"Asan ako!!! "
Nang pang masdan ko ang aking sarili nakaputi akong damit at walang suot na sapin sa paa..Puro puno ang aking nakikita at tuwid lang ang daan..
May naaaninagan ako sa dulo ng daan na sobrang liwanag..
Nagpatuloy ako sa pag lakad kahit pagod at masakit na ang aking paa..
Nang makarating ako ay nakita ko ang diwata..
Ikaw!!!
Tama ikaw nga ang diwata na Nagpawala ng aking malay?Anung ginawa mo sa akin, bakit wala akong matandaan.
Bakit patay na ang pinakamamahal ko. Ano ang ginawa mo sa amin..Lumapit sa akin ang diwata..
Joyce patawad...
Ano ang ibig mong sabihin...
Ang kakambal ko ang may kagagawan ng lahat.
Kinulong niya ako sa isang lugar kung san di ko magagamit ang aking kapangyarihan.
Joyce ginamit niya ang katawan mo para makapaghiganti sa akin.
Patawad kong ikaw pa ang nagdusa kaysa sa akin.Ano ba? Gulong gulo na ako...
Di ko na alam ang mga nangyayari sa akin at sa paligid ko..Alam mo ba yong araw na binabantayan mo ang lola ni christian...
Ang kambal ko iyon..
Siya ang may kagagawan ng lahat kung bakit ka nawalan ng malay ng isang taon.Sa aming mundo ay pumipili kame ng isang nilalang para maging kanang kamay namin pag dating ng araw.. At ikaw Joyce ang napili ko. Dahil nalaman ng kakambal ko na may busilak ka ng puso kaya naiingit siya sa akin.
Kinulong niya ako sa isang lugar..
Isang taon din akong nagdusa tulad mo.
Ginamit niya ang katawan mo para maging masama. At nag tagumpay nga siya.. Nalason niya ang utak ni Christian kaya nagpakamatay ang nobyo mo.Dahil nakabalik na ako ay bigla nalang bumalik ang dating ikaw ngunit huli na ang lahat... Nagawa na ng kambal ko ang plano niya na maging masama ka sa mata ng kapwa mo.
Patawarin mo ako Joyce,wag kang mag alala babawe ako sayo...Paano ka pa makakabawe sa akin,wala na ang taong pinakamamahal ko.
Joyce makinig ka..
Magmula ng lumabas ka ng pinto ng kaharian ko,pinaranas kong muli sayo lahat ng kasiyahan.Pinaalala ko kung anung mayron buhay ka noon at kung paano mo nakilala si christian.
Lahat ng mga iyon ay totoo.
Di ba naguguluhan ka pa nga kung bakit lahat ng mga nakilala mo ay iisa..
Si christian at Anthony ay iisa Joyce...
Christian Anthony ang totoo niyang pangalan. At ang lolo niya ay nagpakilala lang sayo dati na lito pero joselito talaga ang pangalan.Pero diwata ano po ba talaga ang gusto niyong iparating..
Binalik ko lang ang unang buhay mo..
Pagbabalik tanaw sa nakaraan Joyce..
Kung paano ka namuhay noon at kung paano ka nakisalamuha sa mga kaluluwa..
Halika may isa ka pang dapat malaman.
At hinawakan niya ang aking kamay...
Bigla niyang inikot ang kanyang kamat at may isang pintong lumabas.
Halika na Joyce,buksan mo ang pinto.
At binuksan ko nga ito.
Katulad ng dati marameng tao at may kabaong sa gitna..
Tumingin ako sa diwata..
Bakit binalik mo ako dito.
Oo alam ko ng patay na ang pinakamamahal ko, anu pa bang hirap ang gusto mong iparating sa akin..
Hindi ko na kaya ang balikan ang nakaraan ko.. Kaya nakikiusap ako sayo mahal na diwata..
Dalhin mo ako sa kasalukuyan kong buhay..
Ayaw ko nang bumalik dito..Pilit na ngumiti sa akin ang diwata.
Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at pinakatitigan akong mabuti..
Joyce alam ko ang hirap mong pinagdaan, kaya nga narito ako ngayon bumabawe sa lahat ng mga nagawa kong kasalanan sayo.
Huling hirap na ito Joyce,matapos itong gabing ito puro saya na at katotohanan ang ibibigay ko.Isa lang ang hiling ko.
Lapitan mo ang kabaong na yon,para matapos na ang pag hihirap mo.
BINABASA MO ANG
Ang boyfriend kong MULTO(completed)
Misterio / SuspensoAng pinangarap kong isang fairy tale na love story ay napunta sa isang horror story.. Ako si joyce Valdez,dinarayo sa aming lugar upang kumausap sa mga kaluluwang di matahimik. Tara samahan niyo akong kilalanin ang boyfriend kong MULTO.