Nagising ako dahil sa katok sa pinto. Hindi mahilig manggising si mama, ano kayang problema?
“Bakit po ma?”
“Nasa baba si Ghyan, bumangon ka na dyan at wag mo na siyang paghintayin.”
Napabalikwas ako ng bangon, si Ghyan nandito? Siya ang laman ng isip ko kagabi bago ako matulog. Anong ginagawa niya dito?
Bumangon ako agad sa kama ko at nag-ayos, nang makuntento na ako sa hitsura ko ay agad akong nagpunta sa baba.
Nakaupo lang siya sa sofa, at nang makita niya ako ay ngumiti siya.
Sinuklian ko ang ngiting binigay niya sa akin, umupo ako sa tabi niya.
“Anong ginagawa mo dito?”
“Pwede bang samahan mo ako sa bahay?”
“Wala ka bang pasok?” parang ewan lang ang tanong ko, malamang wala siyang pasok Linggo ngayon eh. “Bakit ako?” tanong ko na lang sa kanya.
“Nasanay kasi ako na lagi kitang kasama kapag wala akong pasok eh.”
Huminga ako ng malamim. Ano ba tong taong ‘to, hindi siya makakamove-on sa ginagawa niya.
“Please…”
Mahihirapan lang siya sa ginagawa niya, pero bahala na. Last time na ‘to na papayagan ko siya, may mga gusto rin siguro siyang sabihin sa akin.
“Sige, sasama ako sa’yo.”
![](https://img.wattpad.com/cover/1499875-288-k311244.jpg)
BINABASA MO ANG
I HATE YOU THEN I LOVE YOU *fin*
Fiksi Remajaayoko na sayo .. hindi na kita mahal .. ay hindi, mahal pa rin kita .. pero ayaw na kitang mahalin!