaan na iyon?" mahinang tugon niya habang hinahalungkat niya ang kanyang cabinet, "Dito lang naman iyon ah!" sobrang kinakabahan na siya.

Nagmamadaling lumabas si Marydale ng kwarto niya't tumungo sa sala ng bahay, "Tita, may nakita po ba kayong cellphone sa cabinet ko? Vivo na cellphone po." puno ng pangambang tanong ni Marydale sa tita.

"Ah, iyon ba? Kanino ba iyon, saiyo? Paano ka naman nagka cellphone ng ganun kamahal? May pera ka ba?!" nabigla siya sa naging pahayag ng kanyang tita, "Akala ko, wala lang iyon sa'yo, isinangla ko muna at mapuputulan na tayo ng kuryente." simpleng tugon ng tita niya habang nanonood ng tv.

"P--po? Hindi po iyon sa akin, sa kaibigan ko po iyon at pinahiram sa akin. Tita, kailangan ko po iyon."

"Abay sabihin mong sinangla mo! Jusko naman Marydale! Kung hindi ako gipit sa gastusin dito sa bahay isasangla ko ba iyon?! Edi sana naman malaki ang ibinibigay mo sa akin at hindi ako naghihirap ng ganito kakapalamon sayo at bayad ng tubig, kuryente at kung anu-ano pa!"

"Pero Tita, hindi po kasi sa akin iyon, pwede ko naman po---" naiiyak na tugon ni Marydale

"Ay leche! Hala, kobrahin mo kay aling M8ling iyong cellphone mo! Sampung libo ang benta ko dun!" sigaw ng tita niya

"B--benta po?!" pagklaro ni Marydale.

.
"Akin na nga iyang 200 at may lakad ako! Ang daming pasakali!" inis na sabi ng Tita niya, "Nakakawalang gana!"

Iniabot naman ni Marydale ang dalawang daan at nagpipigil na lamang siya ng kanyang luha.

Umalis na ang kanyang tita at tsaka naman siya humagulgol. Naiyak na siya sa sinapit niya ngayon araw. Saan naman siya makakakita ng sampung libo? Ano na lamang ang mararamdaman ni Donato?

Between Us  (Us series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon