Chapter Four

512 42 0
                                        

"POOR. Poor ang intelligence ng bagong kliyente ko."

Binagsak ni Rhian ang standardized IQ test sa lamesa namin sa cafeteria. Kasabay niyang maglunch ngayon sina Patricia at ako.

"Nagtaka ka pa?" sabi ko kay Rhian. "Kaya mo nga siya naging kliyente kasi hindi siya bright." Nilantakan ko ang spaghetti na binili ko. URK! Parang patis ang sause ng pasta.

Hinablot ni Patricia ang papel at sinuri. "Gago ka, Diamond. Ang sama mo! Sabagay, may point ka. Hindi nga bright si Yael." Ngumiwi ito nang makita ang scores ni Yael. "Susmaryosep! Malapit nang maging negative ang scores niya sa Arithmetic at General Information."

Bumuntong-hininga si Rhian at humalumbaba sa pagkain nito. "I know right?"

"Eh, bakit parang disappointed ka? Ang lalim ng hininga mo," sita ni Patricia.

Huminga na naman nang malalim si Rhian. "Mukha kasi siyang matalino. Malay ko ba naman na magiging kliyente ko siya." Bitter na nilantakan nito ang spaghetti na nasobrahan sa patis.

"So what kung hindi siya matalino?" tanong ko kay Rhian. "Anong issue mo?"

"Alam niyo naman, guys. Konti lang ang lalaking matalino rito sa academy. Wala akong mapagnasaan masyado."

Siniko ni Patricia si Rhian. "Uy, gaga. Tinitignan ka ng bago mong kliyente." Ngumuso si Patricia sa dulong lamesa ng cafeteria. Pulos soccer players ang umuupo doon.

Lumingon kaming tatlo. Totoo nga. Titig na titig si Yael sa gawi namin. Twenty-twenty ang vision ko. Nagkukulitan ang mga katabi ni Yael samantalang hindi kumikibo ang binata. Titig na titig! Kitang-kita ko kung sino ang tinitignan ni Yael sa aming tatlo.

"Oh my, gosh!" exclamation ko at saka lumingon kay Rhian. "Hindi mo sa akin sinabi na smoking hot ang bago mong kliyente! Di ba 'yan ang striker ng soccer team? Siya pala si Yael."

Dumaan ang isang dalaga at huminto sa table ni Yael.

"Pakshet naman 'tong si Jane. Parang langaw na naman kung umaligid kay Yael." Tinutukoy ni Patricia ang 8thgrader na patay na patay sa binata. Kinukulit ni Jane si Yael sa lamesa.

"You guys," kontra ni Rhian, "he's a client! Off limits!!"

"Buti na lang hindi ako sapiosexual. Magagalit ka ba kung ibabato ko sa kaniya ang virginity ko?"

"Kadiri ka, Diamond!" daing ni Rhian. "Mas malala pa ang bunganga mo kaysa kay Patricia."

Humagikgik ako.

"O, ano?" tanong ni Patricia, "Ginaya na ba ni Yael ang class schedule mo? Balita ko, isasara na bukas ng Registrar's Office ang changing of class schedule at enrollment." May liberty ang mga estudyante na pumili ng kanilang subjects.

Tumango si Rhian. "He's officially my client. Sinabihan niya ako kahapon na nakapagpalipat ng siya ng class schedule sa Registrar's Office." Ginaya ni Yael ang class schedule ni Rhian at isang subject lang ang hindi nito nagaya sa class schedule ni Rhian.

"Ayos! May kwarta ka na naman," ani ni Patricia.

"Nasaan nga pala si Arietta?" ani ni Rhian.

"Nasa food counter," sabat ni Patricia. "Nakikipag-away kasi naubusan siya ng chocolate pudding. Alam mo naman, 'yon. Laging may pinaglalaban. Aawayin ka kahit rainbows at unicorns lang ang topic."

Dumaan ang isang lalaking estudyante sa harap namin. Ito si Jordan.

"Ah!" kinikilig na tumili si Rhian. "Si Jordan!"

Sinundan namin ng tingin ni Patricia ang kinababaliwan ni Rhian.

Umasim ang mukha ko.

Bumagsak naman ang balikat ni Patricia at ngumiwi, diring-diri. Jordan was also a 9th grader like us. Patay na patay si Rhian kay Jordan dahil...

"...nag-aaral siya tungkol sa Quantum Physics!" sabi ni Rhian. Humalumbaba ito sa lamesa at kinikilig na ngumiti. "Alam niyo ba? Nagchat siya sa akin kahapon. Shocks! As always, perfect ang grammar niya. Tama ang gamit niya ng punctuation marks. Ang construction ng sentence niya? Sigh! Parang poem."

"Bakit? Ano bang sabi niya?" tanong ko.

"Wala naman. Tinatanong lang niya kung kailan ko ibabalik ang libro niya."

"Gago, Rhian. Ang weirdo mo. Tumatayo ang balahibo ko."

"What's wrong with you?" asik ko kay Rhian.

"Ano kaya kung lapitan ko si Jordan? Natutunaw ako kapag pinakikinggan ko siyang magkwento tungkol sa Quantum Physics. I melt so bad. His voice was sooo arousing."

"Gaga. Tang-ina mo, Rhian. Arousing? Arousing ang boses ni Jordan? Katropa niya si Alvin! Si Jordan ang pang-apat na chipmunk. Extra din siya sa The Smurfs. Gaga ka."

Nakaupo si Jordan sa katabing lamesa namin. True enough, may hawak itong libro tungkol sa Quantum Physics. At mukhang absorb na absorb pa sa libro. Ano bang laban ng itsura ni Jordan sa hotness ni Yael? Lamang ng sampung shower at pabango si Yael. Kaso talo pa rin ito ni Jordan dahil kabisado ni Jordan ang Quantum Physics. Higit sa lahat, kliyente ni Rhian si Yael. Wala talagang pag-asa ang soccer player sa kaibigan naming sapiosexual.

Bam! Kumalabog ang pinto ng cafeteria at lahat ng ulo, napatingin sa apat na lalaking dumating. Aggressive ang entrance nila. Maluwag ang suot nilang neck tie. Bukas ang butones ng long sleeves polo. Ang pinakamatangkad sa kanila, inilibot ang mata sa buong cafeteria—na parang may hinahanap.

"Shocks!" mahinang exclaim ni Rhian. Yumuko ito sa lamesa—obvious na nagtatago.

"Bakit?" tanong ko.

"Nandiyan na ang Sigma Theta! Kailangan ko nang umalis."

"So? Takot ka ba sa mga gangster na 'yan?"

"Nakita ko si Jax Jaime! Mukha siyang may hinahanap na mukha. Tingin ko, hinahanap niya ko," aniya.

Miyembro si Jax Jaime ng Sigma Theta, ang notorious fraternity sa Green Knoll Academy. Sabay na itinayo ang paaralan at ang fraternity. Dahil sa tatag nito, legitimate ang organization at pinopondohan ito ng mga alumni. Jax was a grade 10 student. Ahead siya sa aming apat ng isang taon. At sa miyembro ng Sigma Theta, he was the hungriest boy for violence. Tadtad na naman ng pasa at sugat ang mukha ng binata.

"Gustong malaman ni Jax ang schedule ko," daing ni Rhian, "Gusto niyang maging kliyente. Ang siste, takot ako sa kaniya! Bullying ang type of payment na gusto niya."

Lumilingon si Jax sa buong crowd. Nakita nito si Patricia. At alam ng lahat na kung nasaan si Patricia, naro'n si Rhian.

"Fudge!" sigaw ko. "Mukha ngang hinahanap ka niya, Rhian." Kinabahan ako. Mayaman si Jax Jaime. Hindi ito katulad ng ibang lalaki na tumitira sa boarding house ng school. The guy was rich! May sarili itong bahay sa loob ng school property—pinatayo ng mga magulang nito.

Nakikita ni Rhian and dala-dalang anarchy ni Jax Jaime. Bakit ito magbabayad kung pwede gawing libre ang services ni Rhian?

"Umalis ka na, Rhian. Sasamahan kita. Patricia, dito ka lang. Hintayin mo si Arietta," sabi ko. Pasimple kaming tumayo ni Rhian.

"You got it," sabi ni Patricia, "Tang-ina. Dalian niyo. Paparating na si manong gangster sa table natin."

Sigh! Occupational hazard! Tumalilis na kami ni Rhian sa kabilang exit. 

Rhian StraussTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon