"I GOT A 'B' plus! Nakakuha ako ng 'B' plus sa Applied Economics exam!" anunsiyo ni Yael kay Rhian at sa aming tatlo nina Patricia at Arietta.
Wala nang mas kikinang sa mata ng kaibigan naming si Rhian. Proud na proud ito sa boyfriend nito.
Sabay kaming naglalunch sa cafeteria. As always, nasobrahan ng patis ang spaghetti. Pero kahit paano, bumalik ang appetite ko dahil sa magandang balita ni Yael.
Humalumbaba ako sa lamesa at inobserbahan si Rhian at Yael. Isang buwan na silang mag-on pero isang linggo pa lang kumakalat ang balita sa buong campus. Kinwento sa amin ni Rhian from top to bottom ang nangyari sa family day at ang nangyari sa vegetable garden kasama si Yael.
Ang creepy ng changes kay Rhian. Kapag nagbibiro si Patricia, hindi kami natatawa ni Arietta, pero si Rhian? Giggle ito ng giggle sa mga stupid, corny jokes ni Patty. Parang tumira nang coccaine. High na high!
Soup ang food namin kagabi. Sa fork na gamit ni Rhian, talagang hindi nito mauubos ang soup. Lutang! Ganito pala ang mga taong in-love? Forget na nila ang difference ng ballpen at kutsarita sa tuwing maghahalo ng kape.
"You see, babe? Nakikinig ako sa mga lecture mo," sweet na sabi ni Yael sa nobya at pinisil-pisil pa ang pisngi. Magkatabi sila at sinusuri ni Rhian ang test paper ni Yael.
"I'm so proud of you! Sabi ko naman sa 'yo, kaya mo ang Applied Economics. Ano nga ulit ang blood type ng baby ko?"
Yael grinned. "B positive!" Hinagkan nito ang pisngi ni Rhian.
"Love is in the air!" sarcastic remark ni Patricia.
"Gumamit tayo ng Baygon," biro ni Arietta.
"Oh, shut up!" balik ni Rhian.
"Please, don't tell me sinecelebrate niyo ang monthsary niyo ngayon?" tanong ko sa kanilang dalawa.
Nagkatinginan ang magsyota at nagpalitan nang makahulugang ngiti.
"Sino ka? Anong ginawa mo sa friend ko?!" sikmat ko kay Rhian. "Ayaw mo ng monthsary, Rhian! Putak ka ng putak noon na korny ang monthsary. Remember?"
"Hoy, Diamond," sita sa akin ni Yael, "hindi korny ang plano ko sa monthsary namin. Inggit ka lang kasi wala kang ka-monthsary."
Tumirik ang mata ko. "EW! Relationships are sooo overrated!"
Tumunog na ang school bell. Magsisimula na ang afternoon class ni Yael. May isang subject ito na hindi kaklase si Rhian. Bakante ang slots naming apat kaya mas matagal pa kaming tatambay sa cafeteria.
Dumating si Charles sa table namin. "Hello, girls! Hi, Rhian!"
"Take your friend away!" biro ko kay Charles. "Naniniwala siya sa monthsary. Baduy! Urk!"
Tumawa ang mga tao sa table. Ayaw ko ng monthsary. Kung buwan-buwan ang celebration nito, kawawa naman ang pitaka ko. Wala na ngang laman, papatayin ko pa sa gutom.
"Alright!" sabi ni Yael. "Aalis na kami ni Charles. See you later, babe." Bago tumayo si Yael, hinagkan muna nito sa pisngi ang kaibigan namin. Kumindat pa ito habang tumatayo.
"Makinig ka sa teacher. I better not catch you sleeping," babala ni Rhian.
Ngumisi lang si Yael at sinabit sa balikat ang backpack. Umalis na ito kasama si Charles.
Rhian sighed dreamily habang pinapanood ang boyfriend nitong maglakad palayo. Amidst all the insults and jest, alam ni Rhian na suportado namin ang relasyon nila. Nagulat kaming lahat sa una. Ang layo kasi ni Yael sa mga nagiging crush ni Rhian na pulos nerd tulad ni Jordan. Come to think of it, walang nerd ang may kayang pumorma kay Rhian. Kulang sa emotional intelligence ang mga nerd crushes ng kaibigan namin.
