Kabanata 1

22.5K 662 173
                                    

Kabanata 1

First Day

Abot abot sa tainga ang mga ngiti ko nang tuluyan akong nakababa ng sasakyan na naghatid sa aming tatlo sa school. Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon. Buong akala ko nananaginip lamang ako. Hindi rin ako nakatulog nang maayos kagabi sa pag-iisip na baka hindi ito totoo. 

Napatunayan ko lamang na totoo ang lahat nang gisingin ako ni Mama kasama ang mga kapatid kong maaga ring nagising para icheer up ako. Mabuti na lang, sumabay sakin ngayon sina Lia kasi kung hindi, baka sobra sobra ang kaba ko kahit na kinakabahan pa rin naman ako.

Honestly, Lia can drive herself in school, same as Kali. Nga lang, Kali still don't have a car pero iyon ang hiniling niya nang mag-birthday siya kaya siguro after a week, meron na rin siyang sasakyan gaya ng sinabi ni Papa. And I'm so thankful because they insisted to come with me on the first day of school.

"We're here." si Kali na naunang bumaba kasunod si Lia.

"Don't forget what we always told you, alright? Don't trust anyone especially boys." Paalala ni Kali.

Matamis akong ngumiti sa kanila habang tumatango.

"I know. Thanks for helping me... and I guess, see you both later?" They both nodded. 

We kissed each other's cheeks before we parted ways. Iba't iba rin kasing department ang kinabibilangan namin kaya naghiwa-hiwalay din kami.

I get my schedule form as I headed towards my department. It was written here that my room is on the fourth floor kaya agad kong tinahak ang daan papuntang hagdanan though I feel strange. There's uneasiness feeling insides me because of student's stares. I also heard them murmuring something still staring at me.

What's their problem? 

May mali ba sakin? 

May dumi ba ako sa mukha? 

They're bothering me. Hindi ako sanay na pinagtitinginan nang ganito. 

Normal ba 'to? 

Overthinking doesn't end with me but I ignored those thoughts and just toughen my feelings. I inhaled and exhaled, trying to relax. Tahimik ko namang hinanap ang tamang silid na kabilang ako.

"4.0.2." Banggit ko sa mga number na nakita ko hudyat na nakarating na ako sa tapat ng silid na hinahanap ko subalit pagpasok ko, parang gusto ko na lang yatang umurong dahil sa pares ng mga matang napunta yata lahat sa akin. At galing sa maingay na silid, bigla rin iyong tumahimik na parang may dumaang anghel sa paligid.

I swallowed hard, trying to avert my gaze to everyone who's eyes are at me. And the thought that every chair was already occupied, I still roamed my eyes inside to find if there was a vacant.

To my luck, may nakita rin akong bakante sa likuran, sulok iyon at parteng madilim. Maging ang katabing upuan, bakante kaya mabilis akong dumiretso papunta roon.

Sa tapat ng bintana napili kong umupo. Tahimik kong ibinaba ang gamit ko habang nagmamasid sa mga estudyanteng nagbalik na rin sa kani-kanilang pinagkakaabalahan. They are so noisy, may kanya kanyang kwentuhan habang ako, hindi alam ang gagawin.

Should I try to make friends with them? 

But what if I failed?

I gave up, feeling lonely and sad because I couldn't even try. Nanahimik na lang ako sa isang sulok and just scribbled something on my paper to buy a time. 

"New student?"

Napaangat ang tingin ko, nabuhayan ng pag-asa na magkaroon ng kaibigan nang bigla akong ginapangan ng kaba dahil grupo sila ng lalaki. They looked presentable but I can sense that they are not trustworthy kaya tumango na lang ako't mabilis na nag-iwas ng tingin. Palagay ko, may sasabihin pa yata sila. Hindi na lang natuloy dahil biglang dumating ang professor sa unang subject namin.

Against the Waves (Acosta Sisters Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon