Chapter 2: peace honey :)

1.4K 39 9
                                    

Kinabukasan

Nagising si Kiro dahil sa nararamdaman niyang may humahalik sa kanyang mukha. Nabungaran niya ang mukha ng babaeng pinakamamahal niya.

“Good morning baby, bangon na tanghali na.” Nakangiting bati ni Chloe sa binata.

“Good morning din baby, ang aga mo yata ngayon?”

“Bumabawi lang ako, may kasalanan ako sayo kagabi eh, hihi. Sorry talaga kagabi ah. Sobrang love lang talaga kitakaya ko ganun.”

“Hindi ka na galit?”

“Hindi naman talaga ko galit eh, hindi ko lang matanggap yong balita na aalis ka na. Kaya ako nandito ngayon para sulitin ang mga panahong magkasama tayong dalawa.”

“Wow matured na ang baby ko, hindi ka na bagay maging baby, honey na lang talaga itatawag ko sayo”

“Hmp! ang bad mo saken, gusto ko baby mo padin ako.”

“HONEY HONEY HONEY”

“Ay nakakainis naman ‘to ang lakas ng trip. Kumain na tayo pinagluto na kita ng almusal mo.” Hinila niya ang binata papunta sa kusina.

“Sana hindi sunog hahahahaha…. Araaayyyy!”

Napaaray si Kiro dahil kinurot ni Chloe ang tagiliran niya.

“Kung ayaw mong kumain edi ako na lang ang kakain, ayaw mo pala ng sunog eh.”

“Bakit sunog ba talaga hon?”

“Bakit anong akala mo sa akin laging palpak? Nagpapractice naman ako magluto kahit papano.”

Hinanda niya ang pinggan at sinandukan ito. Habang naglalagay siya ng pinggan sa plato nito ay nagtanong siya sa binata. “Honey, kelan ba ang alis mo?”

“Sa November 4, bakit?”

Nagbilang sa daliri si Chloe “24, 25, 26, 27, 28, 29, 30, 31, 1, 2, 3, 4. May twelve days ka pa dito sa Pilipinas, hmm. Ano kaya magandang gawin natin?”

“Ano na naman iniisip mo ah?”

Tiningnan ni Chloe ng masama ang binata.

“Babatukan kita diyan eh, anu ba iniisip mo? Masyado ka, sinabi ko na sa’yo na sa kasal ko na iyon ibibigay sayo eh, di ka pamakapaghintay. Atat ?”

“Grabe ka ah, kung anu-ano na pinag-iisip mo, wala kayang malisya yong tanong ko. Yong utak mo nakapunta na sa milky way yong saken palabas pa lang ng pinto.”

Natawa bigla ang dalaga. “Haha paranoid lang ako masyado, yan kasi nasa isip kong isasagot mo pag nagtanong ako kung anong gagawin natin eh.”

“Ikaw pala dyan ang may utak alien eh. Tingnan mo nagkukulay dahon ka na, ang green kasi ng isip mo.” Natawa na din si Kiro kay Chloe.

“Erase-erase, wala na ko sinabi ah! Anu nga ba talaga ang pwede nating gawin?”

“Pumunta tayo sa mga lugar na naging part ng relationship natin, iyon kaya?

“Gusto ko pumunta sa school natin dati! Tama doon! Ang galling talaga ng honey ko, payakap nga ako.”

Tumayo si Chloe at niyakap ang binata mula sa likuran nito.

“Honey ang sarap ng luto mo ng sinangag ah, marunong ka na talaga magluto. Ano kaya kung magpakasal na tayo bago ako umalis?” biro ni Kiro.

“Ang pangit naman ng pagpopropose mo, saka na tayo magpakasal mag-aaral pa ko at mag-iipon noh.”

“Binibiro lang kita.”

“ah so, hindi ka na magpapakasal sakin?”

“Ang paranoid mo ngayong araw na to ah. Hindi yon yung ibig kong sabihin, hindi muna tayo dapat magpakasal kasi di pa tayo tapos.”

“Ah okay, okay. Bilisan mo na kumain honey, masarap tumambay sa freedom park pag mga bandang 10 ng umaga.”

Kumain at naligo na si Kiro. Mga 9:30 ay tapos na siya. Pumunta na sila sa school nila noong high school sila.

Nakatambay na sila ngayon sa frredom park.

“Grabe namiss ko ng sobra itong school, namiss ko maging high school. Yong tipong ayos lang kahit wala kang assignment kasi siguradong papasa ka basta may mataas kang exam. Namiss ko din yong mga [[experience natin dito. Puro pa tayo kalokohan dati pag nagpapractice, ngayon hindi na pwede yong ganun.” Mahabang litanya ni Chloe, tumingin siya kay Kiro. ”Honey, kung matalas memory mo, ano meron sa freedom park na to, at bakit gustong-gusto ko?”

Nag-isip ang binata bago sumagot. “Una, siguro dahil sa preskong hangin dito. Iyon din yong isang gusto ko dito eh. Pangalawa, sa naalala ko klase natin sa MAPEH non, tapos father’s day non. Nagrecite ka sa harap kinikwento mo samin yong papa mo, tapos umiiyak ka na pagkatapos mo magsalita. Unang lingo pa lang ng klase napansin na agad kita non. Iyon din siguro yong nag-udyok saken para alagaan ka, parang sinasabi ng puso ko non gusto kong protektahan sa lahat.”

Nagulat si Chloe, hindi niya alam ang bagay na yon, hindi niya alam na ganun pala ang naging epekto niya kay Kiro. “Talaga? Bakit hindi ko yun alam? Andaya mo naman, may hindi ka pa pala sinasabi saken.”

“Wait meron pa, baka mamaya sabihin mo kinakalimutan ko eh, dito din sa freedom park na to nangyari yong first hug natin sa isa’t-isa. Intramurals non at pinipilit tayo ipakasal ng classmates natin, sa sobrang kulit mo na out balance ka at nayakap kita bigla. Kahit nakapiring yong mata mo noong time na iyon nakikita pa rin yong blush ng mukha mo.” Niyakap siya ng binata. “I love you so much honey”

I HATE YOU THEN I LOVE YOU *fin*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon