Tinalikuran ko si Anthony...
Kuya allan bitawan niyo na po ang anak niyo.
Ito na po ang 500 pesos ko sa inyo na po..
Agad akong lumapit sa kanila at pagbigay ko ng pera ay sabay kuha ko sa bata at binuhat ito.
Naka isang hakbang palang ako patalikod kay kuya allan ng dumating ang mga pulis..Itaas mo ang iyong kamay!!!pasigaw ng mga pulis.
Kaya sa katakutan at kalituhan ni kuya allan ay agad niya akong nahablot at sa di sinasadya ay nakalabit niya ang baril at tumama sa aking dibdib..
Agad akong napahiga at napaubo na may kasamang dugo.
Joyce patawad nakaluhod na sabi ni kuya allan sa akin.
Nginitian ko lang siya.
At nang tumingin ako sa aking tagiliran,napangiti akong lalo, si Anthony na lumuluha..
Tinaas ko ang aking kamay para mahawak ang kanyang mukha.Bee mag sasama na tayo,di na tayo magkakahiwalay..
Umiiling lang siya sa akin habang lumuluha..
Bakit mo ginawa yon joyce..
Marame ka pang magagawa dito sa mundo niyo..Ayaw mo ba akong makasama bee nagtataka kung tanong sa kanya..
Niyakap niya ako ng mahigpit at patuloy lang siya sa kanyang pag luha hanggang sa mawalan na ako ng malay..
Pag mulat ko nang aking mga mata ay nasa isa akong paraiso..
Marameng magagandang mga bulaklak at mga ibon na nag aawitan..
Tumayo ako at kinapa kung san ako nabaril..Nagtataka ako kung bakit walang bakas na sugat o dugo man lang sa aking dibdib.
Agad akong tumayo at nakita ko ang isang tikbalang..
Kinalibutan ako dahil titig na titig siya sa saakin..
Mabilis siyang lumapit sakin at ako naman ay napaatras..
Sino ka?
Asan ako... Asan si Anthony..Magandang binibini halika na....
Sumakay ka na sa akin, kanina ka pa hinihintay ng mahal na diwata..Kunot noo ko siyang tinitigan..
At bakit naman ako sayo sasakay..
Tinatanong kita?
Asang lugar ako, bakit ako naririto,ang sugat ko paanong nangyari na wala akong sugat.
Nakita mo ba ang boyfriend kung multo...Ngumiti lang sa akin ang tikbalang..
Tulad ng sinabi ko magandang binibini..
Sumakay ka na sa akin at naghihintay na sa iyo ang mahal na diwata.. Siya ang sasagot sa lahat ng iyong mga katanungan.
Paano ako makakasiguro na nagsasabi ka ng totoo sa akin..at isa pa di ko din kilala ang sinasabi mong diwata.
Kaya nga kita sinasabihan na sumakay na para maipaliwanag na sayo ang lahat..
Kaya kahit ayaw ko mang sumakay sa tikbalang na ito ay napilitan parin ako..
Dinala niya ako sa isang napakalaki at sobran gandang pinto.
Ilang sandali pa ay lumabas don ang napakagandan diwata.Bumaba ako agad sa tikbalang at nagpasalamat.
Ngumiti lang ang tikbalang at bago tuluyang umalis sa harap ko ay kumindat pa ito.
Napatanga ako sa ginawa niya..
O Joyce nagising ka na pala. Kanina pa kita hinihintay...
Ako po, bakit po mahal na diwata.
Nagtataka ka siguro sa mga pangyayaring nagaganap ngayon..
Opo mahal na diwata?
Asan po ba ako?nakita niyo po ba ang multo kong boyfriend.Ngumiti lang sa akin ang diwata na lalong nagpaganda sa kanya.
Joyce gusto mo na bang malaman ang totoo.
Tumango lang ako sa kanya.
Nakikita mo ba ang pinto na yan..
Tumingin ako sa pintong tinuro ng diwata.
Halika na Joyce..nasa likod ng pintong yan ang lahat ng sagot sa katanungan mo...
Magiingat ka Joyce.
Isa kang may busilak na puso, hindi nararapat sayo ang mga nangyari ng nagdaang mga araw.Sige buksan mo na ang pintong iyan.
Kumaway pa ako sa diwata at matamis ding nginitian.
Pag bukas ko ng pinto ay huli na ang lahat..
Wala na akong maapakan at nagpaikot ikot akong nahulog...
Mga ulap at purong puti lang ang aking nakikita habang patuloy ako sa pag ikot..
Hanggang sa di ko na kinaya ang hilo ko at tuluyang nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
Ang boyfriend kong MULTO(completed)
Mystery / ThrillerAng pinangarap kong isang fairy tale na love story ay napunta sa isang horror story.. Ako si joyce Valdez,dinarayo sa aming lugar upang kumausap sa mga kaluluwang di matahimik. Tara samahan niyo akong kilalanin ang boyfriend kong MULTO.