Episode 54

2.4K 224 74
                                    

September 20, 2017

04:32am

Marydale: good morning Edward! Sorry nakatulog na ako kagabi ha? Hindi naman sa iniwasan ko ang pagtataray mo sa akin. Sadyang pagod lang. Hehe

Marydale: nagluluto ako ngayon. Sana kung ano man itong niluluto ko magustuhan mo 😂 Sana wag kang maarte.

Marydale: Nag luto ako for you hehe.

--
**Marydale is active 37minutes ago**

6:17am

Edward: Good morning 😎

Edward: See you mamaya sa convenience. Ligo lang ako.

7:07am

Edward: Nasa convenience na ako. 😊 Saan kana?

**Marydale is active a  hour ago**

Edward: Alas syete na oh.

Seen
7:12am

Marydale: 😭😭😭😭😭😭

Seen
7:12am

Edward: Anong meron?

Marydale: 😭😭😭😭😭😭

Edward: Hoy

Marydale: YUNG NILUTO KO PARA SAYO KINAIN NILA TITA. BINAON PA NG ANAK NIYA 😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭

Marydale: nilagay ko na sa tupper ware iyon eh 😭

Edward: HAY NAKU..ANG TANGA NG ULAM 😒

Marydale: Malungkot na nga ganyan ka pa☹

Edward: Kung kelan nag effort ka. Hayaan mo na nga iyon! Libre mo nalang ako 😄

Marydale: ako na nga nawalan, ako pa manlilibre? 😭

Edward: Hay 😤

Edward: Punta kana nga lang dito sa convenience. I'll wait for you here at pumunta na tayo sa school to get our clearance and then let's go somewhere else today. 😎

Marydale: saan?

Edward: Secret. Bilis na diyan!

Marydale: okay sige! 😁

Edward: Mukhang na scam mo ko eh no? Paraparaan. Kunyare lang ata nagluto ka eh

Marydale: oy hindi kaya! Totoo, nagluto ako for you pasasalamat sana sa lahat ng tulong mo sa akin at diba nga nangaaway ka kagabi? So pakalma sana iyon 😅

Edward: Sus! gumastos ka pa.

Marydale: Minsan lang naman iyon. Kahit papaano diba? Makabawi man lang ako sayo hehehe 😊 Bait ko no?

Edward: thank you.

Marydale: asssssus. Hahahahahaha cute mo minsan no? Parang hindi kailanman nagsusungit eh. 😂

Edward: Tabil ng bibig mo. Saan kana?

Marydale: Nasa jeep na ho sir. 😁

Edward: Okay sige. 👻

--

Magkasamang pumunta si Marydale at Edward sa eskwelahan at magkasama ring kumuha ng clearance nila. Paalis na sana sila ng eskwelahan nang may makasalubong sila.

"Pare, pwede ka ba namin makausap ha?" Paglapit ni Iñigo, kilalang kaibigan ni Edward.

"What is it?"

"Kung pwede sana tayong dalawa na muna? Pwede ba iyon Class rep? Hiramin ko na muna 'to si Edward?" Ngising pag papaalam ni Iñigo sa kanya.

"H-huh? Oo naman! Grabeh at nagpaalam talaga!" Nahihiya pero nakatawang tugon ni Marydale.

"Wait for me here, okay? I'll be back." Si Edward at sumama na muna siya sa kaibigan.

Tanaw lang naman ni Marydale kung nasaan naroroon si Edward. Hindi masyadong malayo pero ang distansya ay sapat para hindi niya marinig ang tila seryosong pinag-uusapan nila Edward.

Napasandal siya sa isa sa mga poste ng hagdan at sa di katagalan ay may lumapit sa kanya. Mga estyudante ito na kaparehas ng kanilang grade pero iba ang section.

"Ikaw si Marydale diba? Girlfriend ka ni Edward?" Tanong ng isang babae

"E-eh?"

"Ikaw ang pinalit ni Edward kay Elizabeth?"  Tugon muli ng isa sa mga lumapit na babae.

"H--hin..."

"May problema ba?" Biglaang dumating si Edward kaya hindi na naituloy pa ni Marydale ang sasabihin.

"Wala naman." Matapang na tugon ng isang babae at naka-ekis pa ang kanyang mga kamay habang nakaharap sa kanila. "Tinatanong lang namin si Marydale kung ano ka niya, kung siya ba ang pinalit mo kay Elizabeth," direktas tugon ng babae.

Napayuko si Marydale dahil nakaramdam siya ng hiya sa sarili.

Agad namang umakbay si Edward kay Marydale kaya nagulat ang dalaga, "Ano ngayon?" Matapang at supladong tugon ni Edward.

Napatingin naman si Marydale ng puno ng gulat sa mukha.

"May problema ba kayo?" Dagdag ni Edward.

Between Us  (Us series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon