Kabanata 18

10.9K 269 29
                                    

Kabanata 18

Revealed

"Do you have any plans to introduce him to your family? I mean your sisters already know it, right? They really liked him for you. Pero may plano ka bang ipakilala si Marcus formally sa family mo?"

Bigla akong natigilan. Ni hindi ko alam kung anong sasabihin kay Kaia. Hindi ko pa kayang pag-usapan ang bagay na iyon. Hindi pa tama ang lahat. Ni hindi ko nga alam kung paano ioopen sa kanya ang topic na iyon.

I still have limitations. My parents still have rules for me. Ayokong masira ang tiwala nila sa akin. I'm still earning and building their trust. Hindi ko sila pwedeng biguin sa ngayon.

Pero sa totoo lang, kung susundin ko ang sarili ko, kaya ko namang maging katulad ni Lia at Kali... I can disobey them too. Hindi ko lang talaga magawa dahil palagi kong inaalala at iniisip ang utang na loob ko sa kanila. Iyon ang pumipigil sa akin. At kung sakaling ipaalam ko iyon sa kanila, ang meron sa amin ni Marcus... mataas ang posibilidad na ilayo siya sa akin na ayaw na ayaw ko namang mangyari.

"Ellie?"

Napasimsim ako sa juice na hawak ko nang marinig si Kaia na tinawag ako. Halos pangalahatian ko na rin iyon habang naghahanap ng mga salitang pwedeng sabihin kaya agad din akong natulala.

Nga lang, sa huli, sumuko na rin ako kaya napabuntong hininga na lang ako dahil hindi ko pa rin alam kung anong tamang isagot sa kanya.

Ayaw ko kasing mag-isip siya ng mali sa akin gayo'ng sa pagkakataong ito, she sounds like she's accusing me like I'm not serious with Marcus, like I'm still not serious with the relationship I had with him.

"Kailan mo siya balak ipakilala? Now that this sem will soon to end, why don't you just try?" Tanong niya sabay pinalutang ang sarili sa tubig. "I think that will be the perfect time to make your relationship legal with your parents. I'm sure, magiging masaya naman sila para sayo. Just by the look of Marcus' educational background? Gosh! Maganda ang credibility niya! I'm sure, everyone will tell you, you're such a lucky girl to have him. He's a big catch..." Dagdag pa niya, kasabay ng pagharap niya sa akin, kinuha ang juice niya't sumimsim doon.

"So... what's your plan?" Aniya matapos ilapag sa gutter ang juice niya.

I heaved a deep sigh while shaking my head slowly, disappointed with myself.

"Wait... what's with that reaction?" Naguguluhan niyang tanong, kunot na kunot na ang noo.

I averted my gaze at her. Kita ko rin mula sa peripheral ko ang mapanuri niyang tingin.

Umahon naman siya mula sa swimming pool at kinuha sa katabi kong lounger ang bathrobe niya't sinuot iyon. Kinuha rin niya ang sunglass niya't agarang isinuot dahil sa matinding sikat ng araw sabay humimlay sa lounger na katabi ng akin.

"You're afraid of your parents."

Mapait akong ngumiti. Ramdam ko na rin ang pagkalat ng pait sa sikmura ko kaya kagat kagat ko na rin ang labi ko.

"Bakit Ellie?" Mapang-akusa niyang tanong.

I looked at her. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya dahil sa sunglass na suot niya. Hindi rin siya nakatingin sa akin. Sa halip, tuwid lang ang mga tingin niya. Basta ang tanging alam ko lang, sa likod ng nakakubli niyang mga mata, disappointed siya sakin at hindi niya nagustuhan ang itinugon kong reaksyon sa kanya.

"Yes, I hate Marcus because of his selfishness with you. Ni hindi kita mahiram sa kanya ng solo pero hindi ibig sabihin no'n na ayoko sa kanya para sayo. I can see, he's very serious with you. Na para bang handa niyang ialay sayo ang lahat lahat. He can give you the world if you wish that to him... Marcus is a man with full of determination in life. He's not just a typical guy. He's a real man." Pahayag niya na pumilipit ng husto sa puso ko dahil lahat ng sinabi niya, totoo, purong katotohanan, walang kasinungalingan.

Against the Waves (Acosta Sisters Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon