Nagising ako ng may naamoy akong alchohol. Nakita ko si Michael.
“Moo…” biglang bumalik sa isip ko ang sinabi ni ate Jessie, agad akong tumayo at hinanap ang clutch bag ko. “Moo, pumunta tayo sa hospital. Gusto kong makita si Kiro.” Sabi ko sa kabila ng pag-iyak. “Kailangan niya tayo ngayon”
Umiling lang si moo.
“Moo, samahan mo ako sa ospital… please nagmamakaawa ako sayo.”
“Nahimatay ka na kanina, ayokong himatayin ka ulit mamaya.”
“Pipilitin kong hindi himatayin, samahan mo na ako kay Kiro, gusto ko kasama niya ako ngayon.”
Naawa siguro sa akin si Moo, kaya kahit ayaw niya akong papuntahin sa ospital, sinamahan niya pa rin ako. Habang nakasakay sa taxi, hindi ko mapigilang hindi umiyak. Ang sakit-sakit!
Aalis siya, iiwan niya na naman ako, hindi niya ba naisip na masasaktan at iiyak pa rin ako kapag nabasa ko yong diary niya. Kung hindi siya naaksidente, baka hindi ko pa siya naabutan.
Pagdating ko sa ospital, nandoon si mama, pati si ate Jessie nandoon din.
Bakit sila umiiyak? Ang lakas ng kaba ng dibdib ko, lakad-takbo ang ginawa ko para makarating kaagad ako kay mama.
“Ma, anong nangyari?” tumingin sa akin si mama, at agad akong niyakap.
“Chloe…” hindi niya pa nasasabi ang gusto niyang sabihin, bigla na lang siyang humagulgol.
“Ma, anong nangyari? Sabihin mo sa akin kung anong nangyari…”
“Si Kiro…
patay na siya..”
What?
Si Kiro?
Naglandas na naman ang mga luha sa mga mata ko.
“Ma, hindi totoo yong sinasabi niyo di’ba?”
Hindi siya sumagot, niyakap niya lang ako.
Hindi to totoo diba? Nagsisinungaling lang si mama, hindi yon totoo, hindi ako naniniwala.
“Ma, sabihin mo na hindi totoo yong sinasabi mo, di’ba hindi yon totoo?” nakatingin ako kay mama, nagmamakaawa ang mga mata kong nakatingin sa kanya, umiling lang siya. Tumingin naman ako kay ate Jessie, gusto kong ikumpirma, ayaw tanggapin ng utak ko. Inihilamos lang ni ate ang kanyang palad sa kanyang mukha.
“I’m sorry anak, nasa morgue na siya ngayon, nandoon siya kung gusto mo siyang makita.”
“Sabihin niyong nagsisinungaling lang kayo! Sabihin niyong buhay pa si Kiro!” naghysterical na ako, hindi ko matanggap, ayaw tanggapin ng utak ko.
Hindi to totoo diba? Nananaginip lang ako di’ba?
“Michael, samahan mo siya papunta doon.”
Hinawakan ako ni Michael sa braso, inalalayan niya lang ako, hinang-hina ako, hindi ko alam kung paano ako nakarating sa harap ni Kiro.
Nasa higaan siya, natatakluban ng puting kumot.
Lumapit ako, gusto kong alisin ang kumot na iyon, gusto kong makita na hindi si Kiro iyon, at sabihin nila sa akin na “YARI KA!” na nasa isa lang akong Gag show.
Pero hindi nga siguro biro ang lahat ng ito, lumapit ako kay Kiro, walang lakas ang mga hakbang ko, nanginginig ang mga kamay ko ng hawakan ko ang kumot na nakatakip sa kanya, dahan-dahan kong hinila ang kumot, patalilis sa mukha niya.
Si Kiro nga…
Napaupo ako, ayan na naman ang mga luha kong hindi maubos-ubos.
“Kiro…” hinawakan ko ang kamay niya. “Kiro…” kumapit ako sa kinahihigaan niya, doon ako kumuha ng lakas para tumayo. “Kiro… bakit?”
“Bakit hindi mo ako hinintay? Hindi ko man lang nasabi sayong mahal na mahal kita…”
“Hindi mo narinig na sabihin ko sayong mahal kita, namatay ka ng malungkot.” niyugyog ko yong katawan niya, umaasa na sa ginagawa ko baka gumising siya. “Kiro… bakit ganyan yong pagmamahal mo sa akin? bakit pinili mong sarilinin lang lahat, dapat hindi ka naging makasarili, dapat pinaalam mo sa akin na may sakit ka. Ayaw mo ko makitang nasasaktan pag namatay ka, hindi mo ba alam na ngayon nasasaktan mo ko. Ayaw mo kong makitang umiiyak, kung nasan ka man ngayon, nakikiusap ako sayo, pumikit ka, para hindi mo makita ang luha ko.”
Napakasakit, bakit ganun?
Kiro, bakit iniwan mo ko? Nagagalit ako sa’yo kasi pinaramdam mo sa akin na mahal mo ko pero hindi ka gumawa ng paraan maging tayo ulit, pero ngayong alam ko na yong dahilan mo, nasasaktan ako.
Nasasaktan ako kasi hindi ko pinakita sayo kung gaano kita kamahal, hindi mo man lang narinig na sinasabi ko sayo na mahal kita. Sa panahong sinabi mong mahal mo ko, hindi ko man lang sinabi sayo na mahal din kita…
Nagagalit ako sayo, kasi napaka-unfair mo, bakit ganyan ka?
Bakit puro ako ang iniisip mo? Hindi ba pwedeng sarili mo lang isipin mo?
Alam mo ba kung ano ang gusto kong hilingin ngayon?
Sana bigyan ka ng limang minuto para mabuhay ulit, sasabihin ko lang sayo na mahal kita, yayakapin lang kita ng mahigpit at hahalikan kita. Pero alam ko, imposibleng mangyari yong hinihiling ko.
Kiro… bakit ka umalis at iniwan mo akong pinagsisisihan ang lahat ng nagawa ko sayo?
Tahimik lang akong umiiyak, tinitingnan siya.
Hinayaan kong hawakan ng kamay ko ang mukha niya sa huling pagkakataon, pinaglandas ko ang kamay ko sa noo niya… sa ilong niya… sa bibig niya… sa pisngi niya…
Kiro bakit ang hirap tanggapin na ito na ang huling pagkakataong mahahawakan ko ang mukha mo?
**************
Wew! Ang hirap magsulat kapag umiiyak..
Alam ko madrama, pero iniisip ko kasi na ako si Chloe kaya nadadala ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/1499875-288-k311244.jpg)
BINABASA MO ANG
I HATE YOU THEN I LOVE YOU *fin*
किशोर उपन्यासayoko na sayo .. hindi na kita mahal .. ay hindi, mahal pa rin kita .. pero ayaw na kitang mahalin!