Pigil ko ang aking hininga ng magharap kame ng diwata.
Joyce kamusta kana?natatandaan mo na ba ang lahat, ito na ang oras para sa katotohanan?
At bigla nalang namuti ang buong paligid.
May naririnig akong umiiyak kaya sinundan ko kung san nanggagaling ang iyak.
Binuksan ko ang pinto..
Nakita kong marameng tao at nasa gitna ay isang kabaong at nandon na si lola na umiiyak..
Nanginginig akong lumapit kay lola, habang palapit ako hinahanap ng aking mga mata si Christian,bakit naman iniwan niya si lola ng ganito..
Paglapit ko kay lola ay agad siyang napatingin sa akin,ang mga mata niya ay galit na galit..
Anong ginagawa mo dito?
Ang kapal naman ng mukha mo para magpakita pa sa akin..Lo.. Lola ano po ang ibig ninyong sabihin..
Tignan mo?
Tignan mo ang mahal kong apo!!!Bigla akong napatingin sa harapan ng kabaong at nakita ko si christian sa loob nito..
Halos hindi ako makahinga sa nakikita ko..
Papaanong si Christian ang nandoon e, kakasabi niya lang na si lolo ang namatay..
Iyak lang ako ng iyak..
Lola papaano pong nangyari,asan po si lolo..
Ano ba Joyce,tama na ang kasinungalingan mo. Bakit mo pa hahanapin si joselito e isang taon ng patay yong tao..
Pero lola kakausap ko lang po kay Christian at diba po nasa hospital pa tayo. Humahagulgul ko ng sabi.
Anak Joyce,halika muna at umuwe na tayo sa bahay para makapagpahinga ka naman anak.
Muli akong lumapit sa kabaong at niyakap ko ito..
Bee anu ba, bumangon ka dyan..
Diba sabi mo sa akin babalikan mo ako sa hospital pag gising ni lola. Anung ginagawa mo dyan..
Bakit ka nandyan..Anak, halika na..
At inalalayan ako ni nanay hanggang sa makalabas kame at nakita ko don si tatay at tonton na naghihintay sa sasakyan.
Nagtataka man ako kung kailan dumating si tatay at kung san galing ang sasakyan namin ay di ko nalang pinansin. Ang tangi ko nalang iniisip ay kung paano nangyari na namatay na si christian.
Pagdating namin sa bahay ay todo pa rin ang alalay ni nanay sa akin hanggang sa aking silid.
Sige na anak magpahinga ka muna.
At nang akmang bubuksan niya na ang pinto ng aking silid ay tinawag ko siya.
Nay... Nanginginig kong tawag..
Kaya agad na lumapit siya sa akin..
Niyakap ko siyang mahigpit..
Nay gusto ko pong malaman ang lahat, gulong gulo na po ako nay..
Anak halika mahiga ka dito.
Nahiga naman ako sa may tabi ni nanay at sinuklay suklay pa niya ang aking mahabang buhok.
Anak may natatandaan kaba na nangyari o mga naganap sayo itong mga araw na to.
Nay di ko po kayo maintindihan.
Ang alam ko po ay nasa hospital ako at binabantayan si lola na gumising.
Anak anu bang pinagsasabi mo matagal ng nangyari yon may isang taon nang patay si lolo joselito mo.
Ang nangyari noong nasa hospital ka ay naabutan ka ni christian na walang malay sa tabi ng bintana.
Isang taon kang nawalan ng malay, hindi mo nga nasilayan ang lolo joselito mo.
Ang sabi naman ng doktor ay wala kang sakit,pero ang pinagtataka namin kung wala kang sakit bakit ka biglang nawalan ng malay.Tapos ng malaman ng tatay mo ang nangyari ay umuwe siya. Nagdesisyon kame na magretiro na siya sa kanyang trabaho,nakabili kame ng taniman natin sa san antonio province.
Si Christian ay naging abala sa naiwang negosyo ng kanyang lolo,lage siyang dumadalaw anak sayo..
Ngunit nang magising ka anak nag iba ang lahat.. Di namin alam kung bakit nawala na ang pagiging malambing mo at di narin ikaw ang Joyce na nakilala namin. Parang di mo na kame kilala. At ngayong pag gising mo ng umaga ay agad ka nalang umalis at nagtungo sa bahay nila christian kaya sinundan ka namin, nagtataka kame kung bakit don ka nagpunta.
Pero anak sa nakikita ko ngayon ay ikaw ang Joyce na dati.. Nakikita ko sa mga mata mo ang sakit ng masilayan mo si Christian..
Nay ang gulo gulo po, ano po bang kinamatay ni christian..
Nag pakamatay siya anak..
Dahil di mo na daw siya mahal.. At may iba ka nang mahal.
Bigla akong napatayo..
Nay,kilala niyo po ako di ko magagawa yon nay...
Alam ko Joyce pero yon ang sinabi niya sa amin bago siya umalis dito sa bahay..
Kaya umiyak lang ako ng umiyak..
Nay.. Hindi ako yon..
Di ko po magagawa ang ganoong bagay.Mahal na mahal ko po siya..Gusto ko pong bumalik kala Christian nay...
Gusto ko pong humingi ng tawad kay lola..Joyce anak, magpahinga ka muna..
Alam ko na ikaw na ang anak ko..Kailangan mo munang mag pahinga.
Bukas ay sasamahan kita na pumunta doon..
BINABASA MO ANG
Ang boyfriend kong MULTO(completed)
Mystery / ThrillerAng pinangarap kong isang fairy tale na love story ay napunta sa isang horror story.. Ako si joyce Valdez,dinarayo sa aming lugar upang kumausap sa mga kaluluwang di matahimik. Tara samahan niyo akong kilalanin ang boyfriend kong MULTO.