Nag desisyon ako na gagawin ko nalang ang inuutos ni lolo lito.
Baka lalo lang niya akong di patulugin at lageng puntahan.Nagbitaw na ako sa aking trabaho. Sinabi ko lahat ng mga ito sa aking magulang sa una ay tumutol pa sila pero pinaliwanag ko sa kanilang mabuti at sayang din naman ang milyones na mapupunta sa akin.
Nang makausap ko ang abogado ni lolo lito ay agad akong pinapirma at binigyan ng kalahating milyon para gamitin ko sa pag hahanap sa apo ni lolo lito.
Ngayon ako ay kasalukuyang patungu sa batangas.
Naka sakay lang ako sa bus kahit pinipilit ako ni atty santos na gamitin na ang sasakyan nila lolo lito.
Nang nasa stasyon na kame ng bus ay agad akong bumaba at nagtanung kung san ang lugar papuntang san nicolas.
Nang malaman ko na kalahating oras pa ang papunta don ay nag rent nalang ako ng aking masasakyan patungo don.Makalipas ang kalahating oras ay narating ko na ang san nicolas.
Naghanap ako ng aking matutuluyan.
May nakilala akong matandang babae at sinabihan na don nalang ako sa kanilang bahay mag rental dibale daw ay nag iisa lang siya sa bahay.
Dahil sa mabait naman ang matanda at nakapalagayan ko na din ng loob ay pumayag ako.Nang makapasok ako sa kanyang bahay ay nangsitayuan lahat ng balahibo ko..
Kaya agad akong napaatras..
O Joyce iha may problema ba.
Kasi po nay chayong may kakaiba po akong nararamdaman dito sa bahay niyo..
Naku iha halika maupo ka muna dito at pag kukuha kita ng maiinom mo.
Maya maya ay dumating na si nanay chayong na may dalang juice..
At umupo siya sa aking tabi..
Joyce naniniwala ka ba sa mga kaluluwa..
Bakit naman niyo po naitanong...
Kasi kaya ako lang ang nag iisa dito sa bahay na ito dahil natatakot sila sa akin at alam nila ay nababaliw ako. Kaya ito tumanda akong dalaga.
Alam mo ba na nakakausap ko at nakakakita ako ng mga ligaw na kaluluwa..Nay chayong parehas po pala tayo ng kapalaran..
Nagtatakang tumungin ito sa akin..
Tama po ang iniisip niyo nay. Ako man po ay ganyan sa inyo pero po kahit ganito ako ay minahal parin ako ng aking pamilya.Tumutulong din po ako sa mga kaluluwang nakikiusap sa akin.
Kaya nga po ako nandito ngayon dahil may naki usap sakin na kaluluwa na pinapahanap ang kanyang apo..
Ganon ba Joyce,salamat naman at di ka natatakot iha. Alam ko na mahirap ang kalagayan natin pero sana ay maging matatag ka na katulad ko.
Opo nay chayong,hayaan niyo po di po ako katulad ng iba dyan na madaling maghusga ng tao.
Halika na iha at ihahatid na kita sa iyong magiging silid.
Nang makapasok na ako sa silid ay lalo akong tinaasan ng balahibo..
Nay, bakit po ganito ang nararamdaman ko dito sa kwartong ito.
Naku iha diba matapang ka naman at ok lang na makakita ka ng kaluluwa.
Po.. Anu pong ibig niyong sabihin..
Itong silid na ito ay silid ng paborito kong pamangkin.
Alam niya ang kalagayan ko at siya lang ang nakakaintindi sa akin..Asan na po siya nay...
Halika iha umupo ka dito sa tabi ko.
Nag pakamatay siya iha, mismong dito sa silid na ito.
Po...
Bakit naman po.Masipag, mabait at mapagmahal ang pamangkin kong yon..
Nagmahal siya Joyce.
Sa una naging masaya naman siya sa pakikipag relasyon niya at ok naman sila ng naging nobya niya. Hanggang sa dumating ang isang araw ay niloko siya ng nobya niya at sumama sa iba. Ayon dahil sa pagiging depress niya sa mga pangyayari nadadnan ko nalang siya dito sa silid niya na nagpakamatay.
Nag bigti siya Joyce.Nang dahil sa babaeng yon ang mga pangarap ng mahal kong pamangkin ay naglaho na rin.Nakakalungkot naman po ang nangyari sa kanya nay.
Oo nga Joyce kahit ako hindi ako makapaniwala na magagawa niya yon pero nangyari na..
Paano iha magpahinga ka muna dito at alam kung pagod ka sa iyong biyahe. Kakatok nalang ako sayo pag nakapag luto na ako.
Sige po nay chayong,marame pong salamat ulit..
Nang mapag isa ako sa aking silid ay nagtungo na ako sa banyo at naglinis na ng katawan...
Nang matapos ako ay agad akong lumabas ng banyo ngunit laking gulat ko ng may nakita akong nakatalikod na lalaki....
nakaupo sa aking kama.......
BINABASA MO ANG
Ang boyfriend kong MULTO(completed)
Misterio / SuspensoAng pinangarap kong isang fairy tale na love story ay napunta sa isang horror story.. Ako si joyce Valdez,dinarayo sa aming lugar upang kumausap sa mga kaluluwang di matahimik. Tara samahan niyo akong kilalanin ang boyfriend kong MULTO.