30

1.4K 19 0
                                    

Magmula ng bumalik na ako sa pag tatrabaho ay  walang tigil ang paghatid at pagsundo sa akin ni christian.
Nagpaalam naman na siya kay nanay na manliligaw sakin kaya tuwang tuwa sila ni tonton.
Masarap sa pakiramdam na ang multo mong boyfriend ay isa ng totoo at nagsisikap para sagutin mo. Namimiss ko tuloy ang paraan ng pagliligaw sa akin ni Anthony,kaya kahit anong pilit ko para makalimot sa kanya ay di ko magawa dahil sa katauhan ni christian.

O anak malalate kana wala pa ba ang sundo mo?

Wala pa nga po nay?

Ngayon lang pumalya sa paghatid sa akin si  christian, tinignan ko ang aking cellphone ngunit wala ni isang txt don.

Yan kasi di pa sagutin si kuya christian kaya nagsawa na sa paghatid at sundo sayo, si tonton na bigla nagsalita habang nanonood ng tv.

Tinignan ko lang siya ng masama.

Nay mag tricycle nalang po ako, pakisabi po kay christian pag dumating siya na nauna na po ako.

O siya sige anak sasabihin ko nalang, mukhang busy ang batang iyon at di ka nasundo.

Pumasok ako sa aking trabaho na malungkot, tama nga siguro si tonton nagsawa na ito sa pagliligaw sa akin..

Morning Joyce,bati sa akin ni mela kapwa secretary ko din..

Pilit akong ngumiti sa kanya at pumunta sa aking pwesto na malapit sa kanya.

Mukha atang di maganda ang gising natin..

Ah wala ito mela may na miss lang akong bigla.

Bakit nag away ba kayo ng boyfriend mo?

Pinanlakihan ko siya ng mata.

Wala akong boyfriend mela..

Eh sino yong gwapo na lagi mong kasama..

Kaibigan lang..

Lumang salita na yan joyce, tigilan mo ako sa ganyang arte...

Magsasalita pa sana ako ng dumating na ang mga body guard ni mayor tanda na dito na siya.

Nakangiti namin siyang binati at nagulat pa kame dahil hindi siya nag iisa. May kasama ito na gwapong lalaki na halos kaedad lang namin ni mela. nang tumapat siya sa akin at akmang babatiin ko ay kumindat lang ito. Kaya di ko agad nabati dahil sa pagka bigla ko,kung di pa ako pa simpleng binulungan ni mela ay tulala pa ako. Kaya ang loko ay tatawa tawang sumunod kay mayor.

Hoy Joyce?
Anu bang mayron ka at habulin ka ng gwapo ngayon.

Ewan ko sayo mela,tigilan mo na ako magsisimula na akong magtrabaho..

Dahil sa tambak ang aming gawain ay di ko namalayan ang oras.

Kung di pa ako lapitan ni mela ay di ko pa alam na labasan na pala..

Ay anu yan Joyce,OT lang...

Nang tignan ko ang orasan ay alas singko na ng hapon.

Hindi ah uuwe na din ako.

O siya sige,mauna na ako sayo.

At nang makaalis na siya sa harap ko ay dali dali ko ng pinatay ang aking computer at lumabas na rin.

Akmang papara na sana ako ng tricycle ng may humintong sasakyan sa harap ko.

Dahil di pamilyar ang sasakyan na ito na napaatras ako.

At nang bumaba ang salamin ng sasakyan,si christian na matamis ang ngiti.

Sakay na..

Agad naman akong sumakay at sinara ang pinto.

Nagulat pa ako ng biglang abutan niya ako ng bulaklak.

Sorry di kita nasundo kanina may biglang emergency lang sa opisina.

Ah ok lang sana di kana nag abala pa dito.
Sabay taas ng bulaklak.

Bigla siyang lumapit sa akin. Seryosong nakatitig kaya pigil ko ang paghinga ko hanggang sa igalaw niya ang kanyang kamay at kinuha ang aking seatbelt at siya ang nagkabit.

Nakalimutan mong ikabit sabay ngisi niya sa akin at pinaandar na ang kotse.

Bigla ko nalang nahawakan ang aking dibdib at huminga ng sobrang lalim..

Nang makabawe ako ay tinignan ko siya ng seryoso..

Nagtama saglit ang aming paningin at muli niyang binalik sa daan ang tingin.

Sorry,namiss lang kita.

Kaya imbes na magalit ako ay namula ang aking pisnge at kinilig.

Naalala ko ang sinabi ni tonton kanina..
Kaya pag tinanong niya ako tunggkol sa nararamdaman ko ay di na ako magpapakipot pa.

Ang tahimik mo naman..

Kamusta ang  trabaho, marame ka bang ginawa.

Ok naman,medyo natambakan kame ngayon ng gawa dahil may pagdiriwang sa kabilang bayan.

Ah ganun ba at biglang nalungkot ang mukha niya ng tignan ko.

Bakit?  Masama ba ang pakiramdam mo? Sana di mo nalang ako sinundo.

Hindi ok lang ako. Ayain sana kitang kumain..
Mukhang pagod ka naman.

Ah ok kung yan ang gusto mo, txt ko nalang si nanay na malate ako ng uwe.

Wag na Joyce?

Ha!!! Bakit naman? Mag aalala yon sakin.

Kasi nanggaling na ako don kanina bago kita sunduin,pinaalam na kita.

Kunot noo ko siyang tinignan.

Ikaw ha?may plano ka na pala na kakain tayo tapos patanong tanong kapa..

Baka kasi di ka pumayag eh, sabay tingin saglit sakin ng nakangiti.

Dahil sa pag ngiti niya ay lalo lang akong kinikilig.
Kaya di ko nalang siya inimik hanggang sa dumating kame sa bahay nila...

Ang boyfriend kong MULTO(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon