Chapter Three

409 33 1
                                    

CHAPTER THREE

TAHIMIK sa loob ng classroom ni Ms. Ong. Si Ms. Ong ang guro namin sa Algebra. Kahit member ng Mafia at Yakuza, hindi maglalakas loob na galitin si Ms. Ong sa klase. Siya ang stereotypical teacher na nagsusuot nang makapal na salamin, red lipstick, oily face, penciled eyebrows, heels at updo haircut. Old, old, old maid! Kahit wala nang matres, araw-araw ay PMS ni Ms. Ong.

Dalawang bagay ang kinatatakutan ng mga estudyante sa tuwing Algebra namin: a) alphabets & numbers, b) recitation kay Ms. Ong, c) ang wooden patpat ni Ms. Ong. Manipis lang ang wooden patpat ni Ms. Ong. Pero sa paningin ng mga estudyante, dos por dos ang hawak ng guro!

Nakaupo si Yael sa tabi ni Rhian. May long quiz kasi kami sa Algebra. Katabi ni Rhian sa kanan nito ang isa pang babaeng varsity player ng swimming. Strict na teacher si Ms. Ong pero hinahayaan pa rin ng guro ang mga estudyante na mamili ng kanilang upuan. Napadali tuloy ang transaction ni Rhian sa mga kliyente.

"Diamond, tignan mo. Mukhang kinakabahan si Yael," bulong ni Patricia sa akin. Magkatabi kaming dalawa at nasa likod namin sina Rhian. May sakit si Arietta. Kukuha na lang ito ng special quiz.

Lumingon ako sa likod para sumilip. True enough, pinapadyak-padyak ni Yael ang kaliwang paa nito. Nahuli ko pa ang butil ng mga pawis sa noo niya. Sino ba naman ang hindi takot sa wooden patpat ni Ms. Ong?

Naka cross legs si Rhian at confident na pinanood si Ms. Ong sa klasrum.

Palaging may pitsel ng tubig at baso sa teacher's table. Mabilis matuyo ang bibig ni Ms. Ong kakasigaw sa amin. Ngayon, naglalakad si Ms. Ong sa aisle ng mga tables, nagiinspection bago ibigay ang quiz. Ang patpat, hawak nito sa likod. Taas-kilay na sinuri ng guro ang mga estudyante.

"Hijo, ballpen lang ang nasa table. Hindi tayo magsisimula hangga't hindi kayo ready," sabi ng guro sa classmate naming lalaki na nakaupo sa harap ng teacher's table.

Naglakad pa si Ms. Ong sa susunod na aisle.

Nabasag ang katahimikan nang tumunog ang isang cellphone. Ring! Ring! Ring!

Biglang nagpreno sa harap ng isang lamesa ang heels ni Ms. Ong. Ang wooden stick, kinumpas-kumpas ng guro sa hangin na parang magic wand ni Harry Potter. Umangat ang isang sulok ng labi ni Ms. Ong, nanginginig pa ang labi. Ang kilay nito, tumaas lalo. Tinignang mabuti ng guro ang estudyante na may ari ng phone.

Pak! sabi ng wooden patpat ni Ms. Ong sa lamesa ng estudyante.

"Mr. Clarence!" sigaw ni Ms. Ong, "Ano ang policy ng school tungkol sa mobile phones? Stand up!"

Huling-huli ko ang pamamawis ni Clarence. Tumayo ito tulad ng utos ng guro. Yumuko ito. Kinagat pa ni Clarence ang bibig at panaka-naka ang tingin sa guro.

"I-I'm s-sorry, Ms. Ong. Na-nakalimutan ko pong i-iwan s-sa bo-boarding house ang phone."

Pak! Pak! Gigil na pinalo muli ng guro ang lamesa ni Clarence. "You know the rules! ROLL UP YOUR SLEEVES!!!"

Napalunok ang lahat ng estudyante sa classroom. Walang gumalaw. Walang huminga.

Pikit-matang nirolyo ni Clarence ang mga sleeves. Tinaas nito ang mga braso at nilahad sa harap ng guro. Nag-iwas pa ito ng mukha, natatakot na baka humataw ang wooden patpat sa mukha nito. Kinagat ni Clarence ang bibig matapos dumampi ang unang hataw ni Ms. Ong. Ayaw niyang sumigaw. Gusto ni Clarence na matapos ang punishment at ipakita sa guro na hindi masakit ang mga hataw.

Pak! Pak! Pak!

Bumibilog ang mga mata ni Ms. Ong kada hataw. Lumalaki nang lumalaki ang ngiti sa mukha ng guro habang pinagmamasdan si Clarence.

Rhian StraussTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon