Kabanata 23
WARNING: SPG!!!
Give in
Bumaba ako ng hagdanan pagkatapos kong mag-ayos. Ayaw na sanang ituloy ni Kaia 'tong pagpaparty namin pero hindi ako pumayag. Masyado na akong pabigat sa kanya kaya hindi ako pumayag. I'm just returning the favor. Mas okay din naman kasi sa akin 'to. Baka sakaling makalimutan ko ang sakit at pait kahit saglit man lang. And if I can drown myself in alcohol, gagawin ko! Maibsan ko lang itong sakit na nararamdaman.
"Where are you going?" Tanong ni Kali na nasa living room.
Natigil ako sa paglalakad dahil doon. Hindi kasi ako nagpaalam sa mga magulang ko. Ang balak ko sana'y sabihin sa kanila na naroon ako kina Kaia at doon mag-sleep over pero nakalimutan ko na narito nga pala ang mga kapatid ko.
"Uhm.."
"Oh ate, saan ka pupunta?" Tanong ni Lia na kabababa lang ng hagdanan.
Mabilis siyang dumalo sa aming dalawa ni Kali sa living room. Nakataas din ang isang kilay ni Kali at mukhang hinihintay niya ang sagot ko.
Bumuntong hininga ako nang wala ng magawa. "Magba-bar kami ni Kaia." Mahinang sabi ko.
Nagliwanag ang mukha ng dalawa kong kapatid pero kaagad din akong sinimangutan. Binaba rin ni Kali ang juice na iniinom at ang magazine na kanina'y binubuklat.
"Just the two of you?" Kuryosong tanong ni Kali.
Tumango ako bilang sagot.
"Sasama ako!" Mabilis na sagot niya.
"Oo nga. Ang daya niyo ni Kaia, ha. Hindi man lang kayo nagyaya! Sasama rin ako." Nagtatampong sambit naman ni Lia.
"Alright then, as if may magagawa pa ako."
Tumawa silang dalawa at nagmadaling umakyat papunta sa kanilang mga silid. I texted Kaia about this. Mabuti na lang nag-reply siya kaagad.
Lalabas na sana ako ng mansion nang nakitang tumigil si Kali sa gitna ng hagdanan.
"Text her we'll go with you. And if she wanted to go ahead, that's fine!" Sigaw niya.
Napangiti na lang ako't tumango sa kanya. This is a good thing. Mabuti na rin na sumama silang dalawa. Mas marami, mas masaya and there's a chance na makalimot talaga ako kahit sandali.
"Wait us. Magbibihis lang kami ng mabilis." Pahabol pa ni Lia.
Hindi na ako sumagot sa kanilang dalawa. Sa halip ay nagpunta na lang muna ako sa may pool area. Nahiga ako sa may lounger at pumikit.
Malapit na ring dumilim kaya hindi na rin masakit sa balat ang tama ng araw. Malamig din ang simoy ng hangin dahil malapit na ring magpasko.
Huminga ako ng malalim at siya na naman ang pumasok sa isip ko.
"Ano kayang ginagawa niya? Kamusta na kaya ang orphanage?" Mahinang tanong ko sa sarili.
Hindi na rin ako nakabisita ro'n after ng birthday celebration niya. Ang sabi ko pa naman sa kanila'y bibisita ako pero hindi na ako nakabalik. Miss na miss ko na silang lahat. Ang mga bata, sina sister, lalo na siya.
Napatawa ako sa sarili. Pinunasan ko rin ang luhang bumagsak mula sa mga mata ko.
"Ellaine, hindi ka makakalimot at hindi mababawasan ang sakit na nararamdaman mo kung parati mo siyang iniisip. You should fix yourself and get a hold of it! Hindi ka pwedeng magpatalo na lamang sa nararamdaman mo, naiintindihan mo ba?" Mahinang sambit ko sa sarili.

BINABASA MO ANG
Against the Waves (Acosta Sisters Series #1)
RomanceHighest Rank: #1 in Romance #35 in Teen Fiction Synopsis Acosta Sisters Series #1 Ellaine Ysobelle Acosta, the eldest among the Acosta siblings, is a fragile, innocent soul. Sheltered her entire life due to a delicate condition, she spent 21 ye...