Chapter Twenty-Three

654 51 20
                                    

 DAGSA ang mga estudyante sa hallway nang dumating sina Yael & Rhian. Parang palengke sa ingay ang hallway. Lumilipad sa ere ang mga notebook, libro, sandwiches, bote ng tubig, canned drinks at crumpled paper. Halu-halo ang tawanan at sigawan sa paligid. Hindi mapigilan ang mga estudyante. Anarchy ang social order namin!

Hawak-kamay na hinanap nilang dalawa ang kaklase nila. Naanigan ni Rhian si Arietta, Patricia at ako sa tabi ng bulleting board. May hawak kaming pambato! Lumapit silang dalawa sa aming tatlo at nakisali sa riot.

"Rhian!" tili ni Arietta. "I'm sorry dinukot ka ng mga guwardiya. Apparently, naisipan ni Ms. Ong na ipadampot ka sa boarding house. I'm sorry!"

"It's alright! I probably deserve being jailed a bit. Sinira ko ang family day para sa 'yo. Ang saya mo pa man din kasama ang uncle mo. Anong nangyayari?"

Binato ni Arietta at Patricia si Ms. Ong. Cornered na parang daga ang guro sa tapat ng Faculty washroom. Kinakalampag nito ang pinto. Kung hindi mo kilala si Ms. Ong, maawa ka sa itsura nito. Smudged ang red lips stick ng guro. Umiiyak ito—malas nito dahil may suot itong mascara. Natunaw ito at bumagsak ang itim na mantsa sa pisngi. Toppled ang eyeglass na suot nito—ang isang frame tanggal na! Ang lupit ng mga estudyante dahil sinira nila ang damit ng guro. Tumaas lalo ang slit ng skirt ni Ms. Ong—revelead ang inaamag na panty hose nito.

"Bakit niya gustong pumasok ng washroom? Hindi siya makakatakas. Di ba maliit ang bintana sa loob?" tanong ni Yael.

Tumawa si Rhian. "Nilagyan ni Patricia ng high dosage laxative ang tubig ni Ms. Ong. I bet the laxative is working its magic."

Prrrrrrt!!

Tumawa ang mga estudyante. Nagcut through the noise ang epic fart ni Ms. Ong. Ang ilang katabi ni Ms. Ong, sinipit ang ilong gamit ang daliri.

"Nilock ni Diamond ang washroom ng Faculty," paliwanag ni Patricia. Binato nito si Ms. Ong ng ballpen sa mukha. Sapul! Asintada talaga si Patricia!

Humawi ang daan para sa babaeng Principal na si Mrs. Santos. Hawak nito ang cellphone at may alalay itong tatlong pulis. Base sa itsura ni Principal Santos, napanood nito ang kinalat naming video sa Youtube. Ang sama nito kung makatingin kay Ms. Ong.

"Arestuhin niyo siya!" utos ni Principal Santos at tinuro ang constipated na educator.

Naalerto si Ms. Ong sa tatlong pulis na lalapit. Agad nitong hinanap ang fire exit na katabi naming lima. Bilog na bilog sa takot ang mata ni Ms. Ong. Inangkla ng guro ang kamay sa pinto ng fire exit upang itulak ito. Talaga nga naman ang hayop! Plano pang tumakas.

"No, you're not going anywhere," bulong ni Patricia. Bumwelo si Patricia at pinakawalan ang dalawang dart pins. Kumilos si Patricia. Nilabas niya sa kaniyang bulsa ang mga dart pins. Bumwelo si Patricia at pinakawalan nang sabay-sabay ang tatlong dart pins.

"AH!!!" daing ni Ms. Ong.

Sapul! Tumagos ang tatlong dart pins sa likod ng kamay ng guro. Bumaon ang mga point sa steel na pinto.

Tumingin ako sa paligid. Crowded ang hallway. Sa dami ng nambabato sa guro, mukhang hindi nakita ng mga estudyante kung sino ang tumira ng dart pins. Bagkus, yumanig ang hallway sa cheer ng mga estudyante. Nagkumpulan sila lalo sa hallway, nahirapang dumaan ang tatlong pulis na aaresto kay Ms. Ong.

Namangha ang lahat sa tatong dart pins na nakatuhog sa kamay ng guro.

"Dart Pins! Dart Pins! Dart Pins! Dart Pins! Dart Pins!" chant ng estudyante sa hallway. Binato pa ang kamao sa hangin at nagtatalon na parang may concert.

Sa wakas, nakasingit na rin ang mga pulis sa crowd at hinuli si Ms. Ong. Tinanggal nila ang dart pins at pinosasan ang guro. "Ms. Judy Ong, you are place under arrest for the crime of murder. You have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you..." bigkas ng isang pulis sa Miranda Warning kay Ms. Ong.

"Bitiwan niyo ako! Hindi ako ang nasa video," depensa ng guro. Walang naniniwala sa kaniya. Amoy na amoy namin ang takot niya. Umagos ang liquid brown pababa sa legs ni Ms. Ong! Kung sino man ang nag-imbento ng laxative, malaki ang utang na loob namin sa kaniya.

"Go back to your classrooms!!" sigaw ni Principal Santos sa mga estudyante sa hallway.

No one dared to listen.

Umalis sa eksena si Principal Santos. Maya-maya lang, bumukas ang sprinkler na nakakabit sa kisame. Sadyang fail ang attempts nila para i-contain ang emosyon ng lahat. In fact, mas lalong nagwala ang mga estudyante sa prospect ng tubig!

"ROAAAR!" sigaw ng ibang estudyante.

"Dart Pins! Dart Pins! Dart Pins! Dart Pins! Dart Pins!"

Sumabay pa sa ere ang pop song na galing sa hallway speakers ng kisame. Nakisimpatya ang mga DJ sa radio booth.

Para kaming mga baliw sa tubig. Sumayaw ang iba at nagtatalon sa pop song. Umalsa ang emosyon na matagal nang tinitiis ng mga kabataang tinapon sa Green Knoll Academy. Mapipigilan ba nila kami?

Ipinilupot ni Rhian ang kaniyang braso sa leeg ng kaniyang nobyo. Nagpalitan sila ng malagkit na ngitian. Dripping wet na ang kanilang buhok. Soaked na soaked ng tubig ang kanilang damit.

"You know what?" sabi ni Rhian, "Tama ka. Bagay ako dito sa Green Knoll Academy."

"We all get to choose where we belong. I am your chosen one and you're mine." His eyes twinkled with overflowing myrth.

"Everyday," gagad ni Rhian. Hinapit niya ang ulo ni Yael pababa. She sealed their young forever with a scrumptious kiss.

Napag-isip-isip ni Rhian. Sapiosexual talaga siya. Di man henyo sa Alegbra, Physics at Western Civilizations ang nobyo niya, taglay pa rin nito ang pinaka importanteng katalinuhan sa lahat: alamin ang ibig sabihin ng luha ni Rhian kahit walang tanung-tanong.

"Dart Pins! Dart Pins! Dart Pins! Dart Pins! Dart Pins!"

WAKAS

Rhian StraussTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon