3

2K 36 0
                                    

Nandito na ako sa kwarto at nagpapahinga.. Iniisipin ko pa rin ang mga sinabi sa akin ng matanda.
Binigay niya rin lahat ng mga password sa akin.
Hawak hawak ko ang notebook na pinag sulatan ko ng code ng matanda,nang pumasok si ton-ton.

Ate anung mayron sa hawak mo at titig na titig ka diyan.

Ah wala ito ton,ito yong mga numerong pinag aaralan ko baka manalo na tayo sa lotto..


Naku ate pati ba naman ikaw naniniwala sa ganyan..

Nagiging lodi mo na si tatay..




Anong lodi ton..

Kasi galing ako don sa kwarto nila ni nanay at may nakita akong box ng   zesto kaya binuksan ko. Alam mo ba ate ang nakita ko...


Anu naman ton-ton.




Puro lottery ticket lang naman.





Anu ganyan na ba kaadik si tatay.




Oo ate kaya wag mo na siyang sabayan at baka pag pinagsama sama ko ang pinag taya niyo malamang ay milyonaryo na tayo.




Ewan ko sayo ton-ton,hala matulog ka na nga lang.




Nang makita ko na tumalikod na si ton ton upang matulog ay tumayo na ako at nilagay sa aking cabinet ang notebook.




Tumungo ako sa bintana upang isara ito, ngunit ng akmang isasara ko ito bigla nalang may humawak na malamig sa akin..




Lolo sigaw ko..
Anu pong ginagawa niyo dito. Kala ko po babantayan mo si lola.





Joyce may ipapakiusap ako sayo. ..

Sayo ako hihingi ng tulong.

Matanda na din ang aking asawa kaya alam kung di narin siya magtatagal dito sa mundo.

Nais ko sanang hanapin mo ang aking apo.
Siya nalang ang natitira kong kamag anak joyce.

Kausapin mo ang aking abogado na ikaw ang tinakda kong maghahanap sa kanya.

Nakasulat yon sa last will in testament ko..na pag nahanap mo siya ay maghahati kayo sa lahat ng ari arian ko.

Kaya joyce hanapin mo siya sa batangas yan ang huling report ng aking detective bago ako lumisan.
Mark Anthony villanueva ang pangalan niya. Kinuha kasi siya ng mga kamag anak ng asawa ng anak ko. Alam kasi nila na siya lang ang magiging taga pag mana,mag mula ng yumao ang kanyang mga magulang.
Kaya pilit na tinatago siya sa amin.

Alam ko Joyce na mahirap ang hinihiling ko sayo pero ikaw nalang ang tangi kong  mapag kakatiwalaan at maaasahan.

Baka ito na ang huli nating pag kikita joyce, aasahan kita.

Hanggang sa muli nating pag kikita.



At bigla nanamang naglaho si lolo..



Kaya sinara ko ng tuluyan ang bintana at tumabi kay ton- ton na natutulog.



Anu ba naman itong napasukan ko,matapos makipag usap sa mga kaluluwa ay maghanap naman ng nawawalang kamag anak.

Naku namang buhay  ito oh...

Anu po ba ang gagawin ko....



Hanggang sa dalawin ako ng antok ay ang habilin ng matanda ang nasa isip ko.



Mark Anthony villanueva....
Asang lupalop  ng batanggas kita hahanapin....

Ang boyfriend kong MULTO(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon