Naging masaya ang buhay pag ibig ko sa piling ni christian..
Minsan ay pumupunta kame sa kanilang bahay para dalawin ang mag asawang matanda. Kadalasan ay dito siya nalalage sa aming bahay at masayang nakikipag laro kay tonton at nakikipag kwentuhan kay nanay.Sa mag iisang taon naming magkarelasyon ay mas lalong tumatag ang aming pag iibigan.
Minsan nga ay gusto niya na akong magresign sa munisipyo para sa kompanya niya nalang ako mag trabaho kaya lang ay tinanggihan ko naman dahil nakakahiya kay mayor.
Alasdos ng madaling araw ng magising ako sa tunog ng aking cellphone,nang tignan ko ay Christian ang tumatawag.
Nagtataka akong sinagot ang kanyang tawag.Hello bee napatawag ka..
Mahinang hikbi lang ang aking narinig..
Kaya tinignan ko ulit ang screen ng aking cellphone..
Si christian naman talaga ang tumatawag..
Hello bee anu bang nangyayari..
Biglang na itong nagsalita..
Honey nandito ako sa labas niyo..
Kaya dali dali akong bumangon at pinuntahan siya..
Nasa loob siya ng kanyang kotse. At nakapatong ang ulo sa manibela..
Kinatok ko ang bintana at nag magkatitigan kame, kita ko ang kanyang mga luha at magang mga mata.
Ako na ang nagbukas ng kanyang pinto at nanginginig siyang lumabas..
Bee anong nangyari,bakit ka umiiyak..
Niyakap niya ako ng mahigpit..
Pinatong niya ang kanyang baba sa aking balikat.
Patuloy parin ito sa pag iyak, kahit na gulong gulo ako dahil sa mga kinikilos niya ay pinilit ko pa rin maging matatag. Hinagod ko ang kanyang likod at hinayaan siyang umiyak..
Makalipas ang kalahating oras niyang pag iyak ay humarap na siya sa akin..Dinikit niya ang kanyang noo sa aking noo at nagkatitigan kame. Kahit na magkaduling na ako sa kanyang ginawa ay tiniis ko..
Honey si lolo...
Inalis ko ang pagkakadikit ng aming noo at hanawakan ko ang magkabilang pisnge niya para magkatitigan kame..
Anong nangyari kay lolo lito, kunot noo kong tanong..
Muling tumulo ang kanyang mga luha..
Si lo.. lolo...
Wa..wala na siya...Dahil sa pagkabigla ko ay napakapit ako sa kanya.. Nanlamig ang buo kong katawan..
Christian,di magandang biro yang sinasabi mo..
Halika at puntahan natin siya, umiiyak ko na ding sabi sabay hila ko sa kanya para sumakay kame ng kanyang kotse.Niyakap niya ako ng mahigpit..
Totoo hon...
Bigla siyang inatake at di niya na kinayanan..Asan si lola...
Nasa hospital,dahil sa nangyari kay lolo ay di rin niya kinaya.. Nahimatay at tinakbo ko na din sa hospital.
Hanggang ngayon ay di parin gumigising..Saglit lang bee..
Magbibihis lang ako, hintayin mo ako dito..
At nagmamadali akong pumasok sa aming bahay para magbihis...Ngayon ay patungo na kame sa hospital para tignan ang kalagayan ni lola..
Nang makausap namin ang doktor ay sinabing mabuti naman na ang lagay ni lola, hintayin na lamang na gumising ito..
Papunta na kame sa silid ni lola ng may biglang tumawag kay Christian.Hello malungkot niyang sabi..
Ah sige po,pupunta na ako dyan..
Hon pwede bang iwan muna kita dito kay lola, hintayin mo ang paggising niya. Tawagan mo ako pag gising na siya. Aasikasuhin ko lang ang labi ni lolo..
Sige bee, ako na ang bahala kay lola..
Please mag iingat ka sa pag drive..Niyakap ako ni Christian ng sobrang higpit at hinalikan saglit sa labi bago tuluyang umalis..
Ako naman ay nagpunta na sa silid ni lola at hinihintay ang kanyang pag gising..
May isang oras na akong nagbabantay ay di parin ito nagkakamalay kaya lumapit ako sa bintana para lumanghap ng sariwang hangin..
Biglang nanlaki ang aking mga mata ng makita ang papalapit na mga alitaptap sa akin...
Halos hindi ako huminga ng ito ay nasaharapan ko na at nag anyong diwata....
BINABASA MO ANG
Ang boyfriend kong MULTO(completed)
Mystery / ThrillerAng pinangarap kong isang fairy tale na love story ay napunta sa isang horror story.. Ako si joyce Valdez,dinarayo sa aming lugar upang kumausap sa mga kaluluwang di matahimik. Tara samahan niyo akong kilalanin ang boyfriend kong MULTO.