Chapter Eight

367 32 6
                                    

CHAPTER EIGHT

MATAGAL nang kumakalat ang balita na may estudyanteng naglalayas sa Green Knoll Academy. Sa buong stay ni Rhian sa paaralan, tatlong estudyante ang naglayas: isang babae at dalawang lalaki. Di na nakita ang mga ito. Ang mga gamit nila sa boarding house, nawalang lahat.

Palaisipan kay Rhian kung bakit walang magulang na naghahanap sa tatlong estudyante. Lungkot na lungkot siya matapos malaman na tulad niya, missing in action ang mga parents nila.

Ngayong araw ng Sabado ang family day sa Green Knoll Academy. Ginaganap ang selebrasyon sa auditorium ng paaralan. Malaki ang auditorium ng paaralan at air-conditioned. Dito ginaganap ang graduation at iba pang mga big events.

Minsan, may mga Filipino teleserye na nagtetaping sa auditorium. Kaya madalas, may pinagpipiyestahan kaming gwapo at magandang artista.

Lumakad papasok si Rhian sa auditorium. Suot niya ang bagong bestida at sapatos na pinili ni Yael para sa kaniya. Well brushed ang mahaba niyang buhok. Namamawis ang kamay niya habang iginigiya niya ang mata sa buong crowd. Lumalamig ang paa at kamay niya.

Lumakad pa siya papasok ng auditorium. Nakaset up ang mga tables at packed lunch ng mga attendees sa family day. May hinahanap siyang mukha.

Busy ang lahat ng attendees sa group activities na inorganize ng paaralan.

Nakita niya si Patricia. Kasama nito ang annulled parents nito. Kasama ang step-mother & step-father ni Patricia maging ang mga haf-brothers & half-sisters nito. Isang tingin pa lang kay Patricia, kahit hindi mo siya kakilala, mahahalata mo agad na hindi ito komportable. Bigo si Patricia na itago ang dismaya habang nasa gitna ito ng dalawang pamilya nito.

Tumuloy si Rhian sa paglalakad.

Si Arietta naman ang nakita ni Rhian sa isang sulok. Isang family member lang ang kasama ni Arietta. Di tulad ni Patricia, masaya si Arietta sa kasama nito. Bata pa lang si Arietta, sabay na sumalangit nawa ang mga magulang nito. Pinalaki si Arietta ng identical twin ng papa nito. Kailangang umalis ng uncle ni Arietta kaya pinasok ang kaibigan namin sa boarding school na ire.

Halos tapos na si Rhian na libutin ang buong auditorium. Hindi pa rin niya makita ang hinahanap niyang mukha. Sana pwede niyang sabihin na naligaw ang sulat ng kartero kaya hindi nakarating sa Kuwait at Australia. But geography is not our master anymore. Uso na ang social media at email. Salamat nang malaki sa globalization, convinced na convinced si Rhian na douchebags ang nagluwal sa kaniya sa mundo.

Pinagmasdan ni Rhian ang bili niyang bagong sapatos at bestida. Ang dami niyang hair fall kaninang umaga kakabrush ng buhok niya. Ang ganda-ganda niya ngayong Sabado! Lalangawin lang pala siya sa auditorium. Panis na panis ang beauty niya.

Hindi mawawala ang kirot. Mas masakit pa ito sa ginawa ng ex-boyfriend niya. Dahil sinasaktan siya ng mga taong una niyang minahal—ang pamilya niya. Laging iniisip si Rhian na may tear bottle sa loob ng mga tao. Iniipon natin ang heart aches, bad days, failures at bad lucks sa tear bottle. Praktikal kung iipunin niya ang lahat ng luha at ibabagsak sila ng sabay-sabay kapag puno na. Hate na hate niya ang mga iyakin.

So far, dahil assholes ang parents niya ngayon family day, umakyat ng 89% ang laman ng bote.

With a heavy tear bottle, dasal niya na kung nasaan man ang magulang niya, sana mabilaukan sila. Sana kung bibili sila ng bagong sapatos at bestida sa mga kapatid niya, masisira kaagad 'yon. O kaya naman sana madelay ang sweldo nila. Sana magpareserve sila ng seats sa impyerno dahil wala silang kwenta.

Minabuti ni Rhian na lumabas ng auditorium kaysa ipakita sa mga kaklase niya na walang darating para sa kaniya. Kahit ang mga kamag-anak niya sa Pilipinas, assholes! Salamat nang marami, globalization. Pinapakita mo ang tunay na kulay ng mga tao.

Rhian StraussTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon