CHAPTER SIX
"BAGO tayo magpatuloy sa The Picture of Dorian Gray, kilalanin muna natin ang author. Si Oscar Wilde ang nagsulat ng libro. Closet homosexual si Oscar Wilde. Tinago niya ang sexual orientation niya dahil illegal ang homosexuality noong Victorian era sa England..." Rhian went on and on.
Magkatabi silang dalawa sa kubo ng vegetable garden. Nakalatag sa lamesa ang mga libro at notes ni Rhian. Dahil kasama ang The Picture of Dorian Gray sa upcoming exam, ito ang tinatalakay ng tutor ni Yael.
But they were sitting so close together! Nakwento ko na bang mini-skirt ang palda ng Green Knoll Academy? Ang malikot na mata ni Yael...
Kinagat ni Yael ang ibabang labi niya. He took a whiff. Sana hindi palitan ni Rhian ang shampoo nito. Naalala ni Yael ang amoy ng champagne at strawberries kapag naamoy niya ang buhok ni Rhian.
Her voice was fruity and smooth. It was as if she's chanting a love spell. It was insane! Walang naiintindihan si Yael dahil focused siya sa boses ng dalaga.
Bumaba ang mata niya sa palda ni Rhian at tumango-tango—nagpapanggap na nakikinig. Her skirt was pulled up so high, binubunyag ng palda ang tanawin sa mga hita ni Rhian. Hindi nakakatulong ang silk stocking nito. Dahil skin tone, parang balat na rin ang nakikita ni Yael.
Huli ng mata niya ang maliit na peklat sa tuhod ni Rhian. Tinatago ito ng silk stocking. Saan naman kaya nakuha ni Rhian ang peklat? Simbolo ang peklat na mortal ang dalaga at hindi immortal na diwata sa vegetable garden.
Ang palda niya, ang kaniyang amoy, ang banayad niyang boses, ang kaisipan na silang dalawa lang sa garden... Natatakot si Yael sa epekto ng LAHAT ng 'to sa kaniya. Masyadong lumalaki ang antisipasyon. Gusto niyang hawakan pero mapapaso siya. Nagiging blurred ang linya ng realidad at panaginip niya. Natatakot siya na may magawa siyang awkward at hindi tama para busugin ang gutom sa puso niya. Dahil hindi na niya alam kung ano ang totoo sa hindi.
"Kinulong at pinarusahan si Oscar Wilde dahil nakarating sa awtoridad ang relasyon niya kasama ang male lover niya. Sinentensiyahan siya ng two years hard labor sa kulungan. Paglabas niya ng kulungan, lumala ang health conditions niya kaya pagkatapos ng tatlong taon, namatay siya sa Paris."
"Uh-huh," eyes down her thighs, he said.
So innocent. Yael gnashed his teeth so hard. Kakaiba na ang pintig ng puso niya. Prente ang upo ni Rhian sa tabi niya. Kwento ito ng kwento tungkol kay Oscar Wilde na parang normal lang ang lahat. Kung magsalita si Rhian, hindi ito aware na tatawirin na ni Yael ang linya ng sanity at insanity. The tension was unrequited and unreciprocated dahil abala si Rhian kay Oscar Wilde.
BAM! Sinara ni Rhian ang libro nang sobrang lakas.
"Nasa planetang Earth ka ba, Yael?" nakuha pa nitong itanong. "Mas interesado ka pang tumingin sa sahig ng kubo kaysa sa akin!"
Ngumiti nang pilyo ang binata at tinikom ang bibig. MANHID si Rhian.
"Am I that undesirable?" tanong ni Rhian. "Bakit ba hindi ko makuha ang attention mo?"
"Matagal ko na 'tong gustong malaman," ani ni Yael, "bakit ka nagnenegosyo? Bakit nagkukumahog kang kumita ng pera habang nag-aaral? Anong ginagawa ng mga magulang mo?"
Matagal nang palaisipan kay Yael kung anong motibo ni Rhian at bakit ito nagnenegosyo. Bakit ba nito kinakaibigan ang kusinera at hardinero para magkaroon ng extra cash? Higit sa lahat, bakit ito nasa Green Knoll Academy na isang one hundred percent boarding school?
Pamilya. Ito ang nagdedefine sa ating mga Pilipino. Para sa isang kultura na naglalagay ng matinding importansiya sa pamilya, hindi uso ang boarding school kung saan mahihiwalay ang mga bata sa magulang nila. Kaya kung nakaenroll ka sa isang one hundred percent boarding school na paaralan, may ibig sabihin iyon.
BINABASA MO ANG
Rhian Strauss
Teen FictionAssignments? Projects? Quizzes? Exams? THESIS? Basta tama ang presyo, ang classmate mong si Rhian Strauss ang bahalang sumagot at gumawa para sa 'yo. Enter Yael De Jesus, ang hotshot varsity player with a flunking grade. Siya ang bagong kliyente ni...