Chapter 23:

817 15 3
                                    

Tahimik lang akong nanunuod ng TV,ayokong kausapin si ate Jessie dahil nararamdaman kong galit siya sa akin. Kanina kasing dumating ako at kinausap ni tita ay nakikita ko siyang iniismiran ako. Siguro ang mama na lang nila ang hindi pa nakakaalam na hindi na kami ni Chloe.

 Hinihintay kong dumating si Chloe. Ang tagal din naming hindi nagkita, finally makikita ko na siya.

Natigil ako sa pag-iisip ng pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin. Titingin sana ako kay ate Jessie pero nakita ko si Chloe nakasandal siya sa hamba ng pinto at nakatingin sa akin.

Lumapit siya sa akin at hinila ako papunta sa kwarto niya.

“Bakit nagpunta ka pa dito?” tanong niya sa akin.

“May pasalubong kasi si mama para sa inyo, hinatid ko lang.”  pagdadahilan ko, pero ang pinakadahilan talaga ay gusto ko siyang makita.

 “Bakit kailangan mo pa akong bigyan ng ganito? Hindi mo naman ako girlfriend ah.” Ito talagang babaeng ‘to andami pang sinasabi hindi na lang tanggapin ang bigay ko..

“Galing yan kay mama, hindi sa akin.” Sabi ko na lang kahit ang totoo ay sa akin galing ang kwintas na iyon.

“Okay..dapat iniwan mo na lang kay mama, hindi yong hinintay mo pa ako.”

Gusto nga kasi kitang makita. Gusto ko sanang sabihin sa kanya, pero nagdadalawang-isip ako.

“May nasabi kasi sa akin si tita” ngumiti ako ng nakakaloko. “Hindi mo pa daw sinasabi na hiwalay na tayo?” Iyan ang sabi ng mama niya eh, nag-usap na kasi kami kanina at ang sabi nga ni tita ay nagtatampo daw siguro sa akin si Chloe.

 “Oh, bakit nandito ka pa? nabigay mo na diba? Pwede ka ng umalis.”

Kaya niya na akong ipagtabuyan ngayon :(

“Ikaw kaya ang naghila sa akin papunta dito sa taas.” Sabi ko, naiinis kasi ako sa pagtanggap niya sa akin,hindi ganito ang ini-imagine kong treatment na ipapakita niya sa akin. Pero ano pa nga bang magagawa ko, hiwalay kami ngayon kaya dapat lang na maging cold ang treatment niya sa akin.

“May topak na naman po si Chloe, sige na aalis na ako. Goodnight sayo.”

Nginitian ko na lang siya bago ako lumabas ng kwarto niya.

Bumaba na ako at nagpaalam sa mama ni Chloe at kay ate Jessie bago ako tuluyang umalis sa bahay nila.

Nang nasa bahay na ako ay nakaramdam ako ng kalungkutan, ako na naman mag-isa ditto sa bahay. Hindi ko na makakasama si mama, nakakalungkot dahil hindi ko din pwedeng makasama si Chloe dahil hiwalay na kami talaga. May mahal na siya at hindi na ako iyon.

“Bakit nandito ka pa?” si ate Jessie

Hindi na lang ako kumibo. Ayokong kausapin siya dahil alam kong galit siya sa akin.

“May boyfriend na si Chloe, bumalik yong first love niyang si Ghyan. Mas gusto ko iyon kesa sa’yo, si Ghyan lagi siyang gumagawa ng paraan para maging masaya si Chloe, hindi katulad mo na sobra kung manakit.”

May boyfriend na si Chloe, hindi na nito nahintay ang pagdating niya. Bumalik daw ang first love ni Chloe, anong magagawa niya eh ex-boyfriend na lang siya. Tama na din siguro iyon, para hindi masaktan si Chloe nang dahil sa kanya.

Nagsulat siya sa dairy nila ni Chloe, hindi niya iyon madalas sulatan. Pero ngayong pakiramdam niya ay wala siyang masabihan, tama lang siguro na doon niya ilagay lahat ng nararamdaman niya. Pagkatapos magsulat ay natulog na siya.

I HATE YOU THEN I LOVE YOU *fin*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon