Anu ba ton-ton inaantok pa ako, tigilan mo nga ang pagkikiliti sa paa ko.
Ton....ton
Anu ba sabi ng tigilan mo yan...
Pasigaw kong sabi sa kapatid ko.
Ate,madaling araw pa lang sumisigaw ka na, sabay hila sa aming kumot.
Kaya napa upo ako sa papag na aming hinihigaan. Masarap ang tulog ng kapatid ko sino ang kumikiliti sa akin.
Agad akong bumaba ng higaan at sumilip sa silong ng papag..
Dahan dahan kong yinuko ang aking ulo...
Pero wala namang tao.
Kaya nagawe ang aking paningin sa may bintana, madilim pa naman kaya itinuloy ko nalang ang pag tulog ko.
Kapipikit ko lang ng mga mata ko ng biglang may kumiliti nanaman sa paa ko..
Kaya napabuntong hininga nalang ako.
Kung sino ka mang kaluluwa ka tigilan mo ako, wala pa ako sa mood na makipag usap sa iyo..
Magpatulog ka naman pasigaw kong sabi.
Kaya agad na bumangon ang aking kapatid.
Kinuha ang kanyang unan at patakbong lumabas ng kwarto.
Nanay......
Si ate tinatakot nanaman ako...
Natawa naman ako sa ginawa ni ton-ton.
Kung ako na sobrang lakas ng loob,kabaligtaran naman ang pitong taong gulang kong kapatid.
Tuwing naririnig niya na may kausap ako ay bigla na lamang itong umaalis sa tabi ko at pumupunta kala nanay.
Pag tagilid ko ay katabi ko na ang White lady..
Ano ba kasi ang kailangan mo.
Pwede mamaya nalang inaantok pa ako.Joyce tulungan mo ako. Kausapin mo ang mga magulang ko.Ihinge mo ako ng sorry sa kanila.
Gusto ko ng tumawid sa kabilang mundo pagod na pagod na ako. Kaya please Joyce tulungan mo ako.Sang lugar ka ba nanggaling.
At ang aga aga ay binubulabog mo na ako.Don pa sa kabilang bayan Joyce.
Anu papapuntahin mo pa ako don.
Marame pa akong gagawin. Tutulong pa ako sa pag tatanim kala nanay.
Ikaw na gumawa ng paraan para makapunta sila dito sa bahay.
Sige naman na Joyce tulungan mo na ako.
Kaya nga tutulungan kita pero di ako pwedeng pumunta don masyadong malayo, pati gawain ko maiistorbo mo.
Pero joyce kung di sila makapunta dito babalikan kita.
O siya sige na,umalis ka na dito.
Nang makaalis na ang white lady,ay bumangon na din ako.
Tumungo na ako sa kusina para mag luto na ng aming agahan.
Saktong matapos ako ng pagluto ng dumating ang nanay..
Oh Joyce ang aga mo naman atang gumising anak.
At pati kapatid mo ayon sumiksik nanaman sa amin ng tatay mo sa higaan.Naku nay alam mo naman ang kalagayan ko, pilit ko po sanang iniiwasan ang mga kaluluwa kaya lang po sila talaga ang kusang lumalapit sa akin.
Bakit ke aga aga ay may bumisita nanaman sayo.
Nay white lady po humuhingi ng tulong para makausap ang magulang.
Pag lingon ko kay nanay ay biglang namutla ito.
Natawa ako sa naging itsura ni nanay, sa tagal ng may nagpapakita saakin ay di pa rin sanay makarinig ng mga multo..
Ikaw Joyce ha pag sabihan mo yang mga kaluluwang pumupunta dito na wag magpapakita sa akin kung ayaw mong mapadali ang aking buhay..
Opo nay..
Umupo na po kayo at lalamig na ang ating pagkain..
BINABASA MO ANG
Ang boyfriend kong MULTO(completed)
Mystery / ThrillerAng pinangarap kong isang fairy tale na love story ay napunta sa isang horror story.. Ako si joyce Valdez,dinarayo sa aming lugar upang kumausap sa mga kaluluwang di matahimik. Tara samahan niyo akong kilalanin ang boyfriend kong MULTO.