** KIRO'S POV **
Naisip kong umuwi na muna, hindi na naman kasi maganda ang pakiramdam ko.
Natuwa ako sa pag-uwi agad ni Chloe nang malaman niyang nagseselos ako kasi magkasama sila ni Ghyan. Pero mali ako, kasi hindi ko na dapat pinaalam na nagseselos ako, dapat sinarili ko na lang iyon. Baka kasi umasa si Chloe na magkabalikan pa kaming dalawa, kahit parehas kami ng gustong mangyari ay hindi pwede. Pahihirapan lang namin ang isat-isa pag nagkataon.
Sinusubukan ko namang pigilan ang sarili kong wag sabihin sa kanya kung ano talaga ang nararamdaman ko eh, kaya nga nagsalita ako ng masakit sa kanya kahapon. Iyon lang ang naiisip kong paraan para hindi niya na ako mahalin, ang saktan siya sa ganoong paraan. Pero nahihirapan akong hindi sabihin sa kanya ang lahat ng nararamdaman ko lalo na kapag nakikita ko siya. Gusto kong maging makasarili pero nananaig sa akin ang pagmamahal ko kay Chloe, pag pinagpilitan namin ang gusto namin masasaktan lang siya. At sa bawat pag-iyak niya sa panahong iyon ay wala ako para punasan ang luha niya.
Nasasaktan ako kanina ng biglang lumungkot ang mukha niya, nang tanungin ko siya kung bakit umuwi siya kaagad. Gusto kong tanungin kung anong nangyari pero alam kong wala ako sa lugar para magtanong. Hindi na lang ako nagsalita at tiningnan ko na lang siya. Nasasaktan ako, dahil kahit na nagkikita kami at magkasama, alam kung may malaking pader na nakapagitan sa aming dalawa.
“Ahh…” Ang sakit, nararamdamn ko na naman ang sakit sa dibdib ko. Kinuha ko kaagad ang cellphone sa bulsa ko, dinial ko ang number niya.
“Anung problema Kiro?”
“Sumasakit na naman ang puso ko.”
“Pupunta ako dyan, inumin mo muna yong gamot mo habang wala pa ako.”
Iyon lang at binaba na nito ang phone, siya naman ay hinanap ang lalagyan niya ng gamot. Kumuha siya ng isa at ininom iyon.
- FLASHBACK –
Nang nasa labas na ako ay nakita ko si Michael na naglalakad, magkakasalubong kami sa daan. Nginitian ko siya, pero nagulat ako sa ganting-bati niya sa akin. Sinuntok niya ako, hindi ko ini-expect iyon kaya nawalan ako ng panimbang at bumagsak ako sa lupa.
Hinawakan ko ang pisngi kong tinamaan ng suntok niya. first time kong masuntok ah, masakit pala. “Ano bang problema mo?”
“Yang suntok na iyan ay para sa pananakit na ginawa mo kay Chloe, kulang pa nga iyan eh gusto pa kitang bigyan ng isa pa.” Sinuntok niya ako ulit.” Para naman iyon kay Ghyan.”
“Bakit ano bang ginawa ko kay Ghyan? Hindi ko pa nga nakikilala yon eh.” Naiinis ako, masakit talaga ang pisngi ko. gusto ko din siyang sapakin pero alam kong may kasalanan ako. Buti na lang at medyo may kalayuan na itong lugar sa bahay nila Chloe hindi niya makikita ang nangyayari at hindi siya mag-aalala.
“Naghiwalay na sila Ghyan at Chloe kahapon dahil sa’yo.” Aambahan na naman siya nito pero pinigilan niya ang kamao nito.
“Wala akong kinalaman doon, kagabi lang nalaman ni Chloe na nandito na ako.”
“Nakita ka niya sa restaurant kahapon, gusto kitang patayin baka akala mo. Naiinis na ako sa’yo, nakipaghiwalay ka kasama ng walang kwenta mong dahilan.”
“Kalma lang Michael, para namang hindi kita kaibigan niyan eh. Mahal ko si Chloe, hindi ko na alam ngayon kung paano siya babalik sa akin. Gusto ko siyang bumalik sa akin pero hindi pwede.” Sabi ko sa kanya sa malungkot na tinig.
Napatingin sa akin si Michael, hindi niya siguro inaasahan ang sinabi ko. inaya ko siyang sa bahay muna kami.
Nang makarating kami sa bahay ay pinapasok ko siya at pinaupo sa sala.
![](https://img.wattpad.com/cover/1499875-288-k311244.jpg)
BINABASA MO ANG
I HATE YOU THEN I LOVE YOU *fin*
أدب المراهقينayoko na sayo .. hindi na kita mahal .. ay hindi, mahal pa rin kita .. pero ayaw na kitang mahalin!