Kabanata 26

10.4K 254 19
                                    

Kabanata 26

Property 

Katatapos lang ng kasal ni Kaia and that was the most romantic and best wedding ever. Kaia looked so lovely and gorgeous on her wedding gown. I became emotional too dahil magse-settle down na talaga ang matalik kong kaibigan sa buhay niya. Well, nararapat lang naman na ikasal na sila dahil sobrang tagal na rin naman ng relasyon nila. They deserve to be happy so yeah, good thing they both settled with each other.

Kleo on the other hand didn't bother to talked to me kahit na nagkaharap kami kanina. Sa halip, ngisi at makahulugang tingin lang ang ipinupukol niya sa akin. And he's really weird. I think he's creepy. Nawala lang din ang titig niya sa akin nang lumapit sa kanya si Lia dahil siya ang partner niya sa kasal ng kakambal.

"Kaia, congratulations!" Bati ko sa kanya sabay yakap.

"Thank you, Ellie." Nakangiting aniya sabay mahigpit din akong niyakap pabalik. 

Lumapit naman ang dalawa kong kapatid sa amin ni Kaia kaya kumalas kaming dalawa ni Kaia. At nakangisi naman silang tumingin sa aming dalawa ni Jared.

"Hindi na ba kayo magtatagal?" Tanong ni Lia sa amin ni Jared.

"It's okay with me if we stay here but she doesn't want to." Nakangiting sagot ni Jared sabay pulupot ng braso sa bewang ko.

Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil sa sobrang tigas ng ulo. He keeps insisting to stay with the wedding celebration kahit ang totoo'y bakas sa kanya ang pagod.

"Yun naman pala, ate. Why don't you just stay? Hindi pa nga nagsisimula ang party ni Kaia, aalis na kayo kaagad." Pagpupumigil ni Kali.

I heard Kaia chuckled a bit.

"No, he needs to rest. Kadarating niya lang pero rito kaagad siya dumiretso kaya hindi na rin kami magtatagal." Sambit ko.

Naramdaman ko ang pagbaon ng mukha ni Jared sa leeg ko. Napatawa na lang ako nang suminghap ang dalawa kong kapatid sa kinilos ni Jared.

They're not used to see us like this so I understand their reaction. Noong una, hindi rin naman ako sanay. Sobrang naiilang talaga ako kapag ginagawa niya ito sa akin, tsaka yung iba pang mga sweet gestures niya pero kalaunan, nasanay na rin ako. Isa pa, magiging mag-asawa na rin naman kami soon kaya mas mabuti na rin na nasanay na ako ngayon pa lang.

"Kailan niyo balak magpakasal? Lumilipas na rin ang panahon. Wala pa ba kayong balak ulit?" Tanong ni Kali.

"Oo nga, Ellie. I'm looking forward with your wedding." Excited na sambit naman ni Kaia.

Humarap si Jared sa kanila at malapad na ngumiti.

"Soon. Matutuloy na talaga. Right, El?" Sagot niya sabay tingin sakin at akmang hahalik sa pisngi ko nang itulak ko ang noo niya.

"Oh my God!" Gulat na sambit ni Lia.

"Hay nako. Umalis na nga kayo!" Natatawang taboy sa amin ni Kaia. 

"Oo nga! Baka akalaing kayo pa ang newly wed." Pagsang-ayon naman ni Kali.

Umiling na lang ako't natawa.

"Pakisabi na lang kay Falcon na nauna na kami, ok? And congratulations again!" Kumalas naman ako kay Jared at tumapat sa tenga ni Kaia. "Enjoy with your first night." Sambit ko sa tapat ng tenga niya.

Lumayo ako at nakita ko kung paano mamula ng pisngi niya.

"What did you told her? She's very red, ate." Kuryosong sambit ni Lia.

"I knew it!" Tumatawang sabi naman ni Kali.

"Aalis na kami, alright? Enjoy the party!" Paalam ko sa kanila and I kissed them on their cheeks at tuluyan na nga nila kaming pinakawalan.

Against the Waves (Acosta Sisters Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon