Chapter Nineteen

320 32 1
                                        

Journal Entry No. 195

ISANG araw, naglalakad ako sa hallway. Hapon na. Tapos na ang lahat ng klase ko.

Tuwing hapon lang ako nagiging safe. Ito ang definition ko ng utopia: walang tao. Wala nang estudyante. Wala nang matanda. Malayo na sa mga gurong tulad ni Ms. Ong. Malayo sa baho ng mga tao.

Galing ako sa library. Magsasara na sila kaya umalis na ako. Kailangan ko ng matutuluyan. Hindi ako bumabalik sa boarding house hangga't hindi pa tulog ang majority ng mga estudyante.

Gusto ko lang ang mga tao kapag tulog sila. Iba't-iba kasi ang panaginip nila sa gabi. May horror, comedy, drama, fantasy at marami pang iba. Mild ang waves sa utak nila. Lumalabas sa kanilang panaginip ang hopes and fears na tinago nila sa kanilang unconsciousness. Ito ang mga bagay na hindi nila alam tungkol sa sarili nila. Mas nakikilala ko ang isang tao kapag pinapanood ko ang kanilang panaginip.

Sa totoo lang, mas gusto ko pang makisalamuha sa mga hayop kaysa sa kapwa ko tao. Komplikado kasi ang mga tao. Sumasakit ang ulo ko sa laman ng utak nila. Instant migraine. Parusa talaga kapag umupo ako sa isang lugar na punung-puno ng tao. Sabay-sabay ang ingay! At ako lang ang pwedeng makarinig nito. Hangga't maari, hindi ako sumasama sa mga school activities. Masisiraan ako ng bait. Dahil sa abilidad ko, amoy na amoy ko ang baho ng mga tao. Sana kapag nagshower sila, nalilinis din ang baho sa pagkatao nila. Kaso hindi. Tuloy, araw-araw, para akong nasa Smokey Mountain ng Tondo. Bulok. Bulok. Bulok. Bulok ang lahat.

Nagvibrate ang phone sa bulsa ko. Kinuha ko ang phone. Tinext ako ng aking roommate. Niyaya ako ni Leonardo Alejandro na maghapunan sa labas kasama ang iba. Hindi ko siya sinagot.

Sarado ang klasrum sa mga hallway. Sound proof at mabigat ang mga pinto. Madilim na dahil lulubog na ang araw. Bukas ang ilaw sa tapat ng isang klasrum. Hudyat ito na may tao na naman.

Rinig ko ang utak ng dalawang tao sa loob ng klasrum. Kilala ko ang dalawang nag-uusap sa loob ng klasrum. Si Ms. Ong at ang 8th grader na si Jane Jaime. Nag-uusap sila ng masinsinan. Malapit ang hagdanan ng building sa klasrum. Dumaan ako sa pinto. Wala akong paki-alam sa usapan nila. Pero napahinto ako.

Aalis na sana ako. Kaso naintriga ako sa pinag-uusapan nila. Tumayo ako sa pader ng klasrum. Hindi ko naririnig ang aktwal na pinag-uusapan nila pero natatanggap ko ang takbo ng isip nila. Si Rhian Strauss ang hot topic ng dalawa. At mukhang may sumbungan na nagaganap.

Hmmm... Alam pala ni Jane na si Rhian ang sumira sa araw ng family day. Hindi namalayan ni Rhian na soft drink nina Jane & Jax Jaime ang nadampot nito. Sinundan ng magkapatid sa backstage si Rhian at doon nila nakita ang kalokohan nito. Ngayon ang perfect day para magsumbong si Jane. Narinig ko. Inaway daw siya ni Yael De Jesus dahil nakipaghiwalay si Rhian.

Nagtaka ako. Bakit ngayon lang nagsumbong si Jane? Last month pa nangyari ang family day. Hindi ko malalaman hangga't hindi kasalukuyang iisipin ni Jane kung bakit.

Ayan! Dumapo sa isipan ni Jane kung bakit ngayon lang siya nagsumbong. Narinig ko.

Tumaas ang aking kilay. Hindi ko mapigilan ang ngumiti. Kaya naman pala. May lihim na pagtingin si Jax Jaime kay Rhian Strauss. Nakiusap si Jax sa kapatid nito na wag sasabihin kahit kanino ang ginawa ng dalaga. Pero dahil sa nangyari sa boy's locker room kanina, ilalabas ni Jane ang alas laban kay Rhian.

Tapos na si Jane sa salaysay nito kay Ms. Ong. Kapag nagbitiw ng salita ang mga tao, doon sumusulpot ang sari-saring emosyon. Nagrereflect sila. Pinapaulit-ulit sa isip ang salitang binitiwan.

Madilim, malaki at mapangit ang galit na bumalot kay Jane. Matigas ang loob niya. Ang gulo ng isip ni Jane. Sumagi sa sarili niya ang matinding guilt. Galit si Jane sa sarili niya. Akala niya galit siya kay Rhian. At in-denial siya. Ang tagal pa bago aminin 'yon ni Jane. Litong-lito pa kasi siya sa mga sinabi ni Rhian sa boy's locker room. Sapul na sapul ang mga sinabi ni Rhian.

Nabwisit ako. Akala ni Jane, maglalaho ang katotohan sa sinabi ni Rhian kapag gumanti siya. Gusto kong isigaw sa mukha ni Jane na hindi niya matatakbuhan ang katotohanan na hindi niya kayang tanggpin por que manakit siya ng iba. Sa nakikita ko, nagsumbong si Jane kay Ms. Ong bilang defense mechanism sa nararamdaman nitong anxiety dulot ng kalituhan.

Anxious at confuse. Sila ang naririnig ko araw-araw sa tuwing may makikita akong tao.

Alam ni Jane na sadista si Ms. Ong kaya ito ang nilapitan niya.

Bakit kaya takot ang mga tao kay Sadako? Isa lang naman siyang figure na may mahabang buhok at lumalabas sa balon. HINDI SIYA TOTOO! Existing at humihinga si Ms. Ong. Kung naririnig lang nila ang utak ng old maid na 'to, makakalimutan nila si Sadako. Halimaw si Ms. Ong! Isa siya sa mga halimaw na sumisira sa mundo. Takot ako sa kaniya. Takot ako sa utak ng mga mamatay tao.

Sinapo ko ang aking sentido. Inaabsorb ko na parang sponge ang kadiliman sa pagkatao ni Ms. Ong. Takot ako para kay Rhian. Takot na takot!

Pinalabas niya kay Jane na hindi siya interesadong pagalitan si Rhian. Sa principal na lang raw magsumbong si Jane. Wala raw siyang gagawin. Sinungaling siya! Hayop!

Paborito ni Ms. Ong ang mga batang walang nanay at tatay at pamilya. Walang maghahanap sa bata. Ibabato niya si Rhian sa loob ng kulungan. Narinig ko! Sa oras na sumapit ang gabi, pupuslit siya sa loob ng selda ni Rhian. Huhubuan niya si Rhian. Sa gano'n, tutulo ang dugo at kikinang sa sinag ng buwan. Tuwang-tuwa siya kapag babae ang biktima. Matinis ang boses.

Bayaran ang mga gwardiya sa kulungan. Tatlong beses na itong ginawa ni Ms. Ong. Ang akala ng lahat, naglayas ang tatlong estudyante ng Green Knoll Academy.

Relief. Hinahabol ni Ms. Ong ang maginhawang pakiramdam sa tuwing may batang sumisigaw. Iniisip ngayon ni Ms. Ong, "Lalayas na si Rhian Strauss."

That was her codename for murder!!

Nanlambot ang tuhod ko. Lumapit ako sa pinaka malapit na bintana at sumagap ng sariwang hangin. Humingi ako ng suporta sa pader ng bintana.

Nagbitiw ako ng pangako sa mga madreng nagpalaki sa akin na hindi ako makikialam sa buhay ng ibang tao. Delikado kapag nalaman ng iba ang abilidad ko. Kaya nga ako tinago sa paaralang 'to.

Hihingi ako ng tawad sa mga madre. Dahil hindi kakayanin ng konsensiya ko ang hayaan si Ms. Ong sa mga plano nito. Sumpa ang aking konsensiya. Kailangan kong balaan si Rhian.

Huminga ako nang malalim. Hinagap ko ang brainwave ni Rhian o kahit sino sa mga kaibigan nito. Umakyat ang aking diwa sa fifth floor ng building. Nadadama ko ang pamilyar na signal. Nasa itaas silang apat. Sa abandonadong music room.

Kinuha ko ang laptop sa backpack ko at umupo sa ladder step. Binuksan ko ang laptop at nilabas ang aking USB. Kinopya ko sa USB ang videos na kinalkal ko sa hard drive ni Ms. Ong last month. May alas ako laban sa old maid.

Hindi mag-isa si Rhian. Kapag nakita nilang magkakaibigan ang videos, alam kong may gagawin sila. Kabisado ko kung paano sila mag-isip. Ang kanilang kasawian, sakit sa buhay, bangungot na karanasan... Hinubog sila ng buhay na maging dakila. Walang problema na hindi nila kayang talunin.

Ipaparanas ko sa apat ang kanilang potential sa oras na magtulong-tulong sila.

Pumilas ako ng papel sa aking notebook at sumulat.

Sinara ko ang aking laptop at umakyat sa fifth floor. Lumakad ako sa pintuan ng music room. Sarado ang pinto. Nasa loob silang apat. Umiiyak si Rhian sa loob. Nilagay ko ang USB at papel sa sahig.

Kumatok ako ng apat na beses sa pinto. 

Rhian StraussTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon