Kabanata 5

16.2K 483 42
  • Dedicated kay Eris Whiteflower
                                    

Kabanata 5

Game

Narito ako sa may bleacher kung saan kitang kita ko ang mga taong nando'n sa field. Ipapakilala pa lang ang mga maglalaro base sa narinig ko sa emcee. Excited na rin ako sa mangyayari. Ngayon ko lang kasi sila mapapanuod kaya ganito na lang ako kainteresado.

Honestly, I'm not into sports. Wala akong hilig sa mga ganito kaya hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip ko na pumunta rito para manuod. Mukhang sikat na sikat din sila dahil abang na abang sila ng mga estudyante rito.

Kung igagala ko nga yata ang paningin ko sa buong lugar na ito, malulula yata ako. Halos lahat kasi ng estudyante ay nandito para manuod at sumuporta.

Anyways, I'm exactly right here at the middle of the bleachers. Ito lang ang nakita kong pinakamalapit na pwede kong upuan para makita sila. Pero hindi naman kalayuan sa ibaba. Kapag sumigaw nga yata ako mula rito, maririnig nilang lahat. So, this spot is fine with me.

Sa ngayon, ipinakikilala na ang lahat ng kalaban na mukhang galing sa ibang school dahil sa uniform nila. Marami sila. Hindi ko alam kung anong eksaktong bilang nila pero mukhang lampas labing lima yata ang bawat team.

Matapos namang banggitin ang pangalan ng mga kalaban, agad akong naalerto dahil sila na ang binabanggit. Maraming nag-cheer... isa na ako roon pero pumapalakpak lang ako hindi kagaya ng iba kung saan parang naghi-hysterical na.

"Fuentes, Kleo Martin I." Banggit ng emcee na naging dahilan kung bakit mas lalong lumakas ang sigawan at hiyawan ng mga tao.

Gosh! Pakiramdam ko, nabasag ang eardrums ko sa sobrang lakas ng hiyaw at tili ng mga estudyante, na sa halip na makapalakpak, naitakip ko na lang ang mga palad ko sa magkabilang tainga. Ni pati mga katabi ko, nagwawala na sa sobrang kabaliwan kay Kleo. Kung bakit naman kasi may pa-flying kiss pa siya.

I shook my head thoroughly as I looked at him waving his hand to everyone eventhough his time to show off is already done. Ni hanggang ngayon, isinisigaw pa rin ang pangalan niya. But I can't blame them. He's indeed damn good looking. I won't deny it.

Marami pang tinawag ang emcee. Kasama na roon sina Vernon, Ryan at James. Kanina pa rin akong naiinip kasi hindi na ako makapaghintay na tawagin siya.

Well, sa isang buwang pumapasok ako sa school, kahit kailan hindi kami nagkaroon ng interaksyon ni Marcus kahit nasa iisang room lang kami. Ilang beses na rin akong humanga sa kanya pagdating sa academics lalo na kapag may mga recitation. Gustong gusto ko nga siyang maging kaibigan kaso hindi ko magawa dahil sa sobrang suplado niya.

Nagkaroon lang talaga ako ng lakas ng loob na kilalanin siya nang makita ko siya sa mall kanina at bigla siyang tumawa. Parang nagkaroon ako ng pagkakataon o rason na lapitan siya para maging kaibigan.

"---and last but not the least, Salazar, Marcus D."

Lumakas muli ang hiyawan ng mga tao. Nga lang, sa halip na maitakip ko ang mga palad ko sa tainga, napatanga na lang ako sa lalaking matamang naglalakad na para bang wala lang ang lahat ng hiyawan para sa kanya.

Funny how I was irritated earlier because of those people's irritating voice. Ngayon, parang pati pandinig ko, nawalan na ng pakialam dahil sa pagiging abala sa pagtitig sa kanya.

Ni hindi ko na nga maalis ang mga mata ko sa kanya. Sobrang gwapo niya. He's too much... too much to bear. Hindi ko rin alam kung bakit parang ang lakas ng epekto niya sakin. I mean, yes he really has this intimidating effects because of his ruthless, dangerous and dark aura na parang lahat yata ng tao kung haharap o makikipag-usap sa kanya, maiintimida. He looks very confident in every way. Mukhang wala siyang kinatatakutan na para bang kaya niyang harapin miski ang pinaka-nakakatakot na tao sa mundo.

Against the Waves (Acosta Sisters Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon