Nandito ako ngayon sa aking silid at patuloy na umiiyak...
Dapat nga matuwa ako dahil nakita ko na ang itsura ng boyfriend ko..
Pero di maalis sa akin na niloko niya ako at ni lolo lito...Biglang tumaas lahat ng aking balahibo.. Alam ko may katabi akong kaluluwa..
Apo Joyce....
Inangat ko ang aking ulo at nakita ko si lolo lito.
Apo Joyce,patawarin mo sana ako kung niloko kita. Ako ang may kasalanan ng lahat ng ito at hindi si Anthony..
Nagpasalamat ako dahil nung pinahanap ko siya sayo agad mong nakasundo ang kanyang pinakamamahal na yaya.
Si chayong ang tumayo na niyang magulang.
Ayaw niyang humiwalay kay chayong kaya nang magpaalam na ang yaya niya ay di siya nag paiwan. Dahil sa mahal namin ang aking apo ay pinabayaan namin kung anu ang gusto niya. Lahat ng mga pangangailangan niya ay binigay namin hindi kame nagkulang sa kanya..
Ang di ko lang natanggap ay ang pagkakamatay niya ng dahil sa maling babae. Mabait ang apo ko Joyce,dahil maagang namatay ang mga magulang niya na depressed siya, kaya ng iniwan siya ng girlfriend niya ay di niya kinaya ang lahat.Kaya ng mabalitaan ko na may isang katulad mo na dalagang babae na handang tumulong sa aming mga kaluluwa ay di ako nag aksaya ng panahon. Agad kita pinuntahan at kinausap. Di nga ako nagkamali sayo Joyce..ikaw ang naging susi sa para makatawid siya sa kabilang mundo.
Lo... Lolo anu po ang ibig niyong sabihin.
Kaya ako nag sinungaling sayo na nawawala siya ay para hanapin mo siya. Natupad nga yon at ang pinakadahilan ay upang mapaibig ka niya at mapaibig mo siya.
Oo Joyce yon ang mission ni Anthony para makatawid at maibalik ang kanyang mukha, ang makahanap ng taong magmamahal sa kanya sa ganoon niyang itsura.
Kaya Joyce patawarin mo ako at ang aking apo.. Sana maintindihan mo kung bakit ko nagawa ito sayo lahat. Ayaw ko na kasing nahihirapan pa ang aking apo.
Dahil sa pasasalamat ko sayo Joyce,lahat ng ari arian ko ay mapupunta saiyo.
Kausapin mo ang aking pinakamamhal na asawa,sabihin mo lahat ng mga nangyari.. Mabait iyon at mauunawaan niya ang lahay. Nararamdaman ko na rin na di na siya magtatagal pa dito. Wala na kameng iba pang mapagbibigyan ng aminh kayaman kaya sayo ko na ito pinagkakaloob, tanda ng pasasalamat ko sayo iha. ..Pero lolo lito....
Wag ka ng tumanggi pa Joyce.
Ikaw ang karapat dapat sa lahat ng iyon. Alam ko na gagamitin mo ang mga naipundar ko sa tama kaya pahalagahan mo sana..Lolo marame pong salamat sa lahat,umiiyak ko sabi.
Sige na iha ang mga habilin ko ay wag mong kakalimutan.. Ito na ang huli kong araw sa lupa..
Hanggang sa muli nating pagkikita sa kabilang mundo apo ko.Ginulo ni lolo lito ang aking buhok at hinalikan pa niya ako sa nuo.
Kumakaway pa siya at nakangiti ng ubod ng tamis, hanggang sa tuluyan ng nawala ang kanyang kaluluwa..
Nang makaalis na si lolo ay tumayo ako at nagtungo sa harap ng salamin..
Pinagmasdan ko ang aking mukha.
Patuloy parin ako sa aking paghikbi at ang mga mata ko ay magang maga na..
Pinikit ko ang aking mga mata at inisip lahat ng mga sinabi ni lolo lito.Napakaswerte ko at ako ang napili niya sa lahat ng mga ari arian na iniwan niya,pero ang puso ko.. Sa unang pag kakataon ay lubusang nasaktan..
Napadilat ako dahil sa may yumakap sa akin..
Pag kita ko sa salamin si Anthony na matamis ang ngiti sa akin..Nagtataka ako dahil sa unang pagkakataon ramdam ko ang kanyang mga bisig na nakayakap sa aking bewang....
BINABASA MO ANG
Ang boyfriend kong MULTO(completed)
Mystery / ThrillerAng pinangarap kong isang fairy tale na love story ay napunta sa isang horror story.. Ako si joyce Valdez,dinarayo sa aming lugar upang kumausap sa mga kaluluwang di matahimik. Tara samahan niyo akong kilalanin ang boyfriend kong MULTO.