25

1.4K 31 4
                                    

       Dedicated to juvilynboniol

Puting paligid ang aking namulatan. Napakasakit ng aking mga mata ng ito'y ilibot ko sa paligid. Pakiramdam ko ay ang tagal ko itong di naimulat.
Napatingin ako sa aking sarili naka gown ako ng isang pasyente at may benda ang aking ulo. Agad na bumalik sa aking isipan ang pagkakabaril sa aking dibdib,sa pangalawang pagkakataon ay walang bakas na nabaril ako. Asan na ang diwatang kausap ko.. Asan na ang boyfriend kung multo.

Narinig ko ang pag bukas ng pinto at gulat na gulat ang itsura ng aking kapatid..

Ateeee!!!!!  Pasigaw niyang sabi at yumakap sa akin..

Nay!!! Gising po kayo kalabit niya sa nanay kong natutulog.

Nay si ate gising na..
Agad naman na bumangon si nanay at maluha luhang yumakap sa akin..

Tonton anak tawagin mo ang doktor. Sabihin mo na nagising na ang ate mo.

Dali dali namang lumabas ang aking kapatid at agad bumalik na kasama ang doktor.

Agad akong eneksamin ng doktor. Nang matapos na siya ay ngumiti ito sa akin.

Ok na po ang anak niyo nanay.. Maari na po siyang lumabas ng hospital bukas na bukas,pero isang beses sa isang linggo ay magpapatingin parin po siya para sa kanyang recovery.
Maiwan ko na po kayo..

Nagtataka akong tumingin kay nanay..

Nay ano po ang nangyari sa akin.
Wala naman po akong tama ng baril sa aking dibdib..

Nagtatakang tumingin si nanay sa akin..

Joyce anak di ka naman nabaril..
Bakit mo ba naisip na nabaril ka.

Hindi po ako nabaril nay?
Ano po pala ang ginagawa ko dito, bakit may benda ang aking ulo.

Anak isang buwan ka ng comatose.
Nasagi ka ng isang kotse nong pumasok ka sa iyong trabaho. At ang ulo mo ay tumama sa isang matigas na bagay. Nag agaw buhay ka anak. Buti nalang ang nakasagi sayo ay may puso dali dali ka niyang tinakbo dito at siya rin ang gumastos lahat ng mga kailangan mo. Nag papasalamat ako anak at gumising ka na. Mangiyak ngiyak na sabi ni nanay..

Paano pong nangyari yon nay..

Pano po yong hinahanap ko na apo ni lolo lito nay..

Kunot noong tumingin si nanay sa akin..

Anak Joyce,anu ba naman yan mga pinagsasabi mo. Wala kang hinahanap na tao anak. Isa ka lamang simpleng empleyado na namamasukan sa bayan. Namimiss ka na ni mayor, palageng nagpapadala ng tao niya dito para kamustahin ang kalagayan daw ng secretary niya.

Sige na anak Magpahinga ka muna, mukhang sa tagal ng pagkakatulog mo ay marame ka ng nakalimutan.

Agad akong kinumutan ni nanay at umalis na sa aking tabi.

Gulong gulo ang aking isip..
Gusto ko ng lumabas ng silid na ito..
Gusto ko ng umuwe sa bahay.. Gusto ko ng makita si Anthony.
Bigla nalang akong naluha, na baka di ko na pala makita si Anthony,nung huli ko siyang makasama ay yon na ang huling araw niya sa mundo ko.
At nabaril pa ako.  .
Pero,paanong nangyari ang lahat ng iyon eh wala naman akong tama ng baril..
Gulong gulo ang isip ko hanggang tuluyan na akong nakatulog.

..........................................     
Also read:😉
*you and me
*manananggal ang asawa ko

Ang boyfriend kong MULTO(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon