CHAPTER FIVE
"AND forty-fourth carrot! Ayan! Tapos na! Phew!" relieved na sabi ni Rhian. Pinalis pa niya ang pawis sa noo.
Katatapos lang niyang magbunot ng mga carrot sa lupa. Walang klase ngayon dahil Sabado. Buong umagang nagpaka busy si Rhian sa garden.
Kapag nakita nilang binuhat ni Rhian ang malaking basket na naglalaman ng carrots, okra, talong at kalabasa, mahahabag ang mga ito sa kaniya at babayaran siya nang malaki. Malayo kasi ang garden sa cafeteria. Bibigyan pa siya nang masarap na pagkain sa lunch.
Mabait ang mga staff ng cafeteria kay Rhian dahil gusto nila ang pagiging independent niya. Nabubukod tangi raw siya sa mga priviledge na estudyanteng nag-aaral sa boarding school na ire.
Humigop siya nang sariwang hangin. Malapit nang magtanghali, tiyak na magiging on time ang delivery niya sa lunch. Kapag weekends, may mga estudyante na lumalabas ng campus. Ang iba, bumabalik sa kani-kanilang pamilya. Kahit sina Patricia, Arietta at ako ay umaalis tuwing weekend. Walang pupuntahan si Rhian kaya palagi siyang naiiwang mag-isa sa boarding house.
Yumuko si Rhian sa yellow rubber boots niya. Suot niya ito lagi kapag nag-aayos siya ng garden tuwing weekends. At sinusuot din niya ang maong jumper at puting sando niya. Nakaipit ang buhok niya para presko.
Naghugas muna siya ng kamay at tinanggal ang mantiya ng lupa bago umalis ng garden bitbit ang kaniyang basket. Naglakad-lakad na siya sa liblib ng gubat.
Kinokoberan ng tuyong dahon ang wooden pathway. Malutong ang tuyong dahaon kapag naapakan ni Rhian ang mga ito. Lumilikha ng harmonization ang kuliglig at ibon sa mga nagtataasang puno. Sa sobrang kapal ng tree branches, hindi kayang pumasok ng sinag ng araw. Kahit ang blue sky, natatakpan ng mga dahon sa itaas ng puno.
The smell of damp earth and the sweet scent of trees, sapat na ang mga ito para sa relaxation ni Rhian. Palagi kasi siyang tambak ng trabaho. Lately, napakarami niyang kliyente. Hapit ang thesis ng mga seniors dahil gagraduate ang mga ito. Totoo. Kahit thesis tinanggap niya. Ang taas ng offer ng kliyente para gawin ni Rhian ang thesis nila.
Kailangan niyang hawakan with both hands ang basket dahil napaka bigat. In fact, konti pa lang ang nilalakad niya, hingal na agad siya. Kada padyak niya habang bitbit ang basket, umiire siya.
"Kailangan mo ba ng tulong?"
"Kabayo!" nabagsak ni Rhian ang basket sa pathway sa sobrang gulat. Lumingon siya sa lalaking nagsalita. "Nagulat ako sa 'yo, Yael. Nabitiwan ko tuloy ang basket."
Yael laughed slightly at dinampot nito ang basket pati ang mga tumapon na gulay. Binuhat nito iyon. "Allow me to carry it. Pupunta ka ba sa cafeteria?"
"Oo. Do'n ako pupunta. Okay lang ba sa 'yo kung ikaw magbuhat?"
Tinimbang ni Yael ang basket gamit ang isang kamay nito. "Hindi naman siya mabigat. Pero sa katawan mo, I'm sure mahihirapan ka."
"Come on! Stop condescending me," biro ni Rhian.
Ngumiti lang si Yael sa kaniya. Binuhat nito sa isang kamay ang basket. His muscle hardened and tensed. Mas naging prominente ang ugat sa braso at kamay nito. Halos umire na si Rhian kanina para buhatin ang basket. Tapos si Yael... He didn't even break a sweat.
"So. Narinig ko may long quiz naman tayo sa English Literature," simula ni Rhian habang pinapaypay ang nag-iinit niyang pisngi. Aware na aware siya sa maugat na braso ni Yael. "Mukhang kikita na naman ako sa 'yo," dagdag ni Rhian.
"No!"
"Excuse me?"
Napabuga ng hangin si Yael. "Ayoko nang maging kliyente mo, Rhian."
BINABASA MO ANG
Rhian Strauss
Teen FictionAssignments? Projects? Quizzes? Exams? THESIS? Basta tama ang presyo, ang classmate mong si Rhian Strauss ang bahalang sumagot at gumawa para sa 'yo. Enter Yael De Jesus, ang hotshot varsity player with a flunking grade. Siya ang bagong kliyente ni...