O Joyce anak maiwan ka muna dito sa bahay at pupunta muna kame ng tatay mo sa bukid at titignan namin yong mga pananim na kamatis.
Sige po nay mag iingat po kayo ni tatay.
O siya sige aalis na kame..
Ton-ton anak halika na at baka malate ka pa sa iskwela.Nang makaalis na sila nanay ay napagpasyahan ko na mag linis nalang ng bahay..
Abala ako sa pag lilinis ng makarinig ako ng tunog ng gitara..
Dahil alam ko naman na mag isa lang ako dito ay hinayaan ko nalang na gumawa ng ingay ang multo.
Nilinisan kong maige ang kusina at sala. Nang matapos na ako ay tumungo na ako sa mga silid.
Inuna kong linisin ang silid nila nanay.
Kumuha ako ng basahan at akmang aayak na ako ng biglang may sumilip sa bintana.Good morning miss beautiful..
Malakas at buong boses na bati sa akin ng kapre.Ay.. Kabayo..
Gulat kong sigaw...Kailan pa nagkaron ng kapre dito sa bahay..
Dahil di naman ako natatakot ay tinitigan ko siya.
Ang ganda ng ngiti sa akin ng kapre habang bumubuga ng usok..Mawalang galang na po mamang kapre, baka magkahika po ako sa usok na dala niyo. Tsaka po sa pagkakaalm ko ay wala namang kapre dito sa amin, pano po kayo napunta dito.
Miss beautiful..
Nakatira na ako sa may likod niyo sa puno ng mangga. Kalilipat ko lang nung isang araw. Ako man ay nagulat dahil may magandang binibini pala na nakatira dito.Sabay lagay ng bulaklak sa gilid ng aking tainga.
Ahmmmm....
Napalingon naman ako sa aking likod ng may tumikhim.
Mawalang galang na po tandang kapre,nagkakamali po ata kayo ng taong nililigawan.
At sino ka namang agnas na multo na biglang sumisingit sa aming usapan.
Ako lang naman ang nauna sayo..
At alam ko na mas pipiliin ako ni joyce kaysa sayo tanda.Naka nganga akong nagpabaling baling ng tingin sa kanilang dalawa na ngayon ay napapagitnaan ako.
Nang mahimasmasan na ako..Wait...
Stooppppp...
Teka nga lang kayong dalawa.
Anu ba yang pinagsasabi niyo.
Pwede ba umalis kayo sa harapan ko, wala akong oras na makipag lokohan sa inyo.Teka lang magandang binibini..
Di pa ako tapos sa mga sasabihin ko.Hep.. Hep.. Hep..
Mamang kapre,bumalik na po kayo sa iyong tirahan at marame pa akong ginagawa..Nang makaalis na ang kapre ay tinignan ko naman ang multo na tuwang tuwa.
At anu naman ang tinatawa mo dyan.
Nakapa maywang kong sabi.Lumapit ng dahan dahan sa akin si Anthony,ang nakangiting mukha niya ay napalitan ng seryoso. Kaya kinakabahan akong napaatras at nang sumayad na ang aking likod sa pader ay napapikit nalang ako.
Naramdaman kong inalis niya ang bulaklak sa may tainga ko. Kaya agad akong napamulat ng mata.
Malapit na malapit ang mukha niya sa akin kaya pigil ko ang pag hinga ko.Sa susunod ay wag kang tumatanggap ng bulaklak na galing sa tandang kapre na yon.
Di bagay sayo ang sunflower masyadong malaki..Ito ang bagay sayo sampaguita...
Sabay lagay sa aking ulo dahil naka design ito ng parang korona.
Sampaguita na maputi,tanda ng kalinisan at busilak mong puso.
Hmmm....
Sabay amoy sa akin..At kasing bango mo.
Yan bagay na bagay sayo.. Isa ka ng prensesa..
Nang makaalis na si Anthony tsaka ako huminga ng malalim at sabay hawak sa aking dib dib.
Bakit ganito ang tibok ng puso ko..
BINABASA MO ANG
Ang boyfriend kong MULTO(completed)
Mystery / ThrillerAng pinangarap kong isang fairy tale na love story ay napunta sa isang horror story.. Ako si joyce Valdez,dinarayo sa aming lugar upang kumausap sa mga kaluluwang di matahimik. Tara samahan niyo akong kilalanin ang boyfriend kong MULTO.