CHAPTER FOUR
"CONGRATULATIONS, Yael!" sabi ni Coach Sevilla kay Yael during water break ng soccer practice.
Four PM na at papalubog na ang araw. Nagsisimula pa lang sina Yael sa exercise drills nila sa soccer field. Habang water break, nagpito si Coach Sevilla at tinawag ang attention ni Yael.
Masayang lumapit si Yael kay Coach. Pinunasan pa niya ng bimpo ang pawis sa noo niya. "About what, Coach?" hinihingal na tanong niya. Lumapit ang kaibigan niyang si Charles at inakbayan siya. Parehas silang nag-antay sa good news.
Inilihad ni Coach sa ere ang isang quiz paper na may markang "B". Tight ang ngiti ni Coach Sevilla. "Hiniram ko ang long quiz paper mo kay Ms. Ong dahil alam kong mahina ka sa Algebra. You got a 'B', Yael. Ipagpatuloy mo ang ginagawa mo! Konti na lang at makakasama ka na sa Regionals." Nagthumbs up pa si Coach at naglakad na palayo.
Niyanig ni Charles ang balikat ni Yael. "Correction, Coach. Maalaga si Rhian sa mga kliyente."
"Shut up, Charles!" binatukan niya si Charles at lumingap-lingap sa paligid. Buti naman walang nakarinig sa best friend niya.
"Buti na lang base sa IQ test ang score mo. Kasi kung makakakuha ka ng A+ sa Algebra, lagot ka. Bisto ka na agad. Hindi naniniwala si Coach Sevilla sa milagro."
"Hindi ko na ipapahamak ulit si Rhian. Narinig mo? Hindi ako papayag na malagay siya sa alanganin dahil sa akin," ngitngit ni Yael.
"Sigh! Alam mo, Pare, hindi lang ikaw ang kliyente ni Rhian. Marami kayo. Kailangan mo si Rhian kaya hindi nakakatulong 'yang nararamdaman mo," kontra ni Charles.
Pumasok sa tainga ni Yael ang sinabi ni Charles at lumabas agad sa kabilang tainga. Easy for him to say! Hindi naman kasi siya ang napupuyat gabi-gabi at tinutubuan ng pimples kakaisip tungkol sa pagkatao ni Rhian.
Umarya ang curiosity ni Yael. Bakit kaya desidido si Rhian sa negosyo nito? Hindi ito natatakot sa wooden patpat ni Ms. Ong.
Minsan, pumapasok si Rhian sa panaginip niya. Bumabalik si Yael sa garden at naririnig niya itong kumanta habang naghaharvest ng gulay. And she would look up to him. Smile. Say his name. Remove her necktie. At lilipad ang mga daliri ni Rhian sa butones ng blouse nito. Dahan-dahang tatanggalin ang butones. Ibabato ang blouse sa damuhan. Bubungad kay Yael ang makinis nitong kutis. Gagapang naman ang daliri nito sa zipper ng skirt nito at...
"YAEL!" tawag ni Charles.
"Ah!" gulat na sigaw ni Yael.
"Tulo na ang laway mo. Hindi mo siguro narinig ang sinabi ko!"
Sumimangot si Yael. "Narinig ko ang sinabi mo. Pipigilan mo pa ba ako? I like her, Charles. Gustong-gusto ko siya. How many times have you seen me go crazy over a girl? Hayaan mo na ako. Seryoso ako sa kaniya."
Bumilog ang mata ni Charles at tumingin sa likod ni Yael.
"Sinong gusto mo?"
Tumindig ang balahibo ni Yael nang marinig niya ang pamilyar na boses ng isang babae. Balisang humarap si Yael sa kaniyang likod.
"Rhian!" tulirong sabi ni Yael, "akala ko huhubarin mo ang skirt mo—" Namilog ang mata ni Yael. Baka sinasabi ni Charles kanina na parating si Rhian at hindi niya narinig Muntikan pa niyang masabi kay Rhian ang tungkol sa skirt nito!
"What?" Kumunot ang noo ni Rhian. "Hindi kita narinig, Yael. Ang ingay ng team mates mo. Teka. Tumutulo 'yung laway mo. Okay ka lang ba?"
Fresh na fresh ang amoy ni Rhian. Siguro galing ito sa garden. Kumapit kay Rhian ang amoy ng bulaklak ng kalamansi at ang bunga ng lemon. She looked like a fresh mint kung itatabi sa pawisang soccer players.
BINABASA MO ANG
Rhian Strauss
Ficção AdolescenteAssignments? Projects? Quizzes? Exams? THESIS? Basta tama ang presyo, ang classmate mong si Rhian Strauss ang bahalang sumagot at gumawa para sa 'yo. Enter Yael De Jesus, ang hotshot varsity player with a flunking grade. Siya ang bagong kliyente ni...