Kabanata 30

11.6K 272 18
                                    

Kabanata 30

One roof

"Hindi pa ba natin ipapakasal ang mga bata, Francisco?" Sabi ni Tito Chad na nakatingin sa amin ni Jared.

Nandito kaming lahat ngayon sa mansion ng mga Dela Vega. Dalawang linggo na rin simula nang lumipat sila rito sa Saint John and they will be here for good. At heto nga kami, inimbita sa family dinner. Hindi na naman bago ang ganitong set up para sa pamilya namin. Sanay na sanay na kami dati noon pa man.

Si Papa kasi at Tito Chad ay matalik na magkaibigan noong mga bata pa sila. Sabay din silang lumaki at nagsipagtapos kaya nang magkaroon ng problema sa resort, hindi nagdalawang isip ang pamilya Dela Vega na tulungan kami. Namulat din ako na parating may kapalit ang lahat kaya nang sabihin iyon ni Papa ay iyon agad ang itinanong ko.

"Depende iyon sa mga bata, Ricardo." Sagot ni Papa.

"Kung gayo'n pala'y dapat paghandaan na natin ang kasal ng dalawang bata. Lumilipas din ang panahon, gusto ko na ring magkaapo agad."

Namilog ang mga mata ko sa sinabi ni Tito habang lahat sila ay tumatawa na sa harapan ng hapag. Maging si Jared ay nakangisi na rin sa kanilang lahat. Pakiramdam ko ay namumula na ako ngayon dahil sa bagay na pinag-uusapan nila. Mabuti na lang at hindi ako nabulunan sa kinakain ko.

Bakit kasi apo agad ang hinihingi nila? Gosh.

Natapos ang dinner at kauuwi lang namin sa mansion. Hindi pa rin ako maka-get over sa pinag-usapan nila kanina dahil pilit iyong iginigiit ng mga magulang ni Jared maging si Mama.

"Follow me, iha." Sabi ni Papa na nakatingin sakin sabay tumalikod din.

Tumingin si Mama at Kali sakin pero nginitian ko lang sila.

"Para saan po ang pag-uusapan natin?" Untag ko nang makaupo ako sa harapan niya.

"Iha, kamusta na ang propyedad na binibili mo? Nakausap mo na ba ang may ari?" Tanong niya.

Malapad akong ngumiti dahil nakuha ko ang property at alam kong matutuwa si Papa dahil gusto niya rin talagang gawin iyon.

"He already sold it, Papa." Sambit ko habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi.

Namataan ko naman ang pagkislap ng mata niya. Mabilis lang din iyon pero mukhang natuwa naman siya sa naibalita ko.

"How about the transferring of ownership?"

"He already transferred it on my name noong nagkita kaming muli." Nahihiyang sabi ko nang maalala ang nangyaring iyon.

Ilang araw din akong natutulala dahil sa pinagsasabi sa akin ni Marcus at sa mga kinilos niya. And damn, hindi na talaga siya mawala sa isip ko kahit kailan. This is his effects on me and it is really ranging violently in my system. At sa halip na iwaksi o ipagtabuyan iyon ng sarili ko, hindi ko magawa. Inangkin na talaga niya ang buong pagkatao ko and this is not good for me.

"Then that's a good news!" Masiglang sabi niya.

Sa dalawang linggong nakalipas, naging busy ako sa paghahanap ng engineers, mga materyales na kakailanganin. Si Lia na lang din ang inusap kong gumawa ng blueprint ng magiging resort. And she's on the process of doing it. Pero sa sobrang taas ng expectation ko'y masyado kaming nagtatagal ni Lia. I know I should be patient pero I want it to be build as soon as possible. I want to see the progress hanggang sa makumpleto pero namomroblema ako dahil nahihirapan ako sa paghahanap ng mga tauhan. Mabuti na lang dahil pinatawag ako ni Papa sa opisina niya. Itatanong ko kasi kung sinong engineer at mga workers ang nagtayo nitong resort namin.

Against the Waves (Acosta Sisters Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon