Kabanata 22

9.9K 244 20
                                    

Kabanata 22

The chase

"What the fuck?!"

Pinunasan ko ang luha ko pagkasabi sa kanila kung anong nangyari. Narito kami ngayon sa kwarto ni Kaia. Wala rin akong ideya na pupunta rito ang mga kapatid ko. And I'm shocked when I saw them here. Nalaman ko na lang kay Kaia na tinext niya ang dalawa dahil may sasabihin daw ako sa kanila. 

Wala na rin naman akong nagawa kaya sinabi ko na lang. Pinilit din kasi ako ni Kaia na sabihin sa mga kapatid ko kahit wala akong planong gawin 'yon. She told me they have the right to know what's going on with my family because they are my sisters. Alam ko ring naguguluhan na sila lalo na no'ng pumunta si Jared sa amin. At hindi na rin ako nagulat sa naging reaksyon nila ngayon dahil ito rin ang inaasahan ko sa kanila. 

"Why you didn't tell us earlier? Sana natulungan ka namin ate!" Sambit ni Lia at galit na rin dahil sa nalaman mula sa akin. 

"I can't believe it! This is fucking insane!" Galit na sigaw ni Kali.

"I'm sorry I didn't tell you. Alam kong hindi niyo magugustuhan ito kaya hindi ko sinabi. I don't want to be a burden too." Nakangiting sambit ko pero bakas doon ang pait.

"Ate, kailan ka ba naging pabigat sa amin? Kapatid ka namin. Dapat lang na magsabi ka!" Frustrated na sambit ni Kali. 

Ngumiti ako sa kanila at nagpakawala ng malalim na buntong hininga. "Wag nga kayong mag-alala sakin. Kaya ko naman. Promise! Kaya ko." Assurance ko sa kanila.

I felt Kaia's hand caressing my hair. Alalang alala rin siya kaya bago pa magsimula ang klase, dinala na niya ako rito sa bahay nila. Nakakahiya lang dahil napa-absent pa siya nang dahil lang dito. Sobra sobra na rin ang nagawa niyang pagtulong sa akin. Hindi ko na rin alam kung paano pa magpapasalamat sa kanya.

"Did you really do that? Did you really already broke up with him?" Paninigurado muli ni Lia na mukhang hindi pa rin makapaniwala dahil sobrang sariwa palang noon.

Tumango ako, hindi rin nakatakas ang pagkirot ng puso ko sa sobrang sakit dahilan ng pagtulo muli ng mga luha ko. Pakiramdam ko'y nahati ang puso ko sa dalawa at marahas iyong pinagpipira-piraso.

I took a deep breath. Tiningnan ko silang dalawa na nakatulala sa akin. They are almost teary eyed and I felt sorry for them dahil dinamay ko pa sila rito. Hinawakan ko ang mga kamay nila at masuyong hinaplos iyon para ipakitang maayos naman ako.

"Tinanggap ko ang alok ni Papa dahil iyon lang ang choice na pwede. We can't lose the resort at alam niyo yan dahil sobrang halaga noon sa pamilya. And Mama don't know anything about it at alam niyo kung gaano kahalaga iyon sa kanya kaya please, if you're planning to stop Papa, wag niyo ng gawin. It will make it worst! Isa pa, Mama is very emotional. It may lead her to stress at alam niyo naman na ayaw nating mangyari iyon." Paliwanag ko sa kanilang dalawa.

I can see pity on their eyes while they're crying silently. I wiped their tears away. Maging si Kaia, umiiyak na rin. She's not part of our family pero she managed to help me out. Nakakataba ng puso ang ginagawa niyang ito para sa akin, sa pamilya namin.

"Ellie naman, b--bakit kasi ganito?" Naiiyak na sambit ni Kaia.

Nginitian ko siya. "I already accepted it. Tsaka tama na 'yong ako na lang. This is also my way of expressing my gratitude to all the sacrifices they did to me back then. I'm just returning the favor tsaka hindi lang naman kasi ito basta bastang pabor lang Lia, Kali, Kaia. This is for the family kaya naiintindihan ko si Papa kung bakit niya ginawa ito." Sabi ko sa kanila at niyakap naman nila ako.

Umiiyak na rin silang tatlo para sa akin. Kumalas na din si Kali sa pagkakayap sa akin kaya napakalas na rin kaming tatlo. Nagpahid din ako ng luha. At ang sakit sakit na rin ng mata ko dahil kanina pa akong umiiyak. Gusto ko na sanang tumigil pero grabe ang sakit na nararamdaman ko kaya hindi ko rin mapigil ang sarili.

Against the Waves (Acosta Sisters Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon