6

1.8K 37 3
                                    

Nagising ako ng may humila ng aking kumot.
Akmang kukunin ko sa ito ng may magsalita..


Wag kang tumingin...

Bakit mo ginagamit ang paborito kong kumot.

Kumuha ka ng ibang kumot mo.

Hindi ko na kailangan pang tignan kung sinong multo iyon walang iba si sungit multo. Di ko na siya pinag aksayahang tignan o kausapin pa. Pumunta ako sa aparador at nag hanap nalang ng panibagong kumot. At agad na humiga.,ngunit sa pag higa ko ay nakaramdam ako ng lamig.

Hoy babae di mo ba ako nakikita at agad ka nalang humiga.

Wala akong paki sayong panget ka, wag kang mag alala malaki naman tong kama na to,dyan ka sa kabilang gilid at dito ako. Kaiinis na panget na ito, multo na nga nakikipag agawan pa sa higaan...

Hoy babae anong binubulong mo dyan...

Wala..

Kaya pwede ba mag patulog ka naman.

Kaya dali dali akong tumagilid at pinag patuloy ang aking pag tulog.



Katok sa aking silid ang gumising sa akin..


Joice bangon ka na dyan, naka pag luto na ako ng ating almusal. Mag madali ka para madame kang mapuntahan ngayong araw..

Opo nay susunod na po ako..

Nang pag harap ko sa kabilang gilid ng kama ay nandon pa din si panget at natutulog ngunit akmang titignan ko ang mukha ng mag salita siya..

Sinabi ko ng wag mong titignan ang aking mukha.

Di ka rin makulit no.

O di wag?
Panget ka nga talaga..

At teka nga lang panget,

Bakit naririto ka pa lupa kung matagal ka ng patay.
Pumunta ka na sa kabilang mundo.

Malungkot na nagsalita ito.
At sa unang pag kakataon ay mahinahon..

Hindi ako tinaggap don. Dahil nagpakamatay daw ako. Hindi ko daw hinintay ang talagang pagkamatay ko. May mission pa daw akong dapat na gampanan bago ako makatawid.

Umupo ako sa gilid ng kama bago tumingin sa kanyang likuran...

Ano naman ang mission mo.

Alam mo ba kung bakit ayaw kung ipakita ang mukha ko sayo.

Dahil puno ito ng mga dugo. Ayaw kung matakot ka sa akin..
Maalis lang daw ito pag may ginawa akong maganda at tumulong sa tao.

Pano ko gagawin yon kung magpapakita naman ako ay matatakot sila sa akin.

Gusto ko mang tumulong kaya lang mas nauuna ang takot nila.

Magtiwala ka sa akin promise di ako matatakot sayo gusto rin kitang tulungan,humarap ka sa akin.

Ngunit di pa rin humarap.

Sa tingin mo makakaya mo akong tignan ng matagal.

Oo ng ako'y nabubuhay pa ay gwapo ako,pero iba na ngayon.

Unti unti lang babalik ang aking mukha sa dating itsura kung gagawa ako ng mabuti.
Pero malabo na iyong mangyari.

Umalis ako sa pag kakaupo sa kama at pumunta sa kanyang harapan.
Nakayuko ito kaya di ko makita ang kabuoan ng kanyang mukha.


Gusto kong makita ang mukha mo.
Promise di ako matatakot sayo.

Kaya unti unti niya itong inangat.
Sa una nanlaki ang aking mga mata pero di ko iyon pinahalata.

Talagang marameng matatakot sa itsura niya.
Para ng maaagnas na mukha at puno ito ng dugo.

Diba di ako natakot sayo.

Sige ganito nalang. ..

Tulungan mo akong hanapin ang taong hinahanap ko. Malay mo isa ito sa mga mabuti mong magawa at bumalik ang mukha mo sa dati.
Kaysa nandito ka lang sa bahay at nagkukulong. Di ko rin kabisado ang mga lugar dito,ikaw ang magiging tour guide ko. Ngunit pag nasa labas na tayo ikaw lang ang magsasalita. Di kita pwedeng kausapin at baka mapag kamalan pa akong baliw.

Ok na ba sayo yon.

Sumangayon naman si Anthony sa akin at dali dali na akong nag almusal at nag bihis bago nag simulang maghanap.

Ang boyfriend kong MULTO(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon