Hinihintay ko si Chloe, sobrang nag-aalala ako ngayon sa kanya. Kilala ko talaga ang bestfriend kong iyon. Alam kong nahihirapan siya ngayon sa paghihiwalay nila ng bwisit na boyfriend niyang si Kiro. Sinabihan ko na ang lalaking iyon na wag papaiyakin ang bestfriend ko eh. Hindi ko siya mapapatawad sa pananakit na ginagawa niya.
Natanawan ko na si Chloe na papasok na ng campus namin, naglakad na agad ako papunta sa kanya, kinukuha ko ang gamit niya pra ako n gang magbitbit, pero as usual tulad ng lagi niyang ginagawa hindi niya hinahayaang ako ang magbitbit ng gamit niya.
8 years na kaming magbestfriend nitong si Chloe, at 8 years niya na ding tinatanggihan ang mga bagay na karaniwang ginagawa ng lalaki na pagtulong.
Ang sama ng tingin niya sa’kin. Napapangiti naman ako.
“Ano na namang problema mo diyan?” tanong ko sa kanya.
“Eh kasi ilang taon na, hindi ka pa din nasanay sa ugali kong hindi nagpapatulong, alam mo namang dati akong lalaki eh.” Pagbibiro niya.
gusto ko ang takbo ng usapan namin, iyong tipong akala mo hindi siya nang-istorbo kaninang madaling-araw at umiyak ng umiyak over the phone. Ayoko ding buksan ang topic na iyon, hihintayin kong siya mismo ang magsabi sa akin. Tama na muna ngayon iyong nakikita ko siyang masaya.
“ uy! Ano nang nangyari sayo dyan, na stuck-up ka na? mali-late na tayo pag hindi mo pa binilisan dyan.”
Hindi ko namalayang huminto pala ako sa paglakad ko.
“Nagmamadali ka masyado moo ah. Ito na“ binilisan ko ang paglakad ko para maabutan ko siya.
Magkaklase kami ni moo, naisip ko kasing mas maganda kung same kami ng course na kukunin, para lagi ko siyang kasama. Masaya kasi ako kapag kasama ko siya eh. Mahal na mahal ko ang bestfriend ko, kaya masasaktan sa akin ang sinumang mananakit sa kanya. Hindi iyong mahal na special thing ah, mahal ko siya talaga bilang bestfriend ko.
Natapos ang klase namin at ngayon ay ihahatid ko na lang ang makulit na ‘to sa bahay nila, pero wala pa ring tigil sa kakadaldal si Chloe about sa thesis namin.
“ Tingin mo, ano kayang magandang topic sa thesis natin? Iyong siguradong kapag pinasa natin hindi irereject ng professor.”
Natatawa ako sa expression ng mukha niya, halata mo na nag-iisip siya eh. Hawak niya ang buhok niya tapos pinapadulas niya dun ng paulit-ulit yong kamay niya.
“ Wala ako sa mood mag-isip ngayon eh.”
Tumigil siya sa ginagawa at tumingin sa akin. ”Halata ko nga, kanina ka pa ah. Sobrang naistorbo ko ba ang pagtulog mo kaya ka ganyan?”
“ Hindi po, sadyang wala lang talaga sa mood ang utak kong mag-isip ngayon.” Sagot ko habang binubuksan ang gate ng bahay nila. Tumahimik lang siya habang papunta kami sa kwarto niya.
“moo…” ayan na naman ang boses ng bestfriend kong naglalambing
“oh bakit?”
“Dito ka muna pwede? Usap lang tayo”
“Sige, anung pag-uusapan natin” sang-ayon lang ako ng sang-ayon, hindi ko matanggihan ang makulit na ito eh.”
Pumasok siya sa banyo para magpalit ng damit habang ako naman ay naupo sa silya malapit sa tokador niya. Nakita ko ang picture nila ni Kiro, napabuntong-hininga ako. Pinapahirapan niya lang ang sarili niya kung patuloy niya lang na ilalagay doon ang mga bagay na magpapaalala kay Kiro.
Lumabas na siya sa banyo. At umupo sa ibabaw ng kama niya
“Ano kayang magandang pag-usapan?” tanong niya sa akin.
“Gusto kong malaman ang dahilan bakit kayo naghiwalay.” Tiningnan ko ang reaksiyon niya, sabi ko na nga ba magiging malungkot lang siya pag iyon ang pag-uusapan namin. “Wag na pala yon, iba na lang. ikaw na bahala, kahit ano.”
Tumayo siya at binuksan ang computer niya.
“Iyon na lang ang pag-usapan natin, ayos lang. kaninang umaga ko pa nga hinihintay na magtanong ka eh.” Binuksan niya ang YM. “ Yan, basahin mo na lang ang previous conversation namin.”
“Ayos lang? private to eh.”
“Makapagsalita ka dyan, kinuha mo nga dati yong diary ko eh.”
Natawa tuloy ako, hindi niya talaga yon makalimutan. Nong time kasi na iyon ay ayaw umamin nito kung sino ang crush nito kaya napilitan siyang kunin ang diary.
“Sige na babasahin ko na. wag mo ng ibalik ang dati, nahihiya pa rin ako.”
Tumahimik ako at binasa ng maigi ang palitan ng messages ng dalawa. Naikuyom niya ang kamao ng mabasa ang sinabi ng lalaki na hindi ito naging masaya.
“Easy ka lang moo. Ako nga easy lang eh.” Naramdaman siguro niya ang galit ko.
“Wala siyang karapatang sabihin iyon. Lalaki ba siya? Grabe siya, nasabi niya ang mga ganong salita, hindi niya man lang inisip ang mararamdaman mo.”
“Hindi kaya siya talaga naging masaya sa akin?” nagulat ako sa tanong niya.
“Kapag mahal mo ang isang tao, kahit wala siyang ginagawa, makita mo lang siya, masaya ka na” naiinis ako sa lalaking iyon talaga. Paano niya nagawang sabihin sa bestfriend ko ang mga iyon? Nababaliw na ba siya. Tiningnan ko ang mukha ni Chloe nakikita kong naiiyak na naman siya.
“Moo, bakit ganun? Hindi ba niya naisip na nasasaktan ako sa mga ginagawa niya ngayon? Naging mahalaga ba ako sa kanya? Ni hindi niya na inisip na sayang ung tatlong taong pinagsamahan namin. Naiisip ko tuloy minahal niya ba ako talaga?” hinila ko siya at niyakap ng mahigpit, ngayon niya kailangan ng taong makikinig sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/1499875-288-k311244.jpg)
BINABASA MO ANG
I HATE YOU THEN I LOVE YOU *fin*
Ficção Adolescenteayoko na sayo .. hindi na kita mahal .. ay hindi, mahal pa rin kita .. pero ayaw na kitang mahalin!