Kabanata 33

9.4K 259 14
                                    

Kabanata 33

Pinaalis

Kinusot ko ang mga mata ko nang tuluyang magising. Napatingin ako sa wall clock at biglang napabalikwas.

"Ala una na ng hapon?"

Mabilis akong bumangon sa pagkakahiga. Nagulat ako nang maramdaman ang lamig na tumatama sa katawan ko kaya agad kong ipinulupot ang kumot sa katawan nang maalala ang nangyari kagabi.

Uminit ang pisngi ko. Sobrang bilis din ng kabog ng puso ko dahil hindi ko akalaing gagawin namin ulit iyon.

"Oh my God!" Reklamo ko sa sarili dahil sa kahihiyan.

I'm kinda excited and happy. I don't know. Hindi ko malaman ang eksaktong nararamdaman dahil ang hirap pangalanan nito. Nahihiya rin ako. Hindi ko alam kung magpapakita ba ako sa kanya dahil sa pinagsaluhan namin kagabi o hindi.

Napabaling ang mata ko sa bedside table na naroon. Nangunot ang noo ko nang may makitang tray sa ibabaw at may lamang pagkain kaya lumapit ako sa lamesa at may nakitang note roon.

I didn't bother to wake you up. So, eat this when you get up, okay? Pupunta lang ako sa site. And stay in my room!
- Marcus

Sumimangot ako sa huling sinabi niya. Nakikinita ko rin kung paano niya banggitin ang mga katagang isinulat sa pirasong papel.

"Bossy..." Untag ko sabay umirap sa ere.

Bago ako maligo at mag-ayos, kinain ko muna ang hinanda niyang pagkain para sa akin. Malamig na rin iyon pero kinain ko pa rin.

Kumuha na rin ako ng damit sa closet na narito pagkatapos kong maligo. Pinili ko ang puting bestida na hanggang tuhod at mabilis iyong isinuot.

This is a summer dress kaya ang strap noon ay manipis lang. Bagay na maganda isuot sa lugar na ito.

Hindi ko rin sinunod ang sinabi ni Marcus kaya lumabas ako ng silid niya. Wala rin ni isang tao rito. Mukhang ako nga lang yata.

"Boring!" Sambit ko sa sarili.

Umupo ako sa sofa sa may living room. Binuhay ko ang t.v. at tamad na nanuod.

Okay na kaya kami ni Marcus? I mean, ano kami? Hindi naman niya iyon gagawin sa akin kung wala lang, di ba?

Napakagat ako sa labi ko nang maalalang may girlfriend siya.

"Shit! Ano bang pumasok sa kokote ko nang gabing iyon?" Mura ko sa sarili at hindi mapigilang iumpog ang ulo sa tuhod.

Bakit ko ba siya hinayaang gawin ang bagay na iyon sa akin? Pagkakamali lang ang lahat ng iyon. Oo, tama. Naakit lang ako. Natural lang iyon. Kung hindi siya magsasalita sa girlfriend niya, wala kaming problema. Dapat dumistansya na rin ako sa kanya.

Shit! Ano ba 'tong pinasok ko? Hindi pa rin ako mapakali. I mean... I can't deny I just cheated and he cheated! Gosh. Pagbali-baliktarin ko rin ang mundo, nasa tamang pag-iisip ako nang oras na 'yon at mahal ko siya kaya hinayaan ko siyang gawin iyon sa akin.

Bigo kong pinakawalan ang malalim na buntong hininga. Pakiramdam ko'y naging kabit ako ni Marcus.

"Shit shit shit!" Mura ko sabay sarkastikong tumawa.

Napakahina ko talaga pagdating sa kanya. At naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba ako bumigay ng gano'n gano'n na lang? At bakit niya ba ginawa iyon sa akin? Ang tanga tanga ko. Maaaring maisip niya na napaka-easy to get kong babae.

Walang buhay kong pinatay ang t.v. at mabilis nagmartsa palabas ng bahay. Nagulat na lang ako nang mamataan sila na mukhang pabalik na.

At mabilis pa sa bala ng baril ang pagtarak ng punyal sa dibdib ko sa nasaksihan.

Against the Waves (Acosta Sisters Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon