“hayaan mong tulungan kitang kalimutan mo siya.” si Ghyan.
Napatulala ako kay Ghyan, nababaliw na ba siya? Seryoso na siya? Kaya ba siya bumalik ditto ay para talaga makipagbalikan sa akin?
“Hindi ko kailangan ng tulong ng kahit sino.”
“Mahal kita, at lahat gagawin ko para hindi ka na masaktan ulit, bigyan mo lang ako ng karapatan para patunayan iyon sa’yo.”
“Mahal ko si Kiro, umaasa pa din akong magkakabalikan pa rin kami.” Lumungkot ang mukha niya, alam ko nasaktan ko siya pero ayokong magsinungaling.
“Bigyan mo ko nang kahit isang linggo lang, kapag hindi mo ako natutunang mahalin ulit, aalis ako kahit hindi mo sabihin.”
Nababaliw na siguro talaga siya. Sasang-ayon ba ako para mapatunayan niyang hindi na talaga ako babalik sa kanya? “Hayyyyyyyyyyyyyy” Huminga ako ng malalim. “Sige, pero wag mo akong sisihin kung anuman ang maging resulta nito, ikaw ang may gusto nito. Kapag sa loob ng isang linggo matutuhan ulit kitang mahalin, magiging girlfriend mo na ako ulit, pero kapag hindi, aalis ka na at hindi mo na ako guguluhin pa. ” alam ko naman kung anong magiging resulta nito eh. Lalayuan niya ako pagkatapos ng isang lingo.
“Salamat sa pagtanggap mo ng alok ko.”
“Tara na, gusto ko ng bumalik sa bahay.”
Naglakad na kami pabalik sa bahay. Nang makarating kami sa harap ng gate ay tumigil si Ghyan.
“ Hinatid lang kita, uuwi na din ako. Napagod ako sa biyahe eh, dumiretso ako agad kasi gusto na kitang makita.” Iyon lang at tumalikod na siya, sinundan ko na lang siya ng tingin bago ako pumasok sa loob ng bahay.
“Bakit hindi na pumasok si Ghyan? Tinarayan mo na naman ba ang kababata mo?” si mama ang nagtanong, ang alam niya kasi dati aso’t-pusa kami ni Ghyan, hindi niya alam lambingan na naming yong dalawa. Ang bad ko no? hindi alam ni mama na naging kami ni Ghyan, pano ba naman kasi 15 pa lang ako non, sigurado yari ako kapag nalaman. Pero hindi pala siya bawal, akala ko lang pala iyon, higit na mabait pala talaga ang mama ko sa lahat ng mabait :)
“Napagod daw po siya sa biyahe, kaya iyon umuwi na, gusto niya lang daw talaga akong makita at si Moo.”
“Bakit iniwan niyo si Makie dito?” napangiti ako, narinig ko na naman ang binigay na palayaw ni mama kay Moo, siya lang tumatawag ng ganyan sa bestfriend ko.
“ Tita, nagpaiwan po talaga ako ditto, gusto ko kasi ako lang ang kumain ng meryendang ginawa niyo eh.” Niligtas ako ni Moo haha.
“Sige maiwan ko na ulit kayong magbestfriend dyan, magluluto ako ng hapunan, ditto ka na kumain Makie.”
“ Kunwaring masaya ah, hindi alam ng mama mo na hiwalay na kayo ni Kiro?”
“huwag mong lakasan ang boses mo moo, hindi pa nga alam ni mama, ayokong ipaalam.”
“Kasi umaasa ka pa din na magkakabalikan kayo? Mga babae nga naman talaga.”
“Kala mo siya hindi ganito dati, ganito ka din sa ex mo eh.” Natahimik si moo, tumawa naman ako. Naiba din ang usapan sa wakas.
Nagkwentuhan lang kami ng kung anu-ano ni moo, hanggang sa makaluto si mama at kumain na kami. Nang umalis si moo ng mga 10pm ay masaya na ako, ganoon talaga ako, pagkatapos ko umiyak puro tawa na ako niyan.

BINABASA MO ANG
I HATE YOU THEN I LOVE YOU *fin*
Teen Fictionayoko na sayo .. hindi na kita mahal .. ay hindi, mahal pa rin kita .. pero ayaw na kitang mahalin!