10

1.6K 26 1
                                    

Manong ito po bayad ko sabay abot ng pera.

Nandito na ako ngayon sa harap ng isang bahay masasabi mo na may kaya ang pamilyang aceron.


Ah miss sino po sila, pwede po bang makita ang invitation niyo.

Ay kuya wala po akong invitation,kaibigan po ako ni Samantha.

Sorry miss pero kabilin bilinan po ng mag asawang aceron na di po kame pwedeng magpapasok ng di imbetado.


Kaya tumalikod na lang ako at nang pagtalikod ko ay may nakabangga akong lalaki.

Sorry miss, ok ka lang ba.

Ah,oo ok lang ako sorry din di kita nakita.
Sige mauna na ako..

Teka lang miss di ka ba papasok sa loob.

Eh kasi di naman ako papasukin kasi wala akong invitation.

Kilala mo ba si Samantha.

Oo kaibigan ko siya.

Ganon ba, parang babago lang kasi kita makita dito.

Pero dahil maganda ka naman at nagsasabi ka ng totoo tara sa loob,sabay hila sa akin ng lalaki.

Wait lang kuya sino po ba kayo.

Ako di mo kilala kala ko ba kaibigan mo si Samantha?

Ah eh kasi sa totoo lang may gusto lang akong sabihin sa kanya.

Kunot nuong tumingin sa akin ang lalaki.

Hinila niya ako sa may bakanteng mesa at umupo kame don.

Anu naman ang sasabihin mo sa kanya.

Medyo personal lang po.
Sino po ba kayo...

Kuya ako ni Samantha?
Kaya kung ano man ang binabalak mong masama sa kapatid ko wag mo ng ituloy...


Masama agad?
Di ba pwede may sasabihin lang ako...

Tungkol san naman..

Pwede po bang di sabihin sayo.

Sus miss sa gwapo kong ito, mukha bang di ako mapagkakatiwalaan.

Bigla nalang tumabi si Anthony sa lalaki at pailing iling itong nakatingin sa akin.

Ako nga pala si simon sabay lahad ng kamay sa akin.
At wag mo na rin akong i po kasi bata pa ako.
Im only 25..

Tinanggap ko naman ang kamay niya.

Joyce,21...

So anu, sasabihin mo na ba ang pakay mo sa kapatid ko..

Hindi parin...

Sige labas na ako mukhang di ko naman makakausap si Samantha ngayon dahil marame siyang bisita.

At nang tatayo na ako ay bigla niyang hinawakan ang aking kamay..

Wait lang Joyce,tatawagin ko si Samantha.
Mukhang importante ang sasabihin mo at di mo magawang sabihin sa akin..
Maupo ka muna dito at pupuntahan ko siya.

Ah ok lang simon, marameng salamat nalang sa susunod ko nalang siya kakausapin.

Tumayo na ako at nagmadaling lumabas ng kanilang bakuran.

Di ko namalayan na nakasunod pala si simon sa akin..

Bakit mo ba ako sinusundan.

Sino ka ba talaga..

Gusto mo ba talagang malaman kung sino ako..

Kaibigan ako ni Anthony?
Kilala mo ba siya..

Bigla itong namutla..

Anthony?
Yong nagpakamatay na ex ni Samantha..

Yap siya nga wala ng iba..

Wait lang Joyce pano mo naging kaibigan si Anthony?
Sa pag kakaalam ko walang kaibigang babae yon.

Nag ka kwentuhan lang kame tapos yon na...

Nagtatakang tumingin ito sa akin.

Pano kayo makakapag kwentuhan kung patay na siya..

Sa panaginip simon..

Nagpakita siya sa sakin sa panaginip.

Ikaw naman Joyce, marunong ka palang magbiro.

Sa tingin mo simon nagbibiro ako.
Hayaan mo kung magpakita siya sa akin,babanggitin kita.
Sige maiwan na kita..

Namumutla at nakatulala kong iniwan si simon.


Pumara agad ako ng tricycle at umuwe na.

Dumaretso ako ng aking silid..

Joyce bakit umuwe ka ng di man lang nakakausap si Samantha.

Anu ba Anthony,di mo ba nakikita na sobrang dameng tao don, pano niya ako papansinin.
Tsaka sino ba yong simon na yon..

Si simon kuya ni Samantha best friend ko at isa siya sa humadlang sa relasyon namin.

Ah kaya pala ng banggitin ko ang pangalan mo ay namutla siya.

Ganon na nga kasi nagkaron kame ng  di magandang pag uusap bago ako nagpakamatay.

Alam mo Anthony,bakit di mo nalang dalawin sa panaginip si Samantha para masabi mo ang gusto mong sabihin. Kasi kung ako ang kakausap sa kanya malamang di maniniwala sa akin yon.

Pero Joyce...

Wala ng pero pero Anthony..

Gawin mo na lang..

Pagtingin ko kay Anthony makikita mo ang lungkot sa kanyang mata..

Kaya tumalikod nalang ako at nagpunta ng banyo para magbihis.

Pag labas ko ng banyo ay nandon pa din si Anthony,nakahiga sa kama.
Tumabi ako sa kanya.

Anthony bakit nandito ka pa. Puntahan mo na si Samantha.

Di nalang Joyce,hanggang dito nalang siguro ang kalagayan ko. Di ko na talaga maibabalik ang mukha ko.

Sa tingin mo si Samantha ang magpapabalik ng mukha mo.

Siya lang naman ang naging parte ng buhay ko ng mga panahon na buhay pa ako.

Pano kung di pala siya..

Kung hindi siya, sino o anu naman ang mag papabalik ng mukha ko.

Ako... Ako.. Ako Anthony ang magpapabalik sa maganda mong mukha.

Agad naman akong napabangon at napatingin sa nagsalita..

Chelsie anong ginagawa mo dito..

Hi my love Anthony,nagulat ka ba.

Umalis ka na dito Chelsie,wala akong panahon na makipag usap sayo.

At sa babaeng ito may panahon kang makipag usap.

Teka nga lang kayong dalawa, pwede ba..

Lumabas na kayo, dito nanaman kayo mag aaway.

At wala na ngang nagawa si Anthony,hinila niya na si Chelsie palabas ng silid.

Ang boyfriend kong MULTO(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon