KAPAG trip namin, tumatambay kami sa abandoned music room ng main building. Magulo ang alignment ng mga armchair. Kinakalawang na ang music instruments sa loob. Putol ang strings ng grand piano sa gilid. Pinatungan pa ito ng armchair. Mabaho sa loob—amoy shit.
"Oink! Oink! Oink!" sabi ni Whitey, ang alagang baboy ni Arietta.
"Narinig mo 'yon, Rhian?" sabi ni Arietta, "sabi sa 'yo ni Whitey, wag ka na umiyak." Pinanggigilan ni Arietta ang baboy nito at kinamot pa ang tiyan. "Ang sweet talaga ng baby ko. Coochie coochie! My cute Whitey!"
Bawal ang domestic animal sa boarding house. Sa totoo lang, isang matabang baboy ang nag-unite sa aming apat. Lumapit sa aming tatlo si Arietta para itago ang baboy nito. Ako ang nakahanap sa abandoned music room. Perfect na taguan ito. Usap-usapan na may multo sa loob at maraming daga. Walang magtatangkang pumasok dito. Jusko! Matapang ang amoy sa music room. Malala pa sa granada at dangerous bombs ang tae ni Whitey. Binubuksan namin ang bintana kapag tumatambay kami sa pigpen ng baboy ni Arietta.
Above all else, naging secret hideout namin ang abandoned music room.
"Oink! Oink! Oiiink!" sabi ng baboy.
"Translation: jerk si Yael—este, jock si Yael! Tama ang desisyon mo, Rhian," candid translation ni Arietta sa sinabi ng baboy.
Pinunas ni Rhian ang luha sa isang tissue at suminga pa ng sipon.
"Binalaan ko si Yael noon na wag nang ituloy ang planong ligawan ka," nag-aalalang dagdag ni Patricia, "feeling ko tuloy, kasalanan ko 'to, Rhian. Ako ang nag-introduce kay Yael sa 'yo."
"O, ito pa tissue," sabi ko kay Rhian. Inabutan ko siya ng facial tissue. Maluwag naman nitong tinanggap iyon at suminga kaagad sa tissue.
Sa dalawang taon kong nakilala si Rhian, ngayon lang siya umiyak sa harap namin. Somehow, awkward sa pakiramdam naming tatlo. Anong klaseng comfort ba ang dapat naming i-extend sa tearless naming kaibigan?
Sinalaysay kanina ni Rhian ang tungkol sa break-up nila ni Yael. Sabi na nga ba, e! Overrated ang mga monthsaries! Kaartehan lang 'yon! Monthsary pa ang araw ng break-up nila. Kaya kapag nagka boyfriend ako, hindi namin gugunitain ang monthsary.
"Kakatayin ko si Jane at ipapakain kay Whitey," ani ni Patricia.
"Madumi ang dugo ni Jane. Baliw ka, Patty! Viral ang Bitch Virus ngayon. Maawa ka sa baboy ko."
Ganito pala ang itsura ni Rhian kapag umiiyak. Pulang-pula ang mata nito. Natural ang blush sa pisngi. Pulang-pula ang ilong; may runny nose. In all fairness, maganda pa rin siya. Kapag ako umiyak, daig ko ang oink oink ni Whitey. Huwaaaa! Huwaaaa!
Sisinghut-singhot na nagpasalamat si Rhian, "You guys, I'm sorry. Kailangan ko talaga ng kausap ngayon. Mababaliw ako kung kikimkim ko 'to. Kaya salamat talaga."
"Say no more, Inday. Ibuhos mo lang, 'yan," sabi ni Arietta.
Knock! Knock! Knock! Knock!
Nagkatinginan kaming apat. Umatras ang luha ni Rhian sa gulat at bumalik sa tear ducts.
Kumpleto kaming apat kaya sino ang kakatok? Dalawang taon na kaming tumatambay sa pigpen ni Whitey at wala ni isang staff ng paaralan ang pumunta dito.
Nagpakiramadaman kami kung sinong sasagot sa pinto.
Tumingin sa akin si Patricia. Gumaya tuloy si Arietta. Sumunod si Rhian ng tingin.
"At bakit ako?!" Lumaki ang butas ng ilong ko.
"Kasi ikaw ang pinaka malapit sa pinto," rason ni Patricia.

BINABASA MO ANG
Rhian Strauss
Teen FictionAssignments? Projects? Quizzes? Exams? THESIS? Basta tama ang presyo, ang classmate mong si Rhian Strauss ang bahalang sumagot at gumawa para sa 'yo. Enter Yael De Jesus, ang hotshot varsity player with a flunking grade. Siya ang bagong kliyente ni...