"Hoy," sabi ni Patricia at siniko pa si Rhian, "kanina ko pa gustong sabihin na ang sama ng tingin ni Jane Jaime sa 'yo. Ayun siya, o."
Tumingin kaming lahat sa table ni Jane. Kasama nito ang kapwa 8th graders. Nakapigtails ang buhok ni Jane nang sobrang taas. Pink na pink ang lips at well-done ang eye shadow. Ang sambakol nitong mukha, nabura matapos salubungin ang tingin naming apat. Malawak ang ngiti ni Jane—kita na ang ngipin at gums. Tumayo ito at naglakad papunta sa table namin.
"Hi, Rhian!" bati nito with smile and all. "So? Pupunta ka rin ba sa soccer practice ni Yael mamaya? You should be there. Responsibility mo 'yon bilang girlfriend niya. Lagi ka kasing wala."
Bad trip kaming apat. Bakit ba kami kinakausap ng nene na 'to?
"Pupunta ka ba? Hindi ka naman niya girlfriend so bakit ka pupunta?" Tumaas ang kilay ni Rhian at finold ang mga braso.
Lumawak ang ngiti ni Jane. Nanginginig ang labi nito. Batak na batak ang pisngi sa sobrang fake ng ngiti. "I'm sorry. I'm just trying to remind you. Anyhow, matutuwa ang mga fans ni Yael kung pupunta ka."
Kawawa ang friend namin. Gusto ni Rhian pumunta at manood sa practice ng nobyo nito. Ang mga kampon ni Jane... Binabato nila ng dagger look si Rhian. Parang hindi siya welcome sa bench ng soccer field. Pinaparinggan nila si Rhian at tinatarayan. Creepy ang mga fans ni Yael!
Tulad ni Rhian, nagiging sabaw din si Yael—masyadong love strucked fool. Apektado ang performance nito sa field dahil nagiging absent-minded kagaya ng kaibigan namin. Binabato ng mga fans ang sisi kay Rhian. Argh! Para walang stress, umiiwas na lang si Rhian at bihira manood ng practice.
"Matutuwa kami kung pupunta ka," dagdag pa ni Jane.
"I don't like to see you and your friends happy. I won't go," sagot ni Rhian.
"Very well!" masayang anunsiyo ni Jane. Nagbend pa ito ng ulo at saka bumulong, "Mag-ingat ka, Rhian. Darating ang bagyo sabi ng PAG-ASA. Watch your back." Tumayo ito nang tuwid at nagflash muli nang malawak na fake smile.
"See you, later girls!" paalam ni Jane at bumalik na sa table nito.
"God! I fucking hate that slut! Putang-ina. Epitome siya ng mga bitch! Does she really have to be a cliché jealous third party?" angal ni Patricia.
"Normally, sisitahin kita dahil nagmura ka. Kaso...gago talaga si Jane!" ngitngit ko.
Hinampas ni Arietta ang lamesa. "Talagang binalaan ka pa gamit ang forecast ng PAG-ASA? Subukan lang niya! Pagbubuhulin ko sila ng kapatid niyang sira ulo!"
Sumandal si Rhian sa upuan at yumuko. Burado ang ngiti sa labi niya. Sana pwede niyang iwasan ang mga problema kapag popular kid ang boyfriend. Kaso wala siyang choice. Existing at marami ang bashers. Kapag nakikita niya si Jane na umaaligid kay Yael, naaalala ni Rhian ang mga dahilan kung bakit siya naging sapiosexual.
BINABASA MO ANG
Rhian Strauss
Roman pour AdolescentsAssignments? Projects? Quizzes? Exams? THESIS? Basta tama ang presyo, ang classmate mong si Rhian Strauss ang bahalang sumagot at gumawa para sa 'yo. Enter Yael De Jesus, ang hotshot varsity player with a flunking grade. Siya ang bagong kliyente ni...
