Huling Kabanata
Finale
Kasama ko si Lia at Kali sa loob ng kwarto. They're looking at me with those pairs of worried eyes. Ngayong araw kasing ito ang kasal namin ni Jared. We will just sign the legal papers then the contract Papa and Tito Chad agreed upon will be vanished after that. Mawawalan na iyon ng saysay. Pero hindi ko malilimutan ang pangako ko sa sariling hinding hindi magiging masaya si Jared sa piling ko kahit kailan.
Ala una ang nasabing kasal namin kay Judge Sevilla, ang judge na sinabi ni Marcus sa akin. Si Mama, nailabas na sa ospital. Anang doctor, masyado raw siyang na-stress kaya bigla na lamang nag-collapse. Mabuti na lang at hindi malakas ang pagkakatama niya sa sahig dahil kung mangyari iyon, baka mas malala ang matamo niya. Hindi ko pa rin siya nabibisita kahit nandito na siya sa bahay at nagpapahinga dahil hindi ko pa siya kayang harapin. Ayokong mag-alala si Mama sa akin. Isa pa, sinisisi ko pa rin ang sarili ko kung bakit nangyari iyon sa kanya. Kaya narito ako, gagawin ang tama at dapat because I know I can't get away with this.
"Hindi ka na ba mapipigil?" si Kali.
Tipid akong ngumiti at umiling. "Huwag na kayong mag-alala sakin. As if Jared will do something bad at me. He will never harm me. Masyado akong mahal no'n para saktan niya lalo na mapapasakanya na ako. Wala na iyong mahihiling pa." Untag ko.
"Still, you have option, ate. You should have just let them take away the resort... instead of this!" Frustrated na sabi ni Lia, humihikbi na rin.
Nagbuntong hininga ako. Alam kong nag-aalala sila pero mahalaga sa akin ang resort. Mahalaga sa akin ang kapakanan ng pamilya ko kaya ginagawa ko ito kahit na labag sa loob ko.
"Hindi gano'n kadali 'yon. Naiintindihan niyo ba ako? Hindi ko kayang mawala na lang ang pinaghirapan ng mga magulang natin. Sinikap nilang itayo iyon kaya hindi ko kayang hayaan na lang ang resort sa ibang tao." Paliwanag ko sa kanila.
Narinig ko ang mabigat na pagbuntong hininga ni Lia, umiling-iling pero wala akong narinig na komentong muli galing sa kanya, pinili na lang siguro na hindi magsalita.
"Ate, the contract is void! Hindi ba nila maintindihan iyon?!"
"Kali, we already knew Papa wasn't forced to sign it. Inamin niya iyon sa atin. He agreed to it. Mabilis siyang nagtiwala dahil kaibigan niya si Tito Chad. At akala niya hindi ko siya bibiguin, na magugustuhan ko rin si Jared kalaunan dahil mabuti rin siyang tao. Wala na tayong magagawa roon." Paliwanag ko pero agad siyang umiling at hindi pa rin makapaniwala.
"Tama si ate, Kali. Kahit pagbali-baliktarin man natin iyon, wala pa rin tayong magagawa." Pagsang-ayon na lang ni Lia.
"I can't believe this!" Galit na sambit ni Kali, umiiyak na rin.
"Miski ako, akala ko ayos na ang lahat. Hindi ko inaasahan na magiging gano'n ang pamilyang Dela Vega." Malungkot na turan ko.
"How about Marcus?" Nag-aalalang tanong ni Lia.
Pakiramdam ko'y tumigil ang puso ko sa pagtibok nang itanong niya iyon. Natigil din ang mundo ko sandali at parang nawalan ng buhay.
Mapait naman akong ngumiti. "Natanggap niya na rin siguro ang nangyayari. Siya pa nga itong nagsabi sa akin na pakasalan na kaagad si Jared."
"I knew it..." Sabi ni Kali.
Naningkit ang mga mata kong tinitigan siya, maging si Lia ay nagtataka na rin sa sinabi niya.
"Huh?"
Umiling si Kali sa amin bilang sagot at mariing tumitig sa akin. "Wala, wala." Aniya kaya binalewala ko na lang iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/17699841-288-k659732.jpg)
BINABASA MO ANG
Against the Waves (Acosta Sisters Series #1)
Любовные романыHighest Rank: #1 in Romance #35 in Teen Fiction Synopsis Acosta Sisters Series #1 Ellaine Ysobelle Acosta, the eldest among the Acosta siblings, is a fragile, innocent soul. Sheltered her entire life due to a delicate condition, she spent 21 ye...