Kabanata 37

9.3K 251 22
                                    

Kabanata 37

Decision

"I will just go upstairs." Pamamaalam ko sa kanila.

Hindi ko na hinintay pang payagan ako ni Mama. Bagkus ay tumayo na lang ako't iniwan sila roon para pumunta sa kwarto.

Pagod ko ring inihahakbang ang mga paa ko sa mga hagdanan. Parang tila kay bigat bigat ng dinadala ko kaya sobrang tagal bago marating ang tamang silid.

"What a pathetic life." Bigong sambit ko sa sarili sabay buntong hininga't isinarado ang pinto ng silid.

Sa totoo lang inaasahan ko na naman na mangyayari ito pero hindi ko kasi mapigilan ang sariling umasa. Na kahit papaano'y hahayaan nila akong magdesisyon para sa sarili ko.

Narinig ko naman ang pagbukas ng pinto sa kwarto. Bumaling ako roon at namataan ko ang mga kapatid kong walang pakundangang pumasok.

"Ate ano ba talagang nangyayari? Bakit all of a sudden you changed your mind?" Bungad na tanong ni Kali.

Umiling ako't pinagpatuloy ang pagkuha ng mga damit sa closet at inilagay iyon sa backpack.

"Tsaka na ako magpapaliwanag. Kailangan ko na ring makaalis. Ayokong maikulong na naman ni Papa dahil sa desisyon kong ito." Sagot ko habang mabilis na nagpapasok ng mga damit sa loob ng bag.

"Saan ka tutuloy? Saan mo balak pumunta? Ate naman, ano ba talaga ito? Nag-aalala na kami sayo." Naiiyak na turan ni Lia habang pinapanuod niya ako sa ginagawa ko.

Tumigil ako. Tumingin din muna ako sa kanilang dalawa sabay ginawaran sila ng matamis na ngiti.

"Huwag na kayong mag-alala sa akin." Sabi ko sabay hinawakan ang kanilang kamay.

"Hindi mo kami mapipigilang mag-alala. Alam mo yan. Kaya please lang, kung ano man itong ginagawa mong paglayas, itigil mo na."

Pinakawalan ko naman ang mabigat na buntong hininga dahil sa sinabi ni Kali. I guess I need to tell them the truth. Tsaka mapagkakatiwalaan ko naman sila kaya marapat lang sigurong malaman nila. Marami na rin silang nagawa para sa akin at alam ko na ang gusto lang nila'y kung anong makabubuti sa akin.

"Don't tell anyone about this but I'm with him. I'm with Marcus." Mahinang pag-amin ko sa kanila.

Nakita ko ang pamimilog ng kanilang mga mata. Nagkatinginan pa sila na parang nag-uusap parehas ang mga mata.

"What?!"

"Seriously?!"

Halos sabay nila iyong binulalas at mabilis din akong tumango.

"Yes... please lang wag niyong sabihin kahit na kanino." Pagmamakaawa ko sa kanila.

"Okay, okay." Natatarantang sagot nilang dalawa pero nababakas pa rin ang gulat doon.

Isinarado ko naman ang bag ko at mabilis iyong isinakbat. Bago ako bumaba ng hagdanan, humarap ako sa kanila at mariing tinitigan.

"Pakisabi na lang sa kanila na bumalik ako sa Batangas in case na hanapin nila ako." Pakiusap ko.

"Pero babalik ka ba talaga ng Batangas?" Usisang sambit ni Lia.

"I don't know, Lia. Pero kung tatanungin ako ngayon... hindi muna ako babalik. Maaaring puntahan ako roon ni Papa at ibalik dito. Kaya please wag na wag niyong sasabihin lalo na kay Jared." Sagot ko.

Mabilis silang tumango kaya nagpaalam na rin ako sa kanila ng maayos.

Nang makalabas, bumaling muna ako sa mansion kung saan ako lumaki, kung saan kahit papaano'y naging masaya ako. Mapait akong ngumiti pero agad ding dumiretso sa sasakyan ni Marcus.

Against the Waves (Acosta Sisters Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon