Kabanata 2

19.2K 604 134
                                    

Kabanata 2

I went to school very early. I'm just happy to experience this again... going to school, reading some stories I like, observing people out there who are talking with their friends.

Ang mas lalo kong ikinatuwa ay ang maraming librong nakapaligid sakin na pwede kong basahin kung gugustuhin ko. Napakalaki ng library dito kaya sobra akong nae-engganyong manatili at magbasa rito.

Nga lang, bago pa rin ako makarating, marami na namang nangungulit. Gusto nilang makipagkaibigan kaya sinuklian ko na lang sila ng isang tipid na ngiti. 'Yong iba gusto pang makapagpa-picture sakin pero hindi ko sila hinayaan.

Ewan nga ba kung bakit gano'n na lang nila kagusto ang atensyon naming magkakapatid o ng mga estudyanteng sikat dito sa school. Ano namang mapapala nila sa amin? Mabuti na nga lang hindi na sila masyadong agresibo katulad kahapon. Siguro dahil na rin sa tulong ni Kaia. Hindi ko rin alam kung anong page or blog ang tinutukoy niya, hindi na rin naman ako nag-abala pang tingnan iyon.

At sa lahat ng lugar dito sa school, palagay ko, library na ang pinaka-safe na lugar dahil walang nagtatangkang lumapit sakin.

Kung bakit kasi ang late comer ni Kaia. Ibinubuhos ko tuloy ngayon ang atensyon sa pagbabasa. Siya pa itong nag-set na ganitong oras kami pumasok pero ito siyang wala pa at trenta minutos na ang nakakalipas.

Kanina pa rin akong ilang na ilang sa mga sulyap ng mga lalaking gusto yata akong kausapin. Hindi lang talaga nila magawa dahil nasa loob kami ng library.

Sigh.

Ngayon ang official schooling. Magsisimula nang magturo ang mga professor at lahat ng estudyante, obligado ng pumasok simula sa araw na ito. Kung kahapon, sobrang dami na ng estudyante, ngayon mas dumami pa.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa, napakunot ang noo ko, gulat na gulat nang maramdamang may umupo sa tapat ko dahil hindi ko iyon inasahan.

Dahan-dahan akong nag-angat nang tingin and to my shocked, napaayos ako nang upo't bahagyang napaubo.

Hindi ko alam kung bakit kahit natatakot ako sa kanya, nakakaramdam ako ng hindi pamilyar na pakiramdam na para bang may nagwawala sa tiyan ko na kung ano.

Marahas ko namang ipinilig ang ulo ko, iniwas ang tingin sa kanya. Ipinagpatuloy ko na lang din ang pagbabasa at pilit siyang binabalewala. Nga lang, nababahala pa rin ako sa presensya niya kahit na wala naman siyang ginagawang masama.

"Ano ba, Ellaine! Why are you so affected?" Mahinang saway ko sa sarili.

Out of curiosity, saglit ko siyang sinulyapan. Halos mapasinghap ako dahil nahuli ko rin siyang nakatingin sa akin.

Mabilis ko namang iniharang ang libro sa mukha ko't nagpadausdos nang kaunti sa upuan para hindi niya ako makitang nag-iinit ang pisngi.

Nga lang, hindi ko na talaga maintindihan ang binabasa ko dahil sa nangyaring pagkakapahiya.

Bente minutos ang nakalipas, hindi pa rin ako makawala sa pahina na binabasa ko.

I sit properly and coughed fakely. I was about to open a conversation because he's my classmate to ease the awkwardness I am feeling when he stood up.

"Do you want to say something?" aniya, napansin yata na mukhang may sasabihin ako.

"Ellie!"

Nabaling ang atensyon ko sa kay Kaia sa matinis niyang salubong ngunit medyo mahina dahil nasa library kami.

"Hey!" Nakangiting bati ko nang lumapit siya sakin.

Tuluyan namang nakalabas si Marcus, dala ang aklat na kaninang binabasa.

Against the Waves (Acosta Sisters Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon