Kabanata 31
Hurt
Gabi na nang magising ako mula sa pagkakatulog. Naramdaman ko ang bigat ng mga mata ko na parang namumugto iyon dahil sa kaiiyak kanina. Naramdaman ko na rin ang gutom at naalala kong wala pa akong kain mula kaninang umaga.
Bumuntong hininga ako nang maalala ang nangyari kanina. And I thought he's going back pero bakit ngayon ay wala pa rin siya?
Naramdaman ko ulit ang pamumuo ng mumunting butil ng tubig sa gilid ng mga mata ko. Pinalis ko naman iyon kaagad bago pa bumagsak dahil ayoko na namang magsimula. Alam kong hindi na naman ito matatapos kung hindi ko pipigilan.
Sa halip na bumaba para puntahan sila, nanatili na lang ako sa silid na ito na parang isang bihag. Ininda ko na lang din ang matinding gutom dahil lilipas din naman 'to.
Nagpasya naman akong umupo sa dulo ng kama at isinandal ang sarili sa may headboard. Pinagtagpo ko rin ang dalawang hita at isinubsob doon ang mukha ko. And I feel like a caged girl inside this massive room.
Bahagya akong bumuntong hininga nang mamataang mag-aalas diyes na pala ng gabi pero wala pa ring pumapasok na Marcus. Kinagat ko na lang ang pang ibabang labi at pinigilan ang sariling lumuha.
"You should be strong, Ellaine." Sambit ko sa sarili.
Napabalikwas ako nang may marinig na maliliit na tinig mula sa labas.
"You can't do this to me, Marcus! Why would that woman stays in your room instead of me?" Rinig kong wika ng tinig ng isang babae.
Hindi ko masyadong narinig iyon pero parang pinag-uusapan ata nila ako. Hindi na rin naman ako nag-abalang umalis sa pwesto para pakinggan sila. Bagkus ay hinayaan ko na lang sila sa kung anong pinag-uusapan nila tungkol sa akin.
"Georgina!" Malakas na tawag ng pamilyar na boses na iyon.
Nag-aaway ba sila dahil sa akin? Kung gano'n palang ayaw sa akin ng girlfriend niya, pwede naman akong umalis dito at manatili na lang sa pwedeng matuluyan dito sa Batangas. Hindi ko rin naman ipinilit ang sarili ko na mag-stay sa kanila.
Staying here is a big mistake. I am torturing myself. I will hurt her girlfriend. Dapat talaga wala ako rito.
Narinig ko naman ang pagbukas ng pinto. Umayos ako ng upo nang makitang iniluwa noon si Marcus na may dalang tray ng pagkain.
"I'm sorry I serve this late. Are you hungry?" Tanong niya na bakas ang pagod sa boses.
"Pasensya na." Sinserang sambit ko.
Ipinatong niya ang dalang tray sa ibabaw ng table. Inilapit din niya ang upuan doon.
"Come, you should now eat. Masyado na ring malalim ang gabi at hindi ka rin kumain kaninang tanghalian." Aniyang binalewala ang sinabi ko.
Lumapit ako kung saan siya naroon. Umupo na rin ako sa upuan na inilagay niya. Maging siya ay nasa harapan ko na at pinapanuod akong kumain. At kahit naiilang, ginawa ko pa ring kumain dahil gutom na gutom na rin ako.
Natigil naman ako nang maalala ang pagtatalo nila ni Georgina kaya napatingin ako sa kanya. Nangunot naman ang mga noo niya habang nakatingin sakin na parang sinusuri kung anong meron sa mata ko.
"Did you cry?" Baritonong tanong niya.
Umiwas ako ng tingin at hindi siya sinagot.
"Oo nga pala. Aalis na ako rito bukas. Pasensya na kung naabala pa kita. Hindi ko gustong makagulo sa inyo ng girlfriend mo. I mean... wala naman akong balak na agawin ka sa kanya pero hindi pa rin maikakaila na mag-ex tayo." Nakangiting sabi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/17699841-288-k659732.jpg)
BINABASA MO ANG
Against the Waves (Acosta Sisters Series #1)
RomantizmHighest Rank: #1 in Romance #35 in Teen Fiction Synopsis Acosta Sisters Series #1 Ellaine Ysobelle Acosta, the eldest among the Acosta siblings, is a fragile, innocent soul. Sheltered her entire life due to a delicate condition, she spent 21 ye...