Kabanata 12

13.4K 376 27
                                    

Kabanata 12

Acosta Siblings

Naalimpungatan ako nang may narinig akong hagikhikan ng dalawang tao na pumasok sa loob ng kwarto ko base sa pagkakarinig ko ng pagsara ng pinto.

Bumalikwas ako ng higa dahil hindi na ulit ako mabalik sa pagtulog sa paraan ng pwesto ko kanina. Pinikit ko na lang din ng mariin ang mga mata ko sabay tinakluban ng pillow ang mukha, pilit binalewala ang ingay na naririnig.

And as their sounds getting nearer, I groaned out of frustration and tried to get back at sleep again.

Kung bakit kasi nakalimutan kong ilock ang kwarto ko kagabi? Mabilis pa naman akong nagigising kapag may naramdaman akong kaunting kaluskos.

And until now, I can still feel the heaviness of my eyes because I used if for too much. Nagpuyat kasi ako so, it's worn out. Kasi naman, I just couldn't stop myself from texting and calling Marcus. Masyado yata kaming nadala sa mga pinag-usapan namin kaya heto, ito ang inabot ko.

Palakas ng palakas ang ingay, hudyat na palapit na iyon sa kung nasaan ako. Tuluyan na ring naging malinaw sa akin ang mga ingay nila.

The only thing I knew, Lia and Kali is here and they're talking about something my mind can't even process dahil hindi iyon matanggap ng utak ko sa sobrang pagod.

Pero ano bang ginagawa ng dalawang 'to dis oras ng pagtulog ko? I think it's still dawn... and I'm still sleepy and tired! Halos mangiyak ngiyak na nga ang mga mata ko sa sobrang hapdi dahil ramdam na ramdam ko pa rin ang antok doon.

"Wakey, wakey!"

I groaned inwardly as I covered my ears using my pillow not to hear them again waking me up. Pero walang kwenta, patuloy pa rin sila sa paggising sakin, inaalog alog pa ko habang tawa pa sila ng tawa!

"Come on, ate. Wake up! Get up now." Natatawang sabi ni Kali sabay tinanggal ang nakataklob na unan sa mukha ko.

But I didn't follow them. Instead, I shut my eyes tightly and forced myself to get back at sleep, and so I did. But before the darkness pulled me to, inalog na naman nila ako dahilan ng paggising kong muli.

"Ellaine Ysobelle Ramirez Acosta! Get up now! Don't be too lazy! Gosh, Ate! Come on!" Sigaw ni Kali habang si Lia naman tatawa tawa habang hinihila ang braso ko, bumangon lang ako.

I growled as I frowned and messed my hair, irritated and frustrated.

Nagawa pa nilang buksan ang ilaw ng kwarto ko kaya tuluyan iyong nagliwanag na mas lalong ikinahapdi ng mga mata ko dahil sobrang nakakasilaw.

"Please... not now. I'm tired and I need sleep. I need to rest. Spare me this time. I can't do this." Mangiyak-ngiyak na pakiusap ko, hindi magawang maimulat ang mga mata dahil hindi pa iyon nakakapag-adjust sa liwanag.

"We don't take no as an answer, ate. Get up and be with us! Come on..." Umiiling na sabi ni Lia sabay pinalo ang pang-upo ko nang talikuran ko sila.

"I can't. Sige na. Kayo na lang muna." Tamad kong sagot sabay sumenyas na umalis na sila.

Hindi ko alam kung bakit ako ginigising ng dalawang 'to. I don't know what's their plan. Goddamn it. Sa tingin ko, alas kwatro pa lang ng umaga pero nambubulabog na kaagad sila. I'm still so damn sleepy right now. I can't get up. I can't be with them. Late na akong nakatulog, mga alas dos na yata dahil kausap ko si Marcus magdamag.

"Kung hindi ka babangon diyan, mapipilitan talaga kaming sabihin kay Mama at Papa ang sikretong tinatago mo." Banta ni Lia kaya mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga.

Against the Waves (Acosta Sisters Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon