Chapter 28:

754 18 12
                                    

Pagpasok ko sa bahay nila Ghyan ay tumingin ako sa paligid.

“Wala sila tita?”

“Wala, ngayon na ang ribbon cutting nila sa Batangas eh.”

“Bakit hindi ka sumama?”

“Mas gusto ko kasing makasama kita eh.”

Natigil ang pagmamasid ko sa paligid dahil sa sinabi niya, napatingin ako sa kanya.

“Wag mong pahirapan lalo ang sitwasyon Ghyan.”

Biglang lumungkot ang expression ng mukha niya.

“Wag nating pag-usapan ang mga bagay na magpapahirap lang sayo at sa akin.”

“Mahal mo talaga sya no?”

Hays! Naiiyak tuloy ako, bakit kailangan naming mapunta sa sitwasyon na ganito?

“Hindi ko na dapat tinanong, alam ko naman ang sagot. Mahal mo talaga siya, kasi kung hindi mo siya mahal tayo pa rin sana hanggang ngayon.”

Naiilang na talaga ako sa sitwasyon, pwede bang wag na lang namin pag-usapan ang tungkol sa naging relasyon namin?

“Ang ganda ng painting na to ah! Bagong bili ni tita?” sabi ko nang makita ko ang painting na nakasabit, painting iyon na papalubog ang araw, nagrereflect ang ang kulay dahil sa tubig sa ilog.

“Wag mong ibahin ang usapan Jenith, alam kong maganda ang painting na yan. Pero iba ang pinag-uusapan natin kaya pwede bang sa akin ka lang tumingin?”

Napadako na naman ang tingin ko sa kanya. Bakit parang mukha siyang iiyak? Hindi siya pwedeng umiyak dahil sa akin, hindi ako deserving para sa luha niya.

“Ano ba Ghyan! Wag mo nang pahirapan ang sarili mo!” Naiinis na ako. Kahit hindi na kami, Ayoko pa ding makitang nasasaktan siya. “Nahihirapan din ako, tumigil ka na please.”

Nakita ko ang pagpatak ng luha sa mata niya, nagu-guilty ako. Bakit kailangan pang umabot sa ganito? Ayokong makitang umiiyak ang kahit na sino ng dahil sa akin. Okay lang kung ako ang iiyak eh, pero yong sila ang iiyak para sa akin, masyadong masakit.

“Ghyan…” Inalis ko ang distansya na nakapagitan sa aming dalawa, niyakap ko siya. “Please, nakikiusap ako sa’yo , wag mong sayangin ang luha mo para sa akin.”

“Pinipigilan ko talagang umiyak Jenith, kasi alam kong masasaktan ka kapag umiyak ako. Alam mo namang ayokong nakikitang nasasaktan ka, lahat gagawin ko para hindi ka masaktan. Kung pwede ko nga lang gawin na ako na lang si Kiro para masuklian ang pagmamahal na binibigay mo sa kanya. Kung kaya ko lang talaga ginawa ko na. Pasensya ka na kung ganito ako ngayon, sinubukan ko namang hindi magpakita sa’yo, sinubukan kong hindi ka i-text, sinubukan kong hindi ka guluhin, pero Jenith…” hinigpitan niya ang pagkakayakap niya sa akin. “Hindi ko talaga kaya.”

--------------------------------------------------

-          Ahihi! Alam ko konti na lang talaga papatayin niyo na ako dahil sa pambibiting ginagawa ko :DD

      pero gusto ko kasing ma-excite kayo kung anon a ang susunod na mangyayari :D kaya hanggang dyan na lang muna :D

next week ulit .. VOTE kayo if nagustuhan niyo :D

I HATE YOU THEN I LOVE YOU *fin*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon