CHAPTER ONE
"CONGRATULATIONS, Graduates! Blessed be God forever!" anunsiyo ni Principal Cruz, ang bagong principal, sa podium ng stage.
Nagsitayuan ang mga high school graduating student at binato ang kanilang itim na graduation cap sa ere. Ang ibang kaklase namin, nagyakapan at umiyak. Ang iba naman, talagang hindi na makapaghintay na umalis ng Green Knoll Academy. Madaming approach ang mga estudyante sa graduation. Pero hindi mo kami makikitang nakikisimpatya sa aming pamilya. Ming walang estudyante na lumalapit sa kanilang magulang!
Umalingawngaw ang sigaw ng tagumpay! Finally, makakalaya na kami sa kulungan na tinatawag naming boarding school. Sa wakas, hindi ko na makikita ang mga teacher namin. Pati ang mga admin ng paaralan! Oh, what a joy! This is liberation! Daig pa namin ang mga preso na nabigyan ng parole kanina habang kinukuha namin ang aming diploma.
One hundred percent boarding school ang Green Knoll Academy. Boys and girls? Check! Cute uniforms? Check! Secluded school at the top of the hill? Check! Disgusting breakfast, lunch, dinner, meryenda? Check!
And we are saying goodbye to all of it!
Tumayo ako at sumigaw nang sobrang lakas, para nang sasabog ang lalamunan ko. Binato ko ang aking cap tulad ng mga kaibigan ko.
Nagtipon-tipon kaming apat na magkakaibigan at hawak-kamay na nagpalitan ng luha, saya at sigaw.
"Diamond!" tawag sa akin ni Rhian. Diamond ang pangalan ng iyong humble narrator. "Kanina pa tayo hinihintay ng boyfriend mo!"
"Kasama na ng boyfriend mo ang bagong recruit," ani ni Arietta, ang leader ng grupo.
Bitbit ang mga dart pins sa kaniyang kamay, sumabat si Patricia, "Shit! Ako lang ba ang naiiyak dito? Fuck! Ayoko pang bitiwan ang dart pins."
Ngumiti ako sa kanilang tatlo. "Anong pang inaantay natin? Vamonos!" Sabay-sabay kaming tumakbo sa exit ng auditorium. Dinaanan namin ang pwesto ng mga magulang o guardians.
Nakita ko ang parents ko. Prente silang nakaupo at halatang kanina pa bored. Hindi ko sila pinansin kasi hindi naman nila ako napansin.
Lumabas na kaming apat. Ang high heeled shoes namin lumilikha ng tunog sa marble floors. Tinahak namin ang daan papunta sa boyfriend ko. Hindi umatend sa graduation ang aking Honeybee. Hate niya ang mga lugar na maraming tao.
Sinalubong kami nang mainit na sinag ng araw nang kami'y lumabas sa auditorium at tumakbo papunta sa main building. Hindi ko narinig kung ano ang sinabi ni Patricia pero tumawa sina Arietta at Rhian. Hindi kami tumigil sa pagtakbo. Pumasok kami sa hallway, umakyat sa fifth floor kung saan naro'n ang abandoned music room.
Tumigil kaming apat sa pinto, hinahabol ang aming hininga.
This is it. Ipapasa na namin ang dart pins.
Dart Pins. Iyon ang tawag sa amin ng mga estudyante. Hindi nila alam kung sino kami kaya Dart Pins. Sabi ng iba, bayani raw kami. Pero may bayani nga bang hindi sumusunod sa libo-libong batas ng paaralan? I don't think so.
Vigilante. Kung hindi kami tatawaging Dart Pins, mas gusto namin ang vigilante—mga simpleng vigilante na may vendetta.
"Ready, girls?" tanong sa amin ni Arietta. Tinatanong niya kami kung handa na kaming ipasa ang responsibilidad sa iba.
Hindi na ako magkakaroon pa ng kaibigan na tulad nila. Sila ang tanging dahilan kung bakit ako pumayag na maging vigilante. Mas gusto ko ang sarili ko kapag kasama ko sila.
Binuksan ni Arietta ang pinto at nakita ko sa loob ang nobyo ko kasama ang susunod na mga vigilante.
Bumalik sa akin ang kahapon na parang flash back. Umusbong ang grupo namin dahil sa malaking problema ni Rhian Strauss...
BINABASA MO ANG
Rhian Strauss
Teen FictionAssignments? Projects? Quizzes? Exams? THESIS? Basta tama ang presyo, ang classmate mong si Rhian Strauss ang bahalang sumagot at gumawa para sa 'yo. Enter Yael De Jesus, ang hotshot varsity player with a flunking grade. Siya ang bagong kliyente ni...